ako si Rica. nakilala ko si Anton noong college kami. apat na taon na kami ni Anton. nagpropose siya sakin kama-kailan lang. handa na kami magpakasal. ang problema nga lang ay ayaw sakanya ng Daddy dahil. hindi kami pareho ng relihiyon. napakabait ni Anton at masipag.willing naman siya mag-convert ng religion dahil mahal niya ko. pagkatapos niya ma-convert ay. nagpaalam siya sa Daddy pero ayaw parin sakanya. ang sabi ng Daddy ay hinding-hindi raw siya papayag na maikasal kami. hindi ko maintidihan kung bakit. ang sagot lang ni Daddy ay dahil kilala nito kung anong klase ng magulang meron si Anton. pulis dati ang Daddy.
ayaw niya saking sabihin kung ano ang nalalaman niya sa pamilya ni Anton. ang sabi lang sakin ni Anton ay matagal ng patay ang kaniyang mga magulang.at wala siyang maalala tungkol sakanila dahil. nagka-amnesia siya noong bata ito. ng masunog ang kanilang bahay. bago pa matapos ang diskusyon tungkol sa kasal ay. nag-walkout si Anton. makikita ang. lungkot sakanya .umakyat ako papunta saaking kwarto. at umiyak ng umiyak. pwede naman kaming magpakasal ni Anton kahit walang permiso ni Daddy. kaya lang mahal na mahal ko siya at alam ito ni Anton.
simula ng mawala si Mommy ay si Daddy na ang nag-alaga at nagpalaki sakin. napagpasyahan namin ni Anton na magsama muna sa iisang bahay. nagpakalayo-layo kay Daddy. pero alam kong mahahanap din niya kami. sinorpresa ako ni Anton pinagluto niya ko ng paborito kong ulam na dinuguan. first time niyang kakain nito dahil bawal sa dati niyang relihiyon. ang saya namin ngunit. nag-aalala ako kay Daddy. di siya nagpaparamdam sakin at di niya ko hinahanap.
gusto ko siyang dalawin. ngunit ayaw ni Anton dahil. paghihiwalayin lang niya kami.pa-sikreto akong umuwi sa bahay. para tignan kung maayos ang ang lagay ni Daddy. may susi ako ng bahay kaya nakapasok ako. may naririnig akong. tao sa kusina kaya sumilip ako dito. ayaw kong malaman ni Daddy na nasa bahay ako. pag-silip ko ay hindi si Daddy ang aking nakita. kundi si Anton. may hinihiwa siyang karne. nilalagay niya ito sa isang supot. pamilyar ito dahil. araw-araw ay naguuwi siya nito pagkagaling sa trabaho at pinagluluto ako. lalapitan kona sana siya para tanungin kung anong nangyayari.
ng makita ko ang putol na kamay ni Daddy.