dalawa lang ang kwarto sa bahay namin. isa para kay na mama at papa at isa para samin ni ate. pero may cr ito sa loob ng mga kwarto. pinamana pa ito ni lola kay mama only child siya. hapon na ng makauwi ako sa bahay galing school. naririnig kong naliligo si ate sa banyo.
"ate, naiihi ako pa-open please!" di umiimik si ate.
"please ate sige na! ihing ihi nako ate!" kanina pako nagpipigil ng ihi kaya di kona kaya tumakbo ako sa kwarto nina mama. pagbalik ko ng kwarto ay tapos na maligo si ate.
"ang panget mo."
"mas panget ka inaano kita."
"muntik nakong maihi sa salawal dahil sayo."
"pinagsasabi mo?"
"kanina pako kumakatok e."
"ba't ka kumakatok? e nasa pool ako kanina nagswiswimming." pinagloloko lang ako ni ate alam ko.
"ewan ko sayo dika nakakatawa, makaligo na nga rin."
sobrang pagod ko kaya nagbabad ako sa bathtub at nakatulog. pagkagising ko ay kulay dugo ang tubig at napakabaho. iyak ako ng iyak.
"mommy! Ate!"
"ate di nakakatawa! mommy!"
sigaw ako ng sigaw. pagpasok ni mommy niyakap ko siya. pero sinakal niya ko. sobrang pawis na pawis ang aking katawan paggising ko.
panaginip lang pala. napakapangit na panaginip. buti nalang panaginip lang.
pero asan ako bakit ako nasa ospital??
"anak gising kana!" iyak ng iyak sina mommy at daddy.
"ha? bakit anong nangyari?" tanong ko.
"anak di mo maalala?"
"ano bang nangyari? ba't ako nandito ma?"
"nagpatiwakal ka anak, anak magsabi ka saamin kung may pinagdadaanan ka."
pinakita saakin ang picture. di ako makapaniwala na ginawa ko yun sa aking sarili sa loob ng aming banyo. wala akong maalalang ginawa ko yun.
sa picture ay may pangalan na nakasulat sa pader gamit ang dugo.
"sino si Loren? ano bang nangyayari? prank ba'to?"
"ang pangit na nga ng panaginip ko tapos may ganito pa."
"ano bang panaginip mo anak?" tanong ni mama.
"nasa bathtub ako puno ng dugo tapos sinakal mo raw ako ma." nagulat si mama at nahimatay.
nalaman namin na may kapatid si mama. nagpatiwakal daw ito sa banyo dahil kay mama. dina niya kwinento kung anong nagawa niya.
agad kaming lumipat ng bahay pagkatapos ng pangyayaring iyon.