Chapter 5: Hug

393 19 1
                                    


It's been three days since my date with Sierra happened and five days since the horrible thing happened to me and Reagan. Sa kasalukuyan, andito ako ngayon sa penthouse ko at kasamang kumakain si Reagan.

"Zai, ang boring dito sa penthouse mo. 'Di naman halatang wala kang kaibigan." Naiinip na sabi niya. Wala talaga akong kaibigan at wala ring nakakapasok dito kung wala akong ipapagawa o kailangan.

"Nga pala, may kalbong pumunta dito kahapon. Galit kasi bakit daw may bago akong manager."

"Speaking of him, give him this." I said and handed him a resignation paper. Naka kontrata kami ni Simon kaya hindi ko siya basta-bastang matatanggalan ng trabaho.

Tinanggap niya ito at hindi man lang nag-abalang tignan kung ano ang nakasulat. Napailing na lang ako.

"Pwede bang lumayas muna ako rito?"

"You can't go outside."

"I know that. Baka dumogin pa ako kung lumabas ako. Bakit ba kasi sa isang artista pa ako nakapagpalit ng katawan?!" Parang batang pagmamaktol niya. Binigyan ko siya ng masamang tingin at napaismid.

"Hindi nga ako nagreklamo kung bakit sa tanga ako nakipagpalit. Besides..." Tumigil ako saglit sa pagsasalita at nilaruan ang hawak kong spoon.

"The real question is... Why did we switched bodies?" I added, pumangit pa ang mukha ko dahil sa pait na dala ng pangyayaring ito. Nagkataon pa talagang isang makulit na tao ang napalitan ko ng kaluluwa.

Nakasimangot niyang sinubo ang pagkain bago niya ako tinignan, biglang nanlaki ang mata niya na para bang may naalala.

"May panaginip ako kagabi," Saglit siyang tumigil at kumunot ang noo niya na tila ba inaalala niya ang napanaginipan.

"Nasa rooftop ako tapos may kasama ako, kaso nga lang blurry masyado kaya 'di ko masyadong makita at isa pa 'di ko na gaanong maalala." Muntikan akong mabilaukan pagkatapos niyang magkwento.

"Tapos sigurado akong rooftop 'yon ng Club."

"I also dreamed like that last night," Seryosong sambit ko.

Could it be na connected 'to sa nangyari sa amin?

"The difference is I've never seen someone with me but I was trying to call for someone. " Tumigil din ako para alahanin kung ano ang sinabi ko sa panaginip pero hindi ko maalala, masyadong magulo at malabo.

"I can't remember it," Pagsusuko ko at nanlulumong napayuko.

Wala pa ring ibang nakakaalam sa nangyari sa aming dalawa pero sigurado akong may napapansin na ang pamilya ni Reagan dahil bukod sa iba ang galaw ko ay lagi akong lumalabas para puntahan si Reagan dito at asikasuhin ang mga schedules ko. What makes me wonder the most is never akong inutusan ni Reagan tungkol sa mga appointments niya. Nagtataka na nga ako kung ano ang trabaho niya bukod sa pagiging musician niya.

"Punta tayo mamaya sa Club, tapos tignan natin ang cctv," Bigla siyang natigilan at nag-isip ulit.

"Kaso masyadong strikto ron, 'di ba? Paano yan?" Nag-aalalang pagpapatuloy niya sa sinabi. Napaisip naman ako sa sinabi niya, may masasabi din pala siyang matino at may silbi. That's new.

Sumandal ako sa upuan at walang emosyon siyang tinignan, "That's it?" Nagtataka naman siyang napatingin sa'kin.

"Is that the only thing you are worried with?" Umangat ang sulok ng labi niya matapos ko siyang tanungin ulit at agresibong nilunok ang pagkain sa bibig niya.

Freaky FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon