Chapter 14: Red

277 20 1
                                    

Pagkapasok namin sa sasakyan ay mabilis ko na itong pinatakbo habang pilit na tinatawagan ulit si Gab kaso ay hindi na ito sumasagot kaya mahina akong napamura lalo na nang makitang may traffic sa daan.

"Where are you going after this?" Sierra asked as she watched me without any hints of emotion visible on her face.

I hesitated at first to give her an honest answer but I decided to answer it anyway. "Zaidee.." Napaiwas ako nang tingin dahil natatakot ako na makita ang magiging reaksyon niya kapag narinig niya ang pangalan ko.

"What relationship do you have with her?" She interrogated as I heard her fingers tapping the dashboard, her slightly long nails were causing sounds in an intimidating way, building an undeniable tension around us.

"I am her manager, did you forget about it?" Pabalik na pagtatanong ko sakanya at nanatiling nakatingin sa harapan. Tumigil siya sa pagtapik sa dashboard kaya naman ay saglit kaming binalot ng katahimikan.

"Oh, okay." simple at blanko niyang sagot. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas na loob para gamitin ang pagkakataon na ito para maliwanagan sa kung ano ang nararamdaman niya para sa tunay na ako.

"Why do you dislike her?" Wala akong nakuhang sagot mula sakanya hanggang sa nakausad na kami sa traffic. Hindi ko na rin pinilit ang tanong at ang kagustuhan kong malaman ang sagot at mas pinili nalang na itikom ang bibig.

Nasasaktan ako sa kaisipan na ang tanging dahilan kung bakit ko siya nakakasama at nakakausap ay dahil hindi niya ako kilala. Napakabigat isipin na alam ko na kung sakaling bumalik na ako sa tunay kong katawan ay mawawalan na naman ako ng koneksyon sakanya.

Though, it's not that totally bad since if ever that happens before I fall from this stupid romantic trap— it will be easier for me to get rid of these silly feelings I have for her. Dahil simula't-sapol ay hindi ko naman talaga dapat 'to nararamdaman kaya mas mabuti nalang na ako lang ang makakaalam.

Nang makahinto na kami sa harapan ng bahay nila ay tahimik kong tinanggal ang seatbelt niya at pinagbuksan siya ng pinto mula dito sa loob ng sasakyan. Inayos kona ang pagkakaupo ko ngunit si Sierra ay nanatiling nakaupo at para atang walang balak na lumubas.

"We are already in front of your house, Sierra." I announced in case she was just too preoccupied to notice it. However, it was as if she heard nothing because she stayed still on her seat— her hands gripping the fabric of her dress above her thighs.

"Dislike is too simple to describe the rage I have for her. I hate her, I loathe her so much to the point that I want her gone." Walang emosyon na saad niya bago umalis at pabagsak na isinirado ang pinto habang ako naman ay nakatulalang pinapanood siyang maglakad papasok sa malaking gate ng bahay nila.

Mahigpit kong hinawakan ang manubela ng sasakyan hanggang sa halos mamuti na ang kamay ko at isinandal ang ulo sa mga kamay ko bago huminga ng malalim. Nasa ganoon akong posisyon nang maalala ko ulit si Gab kaya naman ay mabilis kong inayos ang sarili at hinayaan ang nag-iisang luha na tumulo sa mata ko.

Forget about it. Forget about it. Forget it.

Naiinip akong nakatingin sa daan at mas binilisan ang pagtakbo ng kotse dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Gab. Binalot na rin ng sandamakmak ng senaryo ang isipan ko dahil sa kaiisip kung ano ba talaga ang nangyari o nangyayari sa penthouse. Paano kung nakausap niya si Dad, paano kung may nagtangka na naman na kitilin sng buhay ko? Dahil sa naisip ay pinaharurot ko na ang sasakyan.

Napahinga ako ng maluwag ng matanaw ko na ang Safe Haven Condominium Building. I expertly parked the car and immediately got out of it. Muntikan pa akong matumba dahil sa panghihina ng tuhod ko ngunit agad kong inayos ang sarili at mabilis na tumakbo papuntang elevator.

Freaky FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon