Chapter 13: Granny

303 22 1
                                    

Tahimik kong hinihintay si Sierra na bumalik dito sa kinauupuan ko matapos niyang pumasok sa isang panibagong store dito sa mall. Kanina rin ako nakayuko dito para iwasan ang mga tingin at camera ng mga taong andito para hintayin din ang paglabas ni Sierra sa store. Pinagsisihan ko talaga na hindi magsuot ng sombrero o di kaya ay face mask para kahit papaano ay maitago ko ang mukha ko.

Hindi ko naman kasi inakala na dito kami pupunta lalo na naartista si Sierra. I never thought that she will go somewhere public especially in a mall.

"Here..." Lalong nalukot ang mukha ko ng may inabot na namang bagong paper bag sa'kin si Sierra. Tinignan ko lang ito at hindi kinuha.

Puno na ang kamay ko, wala ng mapaglalagyan. Kung ano-ano kasi ang binibili. Pagkatapos namin sa isang clothing brand, lilipat na naman siya sa iba. Sa tingin ko nga ay humigit sampung store na ang napasukan namin.

And yes, being her slave for a day started an hour ago. No'ng nalaman niyang tuluyan na talaga akong gumaling ay agad siyang pumunta sa bahay at sinabing magiging slave na niya ako.

It's embarrassing since I, Zaidee Kielle, is now a slave of Sierra Veramonte. Mabuti nalang at medyo nabawasan ang hiya ko dahil nasa katawan ako ni Gabriel, kaso mas matatanggap ko pa atang gawin niya akong bodyguard.

I mean there's nothing wrong with the jobs I had mentioned, it's just that it feels so wrong- ugh! It's hard to explain but I hope you get my point.

Madami ring napapatingin sa'min. Of course, it is because I'm with Sierra. Malaya niya kasing pinapakita mukha niya dahil mahigpit naman ang seguridad sa paligid at wala pa namang fans ang masyadong pinipilit ang mga sarili. Habang ang medya naman ay hindi nakapasok dito sa mall dahil humingi ng tulong si Sierra sa nagmakay-ari ng mall na ito.

"Boyfriend niya ba 'yan, ang pogi!"

"Bagay sila!"

"They look good together."

"Ang pogi naman!"

"Hindi ko alam kung saan ako magseselos eh, sa lalaki ba o kay Sierra."

Iilan sa mga naririnig kong bulungan sa paligid. Naramdaman ko saglit ang pag-init ng pisngi ko- hindi dahil sa kilig kun'di ay dahil sa inis. Tss, bagay siya kay Gabriel? I bet we look a lot better if she's with me in my own body.

Kahit na mas matangkad siya sa akin ay bagay pa rin kami sa isa't-isa.

"Take it." Nakasimangot niyang sabi habang pilit na inaabot sa'kin ang paper bag. I looked at her before raising my arms which are both occupied with a bunch of paper bags.

"I can't, ask your bodyguards na lang." Pagrereklamo ko. Mas lalo siyang napanguso sa sinabi ko dahilan para makakuha ng tilian mula sa mga tao sa paligid.

We're getting too much attention, I hate it.

I'm an actress but I hate attention, does that make any sense? Yes it does. You can like something without liking the things you might get from it. For instance, you like using a phone but you don't want your vision to get blurry. It makes sense. If I say that it makes sense, that's it.

What I don't like the most is the current state we are being watched. I am sure this will cause a lot of commotion, especially in mass media. I wouldn't be surprised if this will become a hot topic in every social media platform and even in news broadcasts. Paniguradong mas lalong lalaki ang ulo ni Gabriel kapag nagkataon, hindi na nga yun napapagod kakasabi ulit tungkol sa pagiging 'Kaibigan' namin ni Sierra ngayon, ito pa kaya na napagkakamalan kaming couple.

Freaky FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon