Chapter 8: Accomplice

318 17 1
                                    

"Reagan, I told you already, I didn't mean to forgot about you!" I frustratedly shouted in desperation as I tried to open the door of my penthouse. May passcode naman pero parang may pumipigil sa loob kaya hindi ko pa rin mabuksan ang pinto.

Ang kapal ng mukha niyang pagsarahan ako ng pinto sa sarili kong penthouse.

"Leave me alone, Zai! Layas sho!" Malakas niyang pagtataboy sa'kin mula sa loob. Napabusangot naman ako sa'king narinig at inis na sinipa ang pinto dahil tuluyan ng naubos ang pasensya ko.

"Hoy! Gago ka, masisira yang pinto."

"Open the door!" Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at ang nakapamewang na katawan ko ang bumungad sa'kin. Napatingin ako sa likod niya at nakita ko ang lamesang na dapat ay nasa living room.

Mag-iisang oras niya ata akong pinaghintay sa labas.

"Annoying," walang emosyon kong turan at padabog na pumasok. Dinaanan ko lang siya at pasadyang binangga ang balikat niya bago dumiretsyo sa living room.

"I'm the one who's supposed to say that. Ikaw na nga 'tong may kasalanan sa'kin, ikaw pa ang galit." Inis niyang saad mula sa likuran ko, nilingon ko siya at nakita itong nakaturo sa'kin. Inis ko namang tinampal ng mahina ang daliri ni Reagan- ng katawan ko bago umupo sa sofa.

"I didn't mean it. Ano ba, paulit-ulit ka na lang!" I complained.

"Yan lang sasabihin mo?! For goodness' sake, I waited for you until 2:00 A.M. putangina 2 A.M." Napatakip naman ako sa tenga at masama siyang tinignan. Ang lakas ng boses niya.

"Ano ba gusto mong gawin ko? It happened na, wala na akong magagawa pa!" Pabalik ko ring sigaw.

"At least tell me you're sorry?" Naiinis ko siyang nilapitan kaya naman ay napapalunok siyang napaatras sa kaba.

"Over. My. Dead. Body." Diin kong saad at pairap siyang tinalikuran.

"Tangina mukha akong bakla, itigil mo yan!"

"Tangina ka rin kanina ka pa sumisigaw. MUKHA BA AKONG BENGE?!" Pabalik kong sigaw.

We looked stupid right now, I must admit that. But he's the stupidest- walang tatapat sa kabobohan niya.

"Oh sige ito na lang, Ta... ngi... na... mo... ka." Mabagal at sobrang mahina niyang sambit. Napahilot naman ako sa sentido bago nagsalita, "You mother fucker, who do you think you are to fucking curse at me like this."

Imbes na matakot sa sinabi ko ay nilabas niya lang ang dila niya dahilan para mas lalong uminit ang ulo ko.

Nagmumukha akong bata sa pinaggagawa niya.

"Damn it, come here!" Ubos na ang pasensya ko sakanya. Mabilis naman siyang tumakbo papalayo sa'kin nang mapansin na may balak akong puntahan siya.

Dahil dito ay nagsimula na kaming maghabulan na parang mga bata ng biglang may nag doorbell.

"WHAT!?", "ANO NA NAMAN BA!?" Pareho kaming napatigil sa pagtakbo at sabay na sumigaw sa inis.

Hinablot ko ang unan na nasa sofa at tinapon 'yon kay Reagan. "Get it..." Hinihingal kong utos. Nagpapadyak naman siyang naglakad papuntang pintuan.

Pagod akong pumunta ng kusina at uminom ng tubig. Pagbalik ko sa sofa ay bumungad na naman ang mukha kong nakasimangot. Dahil kay Reagan ay nagsisimula na akong naiinis sa pagmumukha ko.

"Zai, ano 'to?" Masungit niyang tanong at tinuro ang bulaklak na pina deliver ko.

Ah dumating na pala.

Freaky FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon