Chapter 12: Mad

295 18 0
                                    

"Reagan, won't you ask me why I'm here?" Saglit akong napapikit nang binulungan niya ako malapit sa tenga ko.

What I hate is the fact that her voice is giving me a soothing feeling that's calming the chaos in me. It sounded like it was the destined cure I am looking for, a voice that will set me free from the havoc of my own war.

"Wh-" Nanlalaki naman ang mata ko ng nagsalita si Gab sa tabi ko. Binalingan ko siya ng tingin at pinanlakihan ng mata.

Tumikhim muna siya bago patay malisya na nagsalita ulit, "What are you doing here?" Walang emosyon niyang tanong kay Sierra na ngayon ay mataray na ang mukha ngunit hindi man lang makatingin sa katawan ko.

"Are you Reagan?" She asked and her voice was calmer than before.

"I'm just asking," Sumusukong sabi ni Gab dahil naramdaman niya ata ang namumuong tensyon sa pagitan nila.

"Sierra, you should try this." Pakikisali ko sabay abot sakanya ang unang ulam na napulot ko dahil para hindi na sila magkasagutan pa, lalo na na competitive 'tong si Sierra- I'm sure she will try to argue back even if it's not needed.

Nanunukso nila akong tinignan pero hindi na nagsalita at nagpatuloy sa pagkain. Gaya ng lagi kong ginagawa ay hindi ko na ulit pinansin at binalingan ng tingin si Sierra na nakatitig na pala sa'kin.

There's this emotion inside her eyes that I cannot figure out, making me frown for a second. A small smile crept on her lips as she notice my behavior and then her small smile turns into a giggle.

Napaawang ang bibig kong napatitig sa kanya.

"I'm sorry po," Nahihiya niyang paumanhin ng mapansin na nakatitig kaming lahat sa kanya.

Naramdaman ko ulit na may sumiko sa akin kaya tinignan ko ang may salarin nito. Lumapit siya sa'kin at may binulong. "Stop staring, bading." Agad nangunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi ni Gabriel.

What does he mean? Babae ako kaya paano ako magiging bading?

"What do you mean?" Pabulong ko ring tanong sa kanya dahil sadyang naguguluhan talaga ako.

"Secret no clue," Mapanglaro niyang sabi. Bago pa ako tuluyang makapag react sa sinabi niya ay napabaling ulit ang atensyon ko kay Sierra nang tumikhim ito.

"Do you need anything?" Mahinang tanong ko dahil sa mga kasama namin para makaiwas sa panunukso nila. Kahit na alam kong madidinig pa rin nila dahil sa lapit ng distansya namin.

Hindi niya ako sinagot, bagkus ay masama niya akong tinignan bago inirapan. Mahinang napatawa ang mga kasama namin kaya nabaling ko ang atensyon sa kanila na ngayon pala ay nasa amin na pala ang atensyon.

Napayuko ulit ako dahil sa hiya at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"You're so pretty, Ate Ganda..." Suddenly, Randell complimented Sierra who had his eyes on the woman next to me since their interaction a minute ago.

Napangiti naman silang lahat maliban sa amin ni Gab na parehong kumakain ng maigi. Ngunit kapansin-pansin ang ngiti ni Sierra na nagpapakita sa kanyang mapuputi at mala koneho niyang ngipin, I also noticed that she doesn't usually smile with her teeth but when she does, I guess everyone would be captivated.

However, I can't be one of those people.

"Hello, there handsome boy," Nakangiting sabi niya at agad na nakatanggap ng kaway kay Randell.

"I am Randell, Ate Ganda and this is my Mama and Dada." Napabaling ang tingin niya kay Ate Rihanna at sa asawa niya na si Kuya Vince na parehong naaaliw sa kanilang anak. He's more fluent now, at hindi na gaanong nabubulol.

Freaky FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon