Zaidee's POV
Andito kami ngayon sa Club ni Reagan, third floor. Ayaw niya kasi sa VIP room kaya napipilitan din akong samahan siya dito. Kaya heto kami ngayon, parehong nag-iinom at problemado.
It's been two days since we visited the address that my private investigator gave me, two days of us being wasted here in the Club, and ten days being stuck in Reagan's body.
Hindi ko na alam ang gagawin, our situation is hopeless. Ilang araw na siyang nawawala bago pa kami pumunta do'n and hanggang ngayon ay hindi pa tumatawag si Sheena.
Nang malaman ko rin yun ay mas pinaigihan ko ang pagpapaimbestiga. However, I already use all my resources to find him pero ni kahit anino ay wala kaming nakita. Siya lang ang pag-asa namin pero ngayon ay parang wala na. Edi ano na ang gagawin namin? I can't just accept the thought that I will always stay in Reagan's body. I just can't.
"How did we ended up like this, I wanna play with Randell again and annoy everyone I know." Naiiyak na sabi ni Reagan. He doesn't look drunk at all kaya sa tingin ko ay nag iinarte lang siya. I have a high tolerance so no wonder why.
Napahiga naman ako sa braso kong nakapatong sa counter at napapikit.
"I need my body..." Walang emosyon kong saad. Kanina pa ako nahihilo dahil sa tingin ko ay mas mababa ang alcohol tolerance ni Reagan kumpara sa orihinal kong katawan. Gaya rin kasi ng sinabi ko, kanina pa kami umiinom.
Ilang saglit pa ay narinig ko ang paghikbi niya kaya natataranta akong napatayo at nilapitan siya.
"Ayoko na, ang hirap-hirap na lagi na lang ikaw nagpapaligo sa'kin, miss ko ng masolo ang CR." Humihikbing sabi niya at tinignan ako na mas lalo niyang ikinaiyak. "I can't even sleep properly because of having a nightmare every night!"
What the hell is wrong with him? I am not even drunk!
Natataranta kong tinakpan ang bibig niya at lumingon sa paligid. Buti na lang at parang busy ang mga tao sa paligid at malakas din ang music kaya hindi nila kami napapansin.
"OUCHHHH!" Malakas kong daing at hindi sinadyang nasampal ng mahina ang bibig niya dahil sa gulat na mas lalong nagpaiyak sa kanya.
I bit my lower lips and looked around— may iilan ng napatingin sa amin kaya naman ay napipilitan ko siyang binuhat na parang sako. Kinaya ko naman dahil sa lakas ng katawan ni Reagan.
Nanlalaki ang mga mata ng mga nadadaanan namin dahil sa paraan ng pagbuhat ko kay Reagan at nang makita kami ng security ay naalarma sila dahil alam naman nilang katawan ko ang binubuhat ko ngayon.
"She's wasted and wild. I need to do this." Napahinga naman ako ng maluwag nang mapansin na naniniwala sila sa sinabi ko. Pero ewan ko kung masisiyahan ba ako o hindi.
Dahil naniniwala talaga silang wasted at wild ang katawan ko!? Napailing na lang ako at pumasok na ng elevator. Ngunit agad nanlaki ang mata ko ng bumungad sa'kin si Sierra na gulat rin sa pagtagpo namin.
Nang makabawi ay tinaasan niya ako ng kilay habang si Reagan naman ay kanina pa galaw nang galaw.
"You're not doing any crime, aren't you?" Dudang sabi niya at hindi lumabas ng elevator.
"Aren't you coming in?" Pag-iiba ko sa usapan at tinignan ang loob ng Club.
Instead of answering my question she just raised her brows at me and crossed her arms. Seconds of silence envelope us and seconds of me receiving an observing stare from her before she speaked, "I asked you, Reagan."
BINABASA MO ANG
Freaky Friday
Romance"I would kill if I have to, I would slit a throat just to prove to you how much I love you and yet here you are, pointing that gun at me as if we didn't share a single t-thing." My voice cracked with desperation as I stopped my tears from falling ou...