Chapter Three

87 9 3
                                    

"Good morning Miss Stephanie"

"Good morning din kuya Peds, nagising din ba kayo sa malakas na ulan kagabi?"

Tanong ko sakanya, tyempong dumaan sya pag labas ko ng pintuan

"Aba oo, ang lakas ng kulog saka may kasabay ding kidlat"

"Ang nakapag tataka ay sobrang aliwalas naman ng panahon ngayong umaga, samantalang parang may bagyo yung ulan kagabi"

"Naku ganyan talaga dito pabago bago minsan iinit minsan naman uulan"

"Ganon ba hindi ba kayo nalilito nun? Buti hindi naman kayo madalas magka sakit"

"Sanayan lang ho, sige mag excuse muna ako at may pinag uutos sakin si Aling Mameng"

"Sya sige kuya"

Hindi ko na tinanong kung sino yung Aling Mameng na tinutukoy nya at mukhang nag ma-madali nga si kuya, sinarhan ko ang pintuan at sinigurong naka kandado yun. Pag harap ko ay muntikan pa akong mapa atras sa gulat nang makitang naka bukas din ang pinto ng kaharapan na Villa at sumuwang ang anyo ng lalaking may pagkaka wangis sa turkish actor na si Can Yaman, yun talaga ang lubos na pinag tuonan ko ng panahon para isipin kaninang umaga pagka gising ko kung sinong sikat ko nga ba naaalala ang physical appearance ni kuyang pogi. Hindi ako madaling mag swoon sa mga guwapong lalaki na nakikita ko pero iba talaga sya lalo pa sa malapitan and in broad day light.

"Good morning"

Muntikan pa akong mapa igtad nang marinig ang boses nya, mababa at bilugan. Lalaking lalaki at kung tabla lang ang mukha ko ay baka dito mismo sa harapan ng lalaki ay kinilig na ako.

"G-good morning din"

Hindi ko sure kung may lumabas ba na boses sa lalamunan ko dahil na distract na ang utak ko the moment na mapa dako ang mga mata ko sa fit na fit nyang pangangatawan, mag mula sa ma-masel nyang braso papunta sa malapad nyang dibdib hanggang sa- nag bilang pa ako sa isip kung ilang pandesal ang meron sya

One...two...three...four...fi-

"I'm sorry to break up your contemplation but aren't you thought that staring was impolite when you were a kid?"

"Ha?"

Matik na tumaas ang paningin ko patungo sa guwapo nyang mukha at sa hula ko ay nag kulay makopa na ang magka bilang pisngi ko dahil sa pagka pahiya

"Despite how flattering those looks are I believe the situation will be different if men start doing that"

Nakita ko na pinag krus nya ang kanyang mga braso at sumandal sa hamba ng pinto at may sumilay na pilyong ngiti sa labi

"H-hindi naman ako tumitingin-este hindi ko sinasadyang tingnan"

Parang nag pa-panic kong sabi na walang maapuhap na idadahilan sa lalaki na mukhang nag e-enjoy sa nakikitang pagka pahiya ko

"And?"

Parang nang uuyam pa nyang sabi, na naging effective dahil lalong nag init ang pisngi ko at syang pag bangon ng inis sa dibdib ko

"It's fine don't worry, huli ka pero hindi naman kita ikukulong. Just learn how hold back your attraction to someone and not be too overt about it"

Namilog ang mga mata ko sa narinig halos mapanganga pa

"Hoy excuse me Mister at sino namang nag sabi na attracted ako sayo? Napa tingin lang interesado na kaagad? Wow ha, para sabihin ko sayo hindi ko type yung ganyan noh ni pumunta nga sa barbero hindi mo magawa mas mahaba pa yata yang buhok mo sa bangs ko saka ayaw ko din sa mga tamad mag ahit, at hindi ko rin gusto ang mga lalaking may tattoo na daig pa ang preso sa bilibid-"

The Unexpected PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon