Kaagad ko yung piniksi sa isipan dahil sumagi sa memorya ko kung gaano kalakas ang dalang hangin ng lalaking kaharap kanina na mas malakas pa sa signal number four
Yan dinaan ka lang sa kaunting chika at pa smile-smile nagka memory gap kana Tepay!
Hindi porke't sya ang may ari ng resort na ito ay may karapatan na syang istorbohin ang pananahimik ko dito sa isang tabi na parang wala lang nangyari. Aba! matindi din ang pagka pahiya ko kanina sa may reception
"Penny for your thoughts"
Dinig kong sabi ng lalaking dilat na dilat ang mga mata nung mga panahong nag sabog ang kalangitan ng mga guwapong katangian
"M-maganda ang pagkaka disenyo mo ng buong lugar, halatang pinag isipan saka ito din ang patok sa mga beach goer ngayon tipong instagrammable ang dating para nga akong nasa Bali eh"
At napuri pa nga
Napa tikhim ako, siguro naman ay sapat na yun para sa ego ng lalaki at oras na para pag isahin na nya ako sa kanina ko pang linalantakan na danggit
"Thank you, I really incorporate the balinese architecture while I'm on my design process"
Ngiti lang ang naging sagot ko sa sinabi nya
"A-anyway kain ka"
Paano ko ba mapapa alis ang lalaki na hindi naman ako mag mumukhang barubal
"Salamat, I'll just have my coffee. Sorry nakaka istorbo na ako sayo, linapitan kita kasi gusto kong humingi ng despensa sa nangyari kanina. I forgot to
put my playful attitude in the right place"Gusto kong ismiran ang gwapo nyang mukha sa naring pero aaminin ko na may kudlit ng kilig parin na hatid sakin ang paandar ng lalaki. Tao lang din ako at hindi immune sa kaledad ng gandang lalaki ng kaharap. Mukha syang mayabang actually dahil obviously ay aware sya sa angking kakisigan. He's ruggedly handsome at bilang manunulat ay sya ang perpektong desripsyon ng mga heroes sa mga mills and boons paper backs na paborito kong basahin noong kabataan ko, mga bad boy type o kaya ay isang cowboy na naka sakay sa isang stallion, naka boots at cowboy hat yung kahit bilad sa araw, marungis gaya ng mga batang hamog at pawis ay pag nanasaan pa rin ng mga kababaihan.
He's strong and mascular, with sharp jaw na miminsan ay umiigting. Facial hair na hinayaan nya lang na tumubo at ngayon lang ako na attract sa naka man bun! He's sinfully gorgeous and despite sa manly features nya ay mukha parin syang mabango at hindi lang mukhang dahil nasasamyo ko ang amoy nya na fresh from the shower
"Na appreciate ko ang pag hingi mo ng despensa, kalimutan na natin yun saka pasensya na rin sa mga nasabi ko kanina"
"That's okay, by the way I will pick up the tab for your meal"
Nagulat ako sa sinabi nya
"Naku hindi mo naman kailangang gawin yun"
Tutol ko, enticing man ang salitang libre ay syempre may hiya pa rin naman ako
"No Stephanie, you can order anything you want for the day and I'll take care of it. Take it as a way of the resort to make up for the inconvenience"
"Nakaka hiya"
"Hindi yun nakaka hiya, if you need anything just ask the staff or you can approach me directly. Magka tapat lang naman ang rooms natin"
"Osya kung mapilit ka, maraming salamat. Ano nga palang pangalan mo?"
Atubili man ay tinanggap ko nalang ang offer nya. Ika nga nila masama daw ang tumatanggi sa grasya. Pasimpleng naisingit ko pa ang pag tatanong sa pangalan nya
BINABASA MO ANG
The Unexpected Plan
RomanceSi Tepay ay galing sa isang failed relationship, apat na taon ang ginugol at sinayang nyang panahon sa gunggong nyang ex na walang ibang alam gawin kundi bigyan sya ng sama ng loob at paasahin at para pansamantalang maka limot she decided to book a...