"Welcome to our Water Villa"
Masiglang sabi ni Peaches na sya ng nag bukas ng pinto para sakin, daig pa nya ang isang flight attendant na naka tayo sa may pintuan at sumalubong sa isang passenger. Ang unang naka tawag ng pansin ko ay ang malaking salamin ng sliding door na naka harap sa may asul na dagat, agad akong lumapit doon at hinawi ang sheer curtain na kulay puti
"O diba madam perfect na perfect yan pang awra naka two piece ka tapos yung background mo winner na winner"
"Oo nga, siguradong gamit na gamit ko itong side na 'to. Photoshoot kung photoshoot"
"Kung nag hahanap kayo ng photographer no worries nandito lang ako mura lang ako mag charge"
"Ay may charge"
Dismayado kong sabi na na excite na sana na naka hanap ng photographer
"Charing lang, syempre libre lang free of charge. Anyways Madam ipapakita ko sayo ang kabuuan ng kuwarto mamaya na dapat yang sa kabila ng sliding glass door namin para sa main event"
"Ganon ba na excite ako masyado"
Natatawa kong sagot saka sumunod sakanya
"As you can see this is a thatched roof Water Villa it comes with beautiful natural light, wooden ceiling and floor. The contemporary design blends a breezy indoor and outdoor feel and the ocean is always in view"
Natagpuan ko naman ang sarili na mataman na nakikinig sa mga sinasabi nya, may pag tataka kung praktisado at saulado ni Peaches ang mga pinag sasabi nya mag mula pa kanina sa reception
"Hindi na kailangang mga aircon dahil kapag binuksan ang mga malalaking sliding door na yan ay sobrang presko dito sa loob idagdag pa ang mataas na kisame saka may option din na buksan ang ceiling fan, and next we're going to the the bathroom"
Kakaiba nga ang resort na ito dahil daig ko pa ang nanunod ng Architectural Digest sa pag to-tour sakin ni Peaches na parang napaka raming energy sa katawan
"Our bathroom is chic minimalist designed with the bathub as center piece with the sunset views"
"Wow"
Yung lamang ang naging reaksyon ko
"Na i-imagine ko ang sarili ko na naliligo sa bathub tapos naka harap ako sa magandang view na yan, instagrammeable"
Lumapit ako sa bathub na parang bata na tuwang tuwa
"Ang saya ko na hindi ako nabudol"
Sabay kaming tumawa ni Peaches
"In-expect ko na talaga na ma di-disappoint ako pag dating ko dito ang gaganda kasi ng mga pictures sa facebook page nyo, may pagka luxurious parang maldives yung dating pero nung tinanong ko naman yung room rates abot kaya naman kaya nag dalawang isip ako noong una"
"Huwag kang mag alala madam hindi lang ikaw ang nakapag sabi nyan, lahat ng guest namin dito ay ganyan din ang reaksyon, kaya lang ay hindi pa masyadong nakikilala itong resort namin dahil bago palang saka yung gusto talaga ng may ari ay medyo may privacy pa din ang lugar na ito at huwag maging crowded kasi mawawala daw ang essence ng tranquil tropical hideaway na gusto nya na maging tema ng buong resort"
Bigla akong na curious sa may ari na sinasabi nya
"Hindi ba sya after sa Return of Investment nya sa pag papatayo nitong resort, panigurado ay umabot na 'to ng ilang milyon tapos yung other miscellaneous, yung monthly bills at suweldo ng mga tao"
"Konti lang naman kaming tao dito saka sadyang mayaman lang talaga ang amo namin ang totoo nyan ang original plan nya dito ay gagawin nya lang sana na bakasyunan kaya lang napansin ni boss na dumadami ang mga kaibigan nya na gustong bumisita sama na rin ang mga kamag anak nya. Nag extend ng nag extend hanggang sa naging resort"
BINABASA MO ANG
The Unexpected Plan
RomanceSi Tepay ay galing sa isang failed relationship, apat na taon ang ginugol at sinayang nyang panahon sa gunggong nyang ex na walang ibang alam gawin kundi bigyan sya ng sama ng loob at paasahin at para pansamantalang maka limot she decided to book a...