"Syempre gurl kinilig tinatanong paba yan, given na yun hindi pa naman tayo immune sa mga guwapo kahit na isa akong dakilang sawi sa pag ibig"
"Hay naku bakla sabi ko naman sayo kalimutan mo muna yang mga sawi sa pag ibig na moment na ganyan. Akala ko ba moving on stage na tayo. Hayan na o ayan na ang sagot dyan sa sawing pag ibig na sinasabi mo, pogi na ang lumalapit sunggaban mo na, gagalingan mo na lang"
"Ang malaking tanong dyan ay kung type din ako nung lalaki, he's beyond my reach. In terms of physical at economic status"
"And so? hindi naman yan sa physical as long as may charm ka at alindog laban na at yang sinasabi mong econimic status na yan if he's a real man that won't even matter to him aba bakit ikaw ba ang bubuhay sakanya hindi ba dapat sya dahil sya ang lalaki"
"Teka nga, teka nga ba't masyado ng lumalayo na ang usapan natin, bubuhayin agad Mimi? advance mag isip? Were two strangers in this island for sure the moment na umalis ako sa islang 'to ay hindi na rin kami magkikita ulit, that will be the end of our story"
"Aba mas okay na ang advance ano tyaka huwag ka ngang negative gurl dapat open ka lagi for possibilities"
"Tapos ano mapa find out ko nanaman bandang huli na it will be just another life lesson, character development at self love nalang ulit ganon? One thing I realized from dating ay napaka hirap magpa pasok ng tao sa buhay, lalo na kung talagang napa mahal ka sa tao. Nakapa hirap bitawan, they will always, always leave a hole and worst iiwanan ka nila na may trauma. Sino ba ang taong naka experience ng happy breakup please paki tanong kay Donnalyn kung paano at nang lahat naman tayo ay maiwasan ang ma-experience yang lintek na heartbreak na yan"
Just thinking about my ex ay naninikip na agad ang dibdib ko, naubos ako sa relasyong yun at dahil ako ang nakipag break ay ako pa ang naging masama bandang huli samantalang sya naman ang gago the whole duration of the relationship. Masama ba ang piliin ko naman ang sarili ko? Habang tumatanda ako, hayan inamin ko na the more I age ay the more ko din na realize that I should be kind to myself as well
"Gurl naiintindihan ko naman yang sinasabi mo kung may champion nga ng karupukan at ilang beses na pag se-self love ay unang una na yata ako sa pila. Pero siguro nga tama din si Steve Harvey that all of us wants to belong to someone, I want to belong to someone kaya siguro in every opportunity na dumarating sakin ay grab naman ako kahit pa nasasaktan ako sa huli. At the end of the day atleast I gave love at nabigay ko naman lahat sa relasyon na yun, minahal naman nila ako eh at naging masaya rin naman kami at the end of the day ay iniisip ko nalang na hindi lang talaga kami para sa isat-isa at may darating na isang lalaki at sya ang talagang tunay na mag mamahal sakin and he will choose to stay"
Lima ang naging boyfriend ni Mimi simula college at witness ako sa lahat ng katangahan nya sa pag ibig, ako naman ay isa lang talaga ang naging official boyfriend at lahat ay getting to know stage lamang at hindi naging succesful at nag progress into relationship kasi it's either hindi na mag paparamdam ang lalaki, hindi pa uso ang salitang ghosting ay maka ilang beses ko nang na experience yun. Kung hindi naman ang lalaki ang ayaw ay ako naman ang nag babago ang isip sa huli. Even those talking stages were a heartbreaking experience hanggang nga sa makilala ko ang ex ko akala ko talaga ay sya na, kaya nga matagal din ang tiniis ko
"Huwag mong ipag damot sa sarili mo ang mag mahal ulit Tepay dahil baka dahil dyan sa pagiging sigurista mo dahil nasaktan ka isang beses ay nandyan na pala ang totoong Prince Charming ay pinalagpas mo pa. Hindi masayang maging matandang dalaga uy"
"Hindi nga masaya pero kung peace of mind naman ang kapalit ay puwede na, hindi naman lahat ng nasa relasyon ay masaya ano. Saka hello three months pa lamang akong single bakla, nasa healing stage pa rin ako hindi ko naman sinasabi na hindi na ako mag jojowa ulit. Hindi naman dapat minamadali ang ganyang mga bagay, pag dumating edi bakit hindi"
BINABASA MO ANG
The Unexpected Plan
RomanceSi Tepay ay galing sa isang failed relationship, apat na taon ang ginugol at sinayang nyang panahon sa gunggong nyang ex na walang ibang alam gawin kundi bigyan sya ng sama ng loob at paasahin at para pansamantalang maka limot she decided to book a...