Chapter Nine

57 5 3
                                    

Nag kwentuhan at nag tatawanan kami habang kumakain, dahil madami nga ang mga in-order ni Rod ay hindi naman namin halos naubos yun. Maya-maya ay inaya nya ako na lumabas at doon naman kami pumuwesto ng upo sa pandalawahang table kung saan kitang kita namin ang mga nag sasayawan, um-order sya ng beer. Hindi ko na tinanggihan ang lalaki, tutal ay gusto ko namang i-enjoy ang gabi.

"Ang saya nilang tingnan"

Naka ngiti kong sabi, habang masasayang nag sasayaw ang magkaka pareha sa isang upbeat na spanish song, marahil ay nasa fifties na ang edad ng lalaking kumakanta sa maliit na stage na sinasabayan din nya ng pag tugtog ng gitara. Maluwag din ang ngiti nya habang naka tingin sakanyang audience.

"Sasayaw ka rin mamaya"

Tiningnan ko si Rod

"Nakaka hiya saka wala akong talent sa pag sasayaw baka magkandarapa lang ako dyan sa gitna"

"Hindi pwede ang killjoy dito Steph and no one will judge you here.
I told you we will dance"

"Seryoso ka pala talaga sa sinabi mo? mahilig ka siguro mag tugs tugs sa Manila no?"

"Noong kabataan ko oo hindi na ngayon, sabi ko naman sayo I'm all work and almost no play. Pero pag may mga pagkaka taong gan'to I enjoy it, saka papalagpasin mo ba ang mga the moves ko?"

Sagot nya na tinaas taas pa ang dalawang kilay nya sakin

"Oo nga no, sya sige gusto kong makita yang dance move mo na yan. Now na ba?"

Sabi ko na akmang tatayo na mula sa pagkaka upo pero pinigilan ako ni Rod. Binibiro ko lang naman sya.

"Mamaya na, magpapa kundisyon muna ako. Three bottles at magsisi alisan yang mga tao dyan sa gitna"

Napa halakhak ako

"Ang yabang natin dun ser ah, sige aabangan ko yan"

Saktong dumating ang in-order naming beer at pulutan

"Salamat kuya, kanina pa inom na inom 'tong kasama ko. O hayan dapat ubusin natin agad 'to"

Sabi ko na inilagay sa tapat nya ang isang bote

"Talaga tutulungan mo akong ubusin 'to"

Turo nya sa isang bucket ng beer

"Sige para hindi naman nakaka hiya dalawang bote para sakin"

Ako naman ang pinag tawanan nya

"Cheers"

Sabi ko sakanya na piningki ang hawak na beer sa hawak nyang bote, saka naka ngiting ininom ko yun

Tell me
Just what you want me to be
One kiss
And boom you're the only one for me
So please tell me
Why don't you come around no more

Intro palang ay alam ko na ang kantang tinutugtog ng sumunod na banda, I was already on my third bottle, sa pangalawang bote palang ay panay sabi na ako na pang huli ko na yun pero nasundan pa. Nagiging madaldal na ako at wala ng pakialam kung ano ang iniisip ng kasama ko.

"It just takes a little bit of this, a little bit of that it started with a kiss now we're up to bat"

Kanta ko na ginawa ng mic ang hawak na beer, linapit ko pa ang mukha sa mukha ni Rod na pansin ko na rin ang pamumula ng mukha dahil sa alak na nainom

"Gusto ko yang kantang yan, tara sayaw tayo"

Yaya ko sakanya na hinawakan ko pa sa braso

"Sabi mo tatlong bote lang, magkaka lakas loob kana eh pang lima mo na yan eh. San na yung mga the moves na pinag mamalaki mo? Wala ka pala eh"

The Unexpected PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon