Nasisilaw na isinangga ko ang isang kamay mula sa liwanag ng araw na pumapasok sa glass door, naka hawi ang mga kurtina kaya't saktong tumatama ang sikat ng araw sa mismong mukha ko. Bumalik sa pagkaka pikit ang mga mata na umisog ako sa malaking kama ngunit nang maramdamang abot parin ako ng init ay tumalikod ako. Napa mulat ako ng mga mata at sa nanlalabo pang paningin ay pinag masdan ng mabuti ang nasa harap ko, napa sigaw ako sa gulat nang mapagtanto at mapag sino ang lalaking katabi at ka face to face ko sa higaan halos mag dalawang dangkal nalang ang pagitan ng mga mukha namin , maging ang lalaki ay tila nagulat din at napa sigaw sabay pa kaming lumayo sa isa't-isa at parehong nasa gilid ng malaking kama.
"Anong ginagawa mo dito?"
Halos pa-hysterical kong tanong, mukhang disoriented pa ang mukha nya na tila inaalala pa yata ang nangyari kagabi, napa suklay pa sya sa sariling buhok na ang ilang hibla ay kumawala na mula sa pagkaka pusod. He's looking gorgeous at bagamat hindi parin ako maka move on mula sa nabungaran ko ngayong umaga ay hindi naman naka ligtas sa mga mata ko ang malaki at mamasel nyang braso, maging ang malapad nyang dibdib. Wala syang pang itaas.
Hubad baro si Rod at hindi ko rin alam kung mula sa pagkaka takip ng puting kumot sa ibabang bahagi ng katawan nya ay may suot syang saplot!
"Nag nag- nag ku-kuwan ba tayo?"
I can't even utter the word
"Good morning and no we didn't have sex"
Casual nyang sagot na mukhang naka bawi na sa pagka gulat kanina
"Sigurado ka? Anong ginagawa mo dito? Ba't tayo magka tabing natulog?"
Naguguluhan kong tanong
Sayang, hindi ba talaga namin nagawa
Isang bahagi pa yata ng utak ko ang nang hinayang sa missed opportunity na yun
"This is my room, look around. Hindi mo sakin nabigay ang susi ng villa mo kagabi sa kalasingan kaya dito nalang kita dinala and yes I can assure you na walang nangyari satin"
Tiningnan ko ang sarili, nakababa ang isang strap ng suot kong white beach dress at medyo naka lilis ang laylayan nun sa hita ko, dali dali ko yung inayos. Napansin kong naka tuon din doon ang atensyon ni Rod at nag iba lang ng direksyon ang mga mata nang tingnan ko sya.
"We just almost did"
Almost did?
Kinapa ko sa utak ang mga nangyari pero ang tanging naalala ko lang ay nung ihiga nya ako sa kama at nang iiwanan na nya ako ay halos pilitin ko ang lalaki na huwag umalis. Napa subsob ako sa mga palad.
"Naaalala mo na?"
"Anong mga pinag gagawa ko kagabi?"
Inakit akit ko ba sya? ako ba ang nag initiate? Anu-ano ang mga nagawa namin? Bakit wala na akong maalala?
Lintek kasing alak yan, kaya ayokong uminom. I hate not being in control of my actions. Nakaka hiya!
"Hey relax, buti nalang at walang nangyari kung meron baka nag lupasay kapa dyan. Tinulugan mo ako, I'm no somnophilia. I want my woman responsive, reactive and satisfied"
Pilyo nyang sabi and yes hindi ko maiwasang maapektuhan dahil dun pero agad ko yung pinalis sa isipan
"Maybe some other time, unfortunately we didn't do it last night"
Hindi ko inasahan ang sinabi nyang yun at mukhang tinutukso lang ako ng lalaki dahil sa nakikita nyang reaksyon ko at naniniwala naman akong wala ngang nangyari samin, pinakiramdaman ko ang sarili at suot ko pa naman ang damit at mga panloob ko. I don't think na si Rod din ang tipo na gagawin ang bagay na yun without the consent of a woman.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Plan
RomanceSi Tepay ay galing sa isang failed relationship, apat na taon ang ginugol at sinayang nyang panahon sa gunggong nyang ex na walang ibang alam gawin kundi bigyan sya ng sama ng loob at paasahin at para pansamantalang maka limot she decided to book a...