Chapter Seven

35 3 1
                                    

"May tanong ako"

Tiningnan ko nang maigi si Rod habang linalagok nya ang pangatlong bote nya ng beer, nagpa hatid pa sya ng apat kay Peds at inaalok pa sana sakin ang isa kaya lang ay hanggat maaari ay isang bote lang lang talaga ako dahil masyadong mababa ang tolerance ko sa alak heto nga at ramdam ko na ang pagiging tipsy

"What?"

Pukaw nya nang hindi ko sinundan ang sinabi

"Kasi diba thirty six kana, pasensya na kung nag mumukha akong usyosera pero hindi mo pa ba naiisipang mag settle down?"

Nakita ko na tumingin sya sa malayo at tila nag isip, mali yata ang naging tanong ko. Gusto ko tuloy mag sisi sa pagiging chismosa

"H-hindi naman required na sagutin mo ang tanong, forget about it"

Sabi ko nalang na tinamaan ng hiya

"No it's okay, may naisip lang ako"

At ano naman kaya yun?

"Lahat naman ay naiisip ang bagay na yan specially on my age, halos lahat ng kakilala ko ay nagsisi asawa na may mga kanya kanyang pamilya plus my mom, she kept on nagging me about grandchildren ako nalang kasi sa apat na magka kapatid ang hindi pa lumalagay sa tahimik pero I always tell her na I'm just taking my time, hindi ko pa siguro nahahanap ang babaeng gusto kong makasama"

Tiningnan ko sya na para bang hindi naniniwala

"Parang imposible naman yata, yang ganyang kaguwapo hindi makaka hanap ng babaeng pang habang buhay? For sure marami kaya lang baka ikaw ang ayaw pang lumagay sa tahimik, masyado mo pang ine-enjoy ang pagiging bachelor"

"In other words hindi pa ako handang magpa tali because I still like having fun at ine-enjoy ko pa ang pambababae? Wrong"

"Naku hindi ko sinabi na babaero ka ha ang sabi ko lang baka masyado kapang maraming gustong gawin sa buhay kaya hindi pa pumapasok sa isip mo ang pag aasawa"

Paliwanag ko pero ang totoo ay tingin ko naman talaga ay babaero sya at hindi makukuntento sa isa lang pero hindi ko naman sasabihin yun ng harap harapan. Baka sobrang taas din ng standard, well may K sya kasi nasakanya ang katangiang gugustuhin ng babae sa isang lalaki hindi lang ako syempre sigurado sa ugali dahil hindi ko pa naman sya lubos na nakikilala

"Kayo talagang mga babae it's so easy for you to give prejudice, hindi lahat ng nakikita nyo sa labas ay totoo na. You might see me as a lady killer, an operator but it's the opposite"

Nagka titigan kaming dalawa, ang hindi ko namamalayan ay yung tinging binibigay ko pala sakanya ay tinging may pag dududa

"Nasa sayo naman kung maniniwala ka o hindi, mas lalo siguro na hindi ka maniniwala pag kwinento ko pa sayo"

"Ang alin?"

Syempre ay agad akong na curious

Hindi nag salita si Rodney at uminom ulit ng beer

"Ano nga?"

Tiningnan lang ako ng damuho, hindi ko alam kung pinag tri-tripan lang ako

"Pa suspense naman 'to eh, ano ba yun? Sabihin mo na"

Pamimilit ko

"Fine, fine. Ke-kwento ko na. Ikakasal na dapat ako"

Nanlaki ang mata ko sa narinig na para bang sobrang kagulat gulat yun

"Ha? Anong nangyari bakit hindi natuloy?"

"She broke up with me three weeks before the wedding"

Sagot nya at tumingin sa malayo, may naaninag ako na lungkot sa mga mata nya, parang saglit lamang yun kaya hindi ko nasisiguro kung guni guni ko lang. Who would have thought na gan'tong napaka gandang nilalang ay iniiwanan pa din pala at sumagi sakin ang naging sitwasyon ko. I was heartbroken too, pero hindi ko lubos maisip na makipag break sakin ang taong mahal ko just weeks before our wedding. Pero bago ko man lubos na kaawaan ang lalaki ay hindi ko pa naman alam ang mga detalye bakit nangyari yun, there's two sides to every coin.

The Unexpected PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon