001: "MATA"

1 0 0
                                    

“Mata”
by: mspeyyyn

Sa gitna ng dilim,
Naaninag ko ang talim,
Mga matang di maabot sa lalim,
Kalungkutang tinatago ng palihim.

Wala sa talinhaga,
O ganda ng mga bawat salita.
Ito'y nasa anyo ng mga mata,
Nagmamatyag, nasasaktan—
pakunwaring masaya.

Maraming baka sakali,
Ang bumibisita sa puso ng sawi.
Pusong hinihintay ang paglisan ng gabi,
Pusong laging sarili ay isinasantabi.

Mga mata, matang mapagkunwari.
Ang kailangan niya'y liwanag,
Sa gabi kung kailan kadiliman ang siyang tumatawag.
Sa gabi kung kailan puso't isip niya'y ‘di mapanatag.

———🌻
Photo from Pinterest by Odysseypins
Date: 07-22-2022 | 3:30PM
#NoPlagiarism

Jāné del-amWhere stories live. Discover now