Chapter 2

2 0 0
                                    

Chiave's POV

"Ano baby, masarap ba ang luto ni mommy?" nakangiting tanong ko sa aking anak habang hinahaplos ang kanyang buhok. Nginuya muna niya ang kinakain tsaka nilunok.

He gave me a thumbs up then answered. "Yup mommy, even though it's just eggs, bacon and hotdog" nangingiting sabi nito saka pinagpatuloy ang pagkain.

"I'm sorry baby" sabi niya saka siya umikot sa katapat na upuan ng anak niya at sumimsim ng kape bago sumagot. "Nakalimutan ni mommy na mag grocery kasi medyo busy sa shop, yan lang ang naiwan na pwedeng lutuin, but don't worry mag go grocery tayo mamaya okay?" nakangiti ko paring turan sa anak ko. Tumango tango naman siya saka sumagot.

"It's fine mommy, masarap parin naman eh. See naubos ko nga po lahat eh" masayang sabi nito saka pinakita sakin ang pinggan na ngayon ay wala ng laman. I just smiled at him saka ako tumayo at ginulo ang buhok nito. Hinintay ko muna siyang makainom ng tubig bago ko niligpit ang pinagkainan niya.

"Come on baby, we need to go" sabi ko sakanya saka ko siya kinarga.

"Mommy, you know you don't have to carry me. I can walk, mapapagod ka lang" sabi niya sakin habang hinahaplos ang buhok ko.

"It's fine. You're mommy's baby so it's alright. Saka di ba strong si mommy?" turan ko sakanya na nakangiti habang naglalakad ako palabas ng bahay papunta sa garahe.

Nang makarating kami sa garahe ay kaagad ko siyang pinasakay sa may passenger seat saka ako umikot para sumakay sa may driver's seat. Sinuotan ko muna siya ng seatbelt saka ako at pinaandar na ang sasakyan papuntang coffee shop.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa shop. Hindi naman ganun kalayo ang bahay namin dito. Pinarada ko muna ang kotse ko sa harap ng shop. Yup, I now owned a coffee shop. Pagkaalis ko sa aming bayan halos limang taon na ang nakalilipas, I met him and he left this shop to me.

Hindi ko alam ang rason niya kung bakit niya iniwan sakin ang shop, well maybe he saw it coming, I mean maybe he just doesn't wants me in his future so maybe it's his compensation for leaving me pero ang hindi niya alam hindi lang ako ang iniwan niya, pati ang anak namin.

"Stay here okay? Bubuksan ko lang yung shop. Wag kang lalabas" utos ko sakanya. Nagthumbs up naman siya habang nakangiti bilang sagot.

"Good boy" turan ko habang ginugulo ang kanyang buhok. Natawa nalang ako ng sumimangot siya. Ayaw na ayaw kasi niya na ginugulo ang kanyang buhok dahil hindi na daw siya gwapo pag ganun. Naiiling na natatawa parin akong bumaba sa kotse. Ilang minuto lang ang ginugol ko sa pagbubukas ng shop.

"Baby, come, pasok-" natigilan nalang ako ng makita kong wala ang anak ko sa kotse. Nanginig ang katawan ko ng hindi ko siya mahanap sa loob. Where the hell is he? Nagpapanic akong tumingin sa paligid.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko ang anak ko sa gilid ng daan na may nilalarong pusa ngunit ganon nalang ang panlalambot ng tuhod ko ng biglang tumakbo ang pusa sa gitna ng daan at hinabol ito ng anak ko.

Napatakbo nalang ako ng makita kong may humaharurot na sasakyan sa daang kinalalagyan ng anak ko. Masyadong mabilis ang pangyayari.

Mabilis kong tinulak ang anak ko para hindi siya ang mabangga and it all came back like it was just yesterday, that incident five years ago. Ngunit ganon nalang ang gulat ko nang may biglang yumakap sakin sa may likuran tsaka niya ako iniwas sa sasakyan.

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa may gilid ng daan kasama ang kung sino ang nagligtas sa akin.

"Mommy" rinig kong iyak ng aking anak. Napaupo ako ng wala sa oras ng marinig ko ang iyak niya.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon