Chapter 4

4 0 0
                                    

Gavrill's POV

Napilitan akong mag grocery dahil wala na akong stock ng pagkain sa penthouse. Kahit tinatamad akong lumabas and I don't feel like going out pinilit ko parin ang sarili ko. Ayoko namang mabulok ako dito sa loob. Kaya kahit tinatamad, I drag myself to bath saka ako bumaba. My penthouse is on top of this building.

Habang nasa loob ako ng elevator, hindi ko maiwasang isipin ang aksidenteng nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nagkita na ulit kami at kung paano ako aakto sa harapan niya. Andaming katanungan sa utak ko na hindi ko alam kung pano mabibigyang kasagutan ng hindi siya nakakausap because that's the last thing that I'll do.

Nang makarating ako sa parking lot ng building agad akong naglakad papuntang kotse saka ako sumakay at pinaharurot ito sa may supermarket. Ayoko ng lumayo sa building kung nasan ang bahay ko kaya sa may malapit na supermarket nalang ako pumunta. Pinark ko muna ang sasakyan ko saka ako tuluyang pumasok sa loob na may tulak tulak na cart.

Ilang minuto pa akong nagpalakad lakad ng makita kong puno na ang cart ko. Meats, veggies, can goods, beers and wines, syempre hindi mawawala yan, at kung ano ano pang pwedeng kainin. Akmang itutulak ko na sana ang cart ko ng mahagip ng mata ko ang isang batang lalaki na pilit na inaabot ang isang plastic ng marshmallow. Hindi niya ito maabot dahil may kataasan ito. Napakunot noo ako nang mukhang pamilyar sakin ang batang ito.

Kusang gumalaw ang mga paa ko upang lapitan ang bata. Nang makalapit ako sakanya, kinuha ko ang isang plastic ng marshmallow saka ko inabot sakanya. Inangat muna niya ang kanyang tingin saka tumingin sakin at hindi nga ako nagkakamali. It's him.

Napakunot noo nalang ako ng titig na titig pa rin siya sakin na parang naghihintay.

"What?" hindi ko maiwasang tanong. Nangungusap ang mga mata niya and there's something to his eyes that draws me to this little fella.

"This is not enough" sabi niya saka tumingin sa hawak niyang pagkain. Kumuha ako ng tatlo pang plastic at binigay iyon sakanya. Dahil malalaki ang sizes ng plastic ng marshmallow halos hindi niya ito mahawakan kahit pa nga dalawang kamay niya ang kanyang gamit.

"Is that enough?" tanong ko sakanya. Tumingala ulit siya sakin para sumagot.

"Yup" he answered while popping the letter 'p'. Natawa nalang ako sa itsura niya dahil halos matakpan na ng hawak niyang pagkain ang mukha niya. Nagpalinga linga ako sa paligid ng mapansin kong wala itong kasama, tatanungin ko na sana siya ng bigla nalang may tumakbong babae sa harap ng bata saka siya niyakap ng mahigpit.

"Thank goodness, Adiel" bakas ang pag aalala sa boses ng babae and I went stiffed ng marinig ko ang boses niya.

"Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Di ba sabi ni mommy wag kang lalayo?" she said almost crying. There's that word again, 'mommy'. Anak ba talaga niya ito? May asawa na ba siya? Sino? I can't help but ask myself and as usual wala nanaman akong makuhang sagot.

"Did I make you worry again mommy?" sumisinghot na ani ng bata. Gusto ko sanang sabihin sa bata na hindi naman niya kasalanan because her mom should have taken care of him, mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko bago pa ako makapagtanong.

"Adiel, it's normal for me to worry. Anak kita at ayokong mawala ka sakin" she said while looking intently at his sons eyes. Is he really that worried to him? Of course, it's his son for crying out loud. Sabi ng isang tinig sa utak ko. Well if she's really that worried then sana inaalagaan niya ng mabuti ang anak niya, but what happened? Muntik na itong mawala. Paano nalang kung hindi ako ang nakakita sa anak niya at yung mga masasamang tao pa ang nakakita rito? Eh di mababaliw siya sa kaiisip. Litanya nama ng utak ko.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon