Chapter 16

1 0 0
                                    

Chiave's POV

"You're the one who likes him. He's the one who likes me. I have nothing to do with his feelings kasi hindi ko siya gusto. Besides we already said to you that we're not going to tell him how you feel kasi ikaw ang magsasabi sakanya and now you are telling me that I am taking advantage of his feelings towards me?" hindi ko maiwasang hindi siya pagtaasan ng boses dahil sa mga sagot niya. Mukhang natauhan ata siya sa pagsigaw ko dahil sa naging reaksyon niya. She has that "I did not just say that and I don't mean what I said" look. Bumuntong hininga saka kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita.

"I'm sorry" hingi ko ng pasensya sakanya saka ko binitawan ang mga damit na hawak ko saka ako lumabas ng unit namin.

We came here to relax and enjoy our vacation and I don't want to ruin that because of her frustrations with me. I know she's jealous dahil alam niyang gusto ako ni Hikari but I am trying my best to avoid him pero paano ko siya maiiwasan kung kaibigan namin siya? I don't want us to be mad at each other just because of a guy.

Pamilya na ang turing ko sakanila dahil sila nalang ang meron ako at sila ang nandyan nung mga panahong walang wala ako kahit na nung mga panahong nahihirapan ako sa pagbubuntis kay Adi. Sila nalang ang meron ako at ayokong mawala iyon.

Hindi ko na namalayan na nakalabas na pala ako ng hotel. Nang tumingin ako sa paligid ay mukhang nakalayo na ata ako sa hotel dahil puro puno na ang nakikita ko. I was too distracted by my thoughts at hindi ko alam na nakalayo na pala ko. I can't help but to curse at myself because of how stupid I am. Pano ako makakabalik nito kung hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito?

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng shorts na suot ko ngunit wala ito. Mukhang naiwan ko ito sa unit namin.

"Now what?" hindi ko maiwasang tanong sa sarili ko and started walking. Ilang minuto na akong naglalakad ngunit hindi ko parin matanaw ang hotel. Babalik na sana ako sa direksyong pinanggalingan ko ng bigla akong mabangga sa kung ano. Hindi ko maiwasang mapapikit at hindi masapo ang noo ko dahil masakit ito at medyo malakas ang pagkakauntog ko. When I opened my eyes I saw a pair of what seems to be a person's feet. A person! I exclaimed in my mind at dali daling tumungo. Ngunit ganun nalang ang panlulumo ko ng makita ko ang taong pinaka ayaw kong makita.

"What the hell are you doing here?" we said in unison. Hindi ko maiwasang mapaatras sa paraan ng pagkakatitig niya sakin.

"Andito ako para magsimba" sarkastikong sagot ko kay Yophiel. Yes, the least person that I want to see right now is him and he's here. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin dahil sa sagot ko.

"You know I can kill you right here, right now, without anyone knowing where I will dump your body after" I look at him in disbelief.

"Do you really hate me that much and the idea that I told you that you are my son's father? Don't worry he's not yours" sagot ko sakanya.

"Yes, but most of all, I hate your whole existence" hindi ko maiwasang mapakurap sa sinabi niya and there's this pain in my chest again.

"What did I ever do to you to hate me that much? Bakit kung umasta ka parang ang laki ng kasalanan ko sayo? Bat ikaw pa ang may karapatang magalit gayong ikaw ang nang iwan?" sumbat ko sakanya. I'm on the verge of crying but that will just give him the satisfaction and I wouldn't give him that.

"You really don't know huh?" tanong niya habang humahakbang paharap kaya hindi ko maiwasang hindi umatras. The intensity of his stares could kill. What the hell happened to him? He's far from the Yophiel that I know. Or maybe this is the real him and I really didn't know him at all. Come to think of it. He's always a mystery to everyone.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon