Chapter 5

1 0 0
                                    

Chiave's POV


Bagsak ang mga balikat kong binaba ang aking anak sa kama namin. Nakatulog siya habang pauwi kami galing ng supermarket. Habang tinititigan ko ang mukha ng aking anak, naglakbay nanaman ang isip ko patungo sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung napansin ba niyang may pagkakahawig silang dalawa or he's just too busy to care or he really doesn't care at all.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla nalang kaming umalis ng hindi man lang maayos na nagpapaalam, sana naman hindi siya nakahalata. Ilang minuto pa akong nanatili sa kwarto namin ng anak ko at tinitigan siyang mabuti. 

I've been contemplating about my next move. I'm torn between telling them both that they are father and son or i'll just keep it a secret hanggang sa malagutan ako ng hininga. But the world isn't that huge, at alam ko isang araw malalaman din nila kung anong relasyon nila sa isa't isa at hindi ko alam kung handa na ako. Ayokong magsinungaling sa anak ko, he deserves to know at ayokong lumaking walang ama ang anak ko but I also don't want to give him false hopes. Ayokong masaktan ang anak ko kapag hindi siya tinanggap ng kanyang ama dahil alam ko kung anong pakiramdam na hindi ka tanggap ng iyong mga magulang. 

Napasabunot nalang ako sa buhok ko saka ako naiinis at naguguluhang lumabas ng kwarto namin at naglakad patungong kusina para ayusin ang mga pinamili namin. Saka ko na proproblemahin yun pag nakapag isip na ako ng mabuti.

*

Ilang araw na ang lumipas simula ng tagpong iyon sa may supermarket at sa mga araw na yon, hindi ko na rin siya nakita o nagparamdam man lang and maybe it's a sign. A sign na mas mabuting hindi niya malaman ang katotohanan.

Napahawak nalang ako sa may bandang dibdib ko kung nasaan ang puso ko ng maramdaman kong sumigid ang kirot na ang akala ko ay hindi ko na mararamdaman. It's been almost five years ng maramdaman ko ang kaparehong sakit na nararamdaman ko ngayon at iyon ay noong iniwan niya ako ng walang paalam. Akala ko binaon ko na ito sa limot at wala na ang sakit ngunit nagkamali ako, dahil nagbalik lang siya at nawala nanaman ay bumabalik na rin ang sakit na nararamdaman ko.

"Hoy bruha!" pagkuha ni Chiara sa atensyon ko.

"H-hah?" naguguluhang tanong ko sakanya.

"Alam mo Chiave konting konti nalang masasabunutan na talaga kita. Ano bang nangyayari sayo? Halos isang linggo ka ng nagkakaganyan. Okay ka lang ba?" derederetso niyang sabi sakin.

"Gusto rin kitang sabunutan dahil naiinis rin ako sayo" naiinis ko ring sagot sakanya.

Napaawang naman ang labi niya sa sagot ko. "Aba ikaw pa itong may ganang magalit. Nag aalala na nga yung tao sayo" naiinis rin niyang sabi sakin.

"Sino ba ang nagsabi sa anak ko ng kung ano ano tungkol sa tatay niya?" nakataas kilay kong tanong sakanya.

Napakamot naman siya sa batok bago sumagot na may mga nag aalangang ngiti. "Sorry na. Karapatan naman kasi niyang malaman kahit pangalan lang naman ng daddy niya. You know, you can't keep it forever" sagot niya saka lumipat ng upo sa may tabi ko at ini angkla niya ang kanyang braso sa braso ko.

"Alam mo kung hindi lang kita bestfriend makakalbo na kita" naiinis ko paring ani.

"Bakit ba bigla bigla nalang siyang pumapasok sa usapan natin? Matagal na siyang wala Chiave at akala ko ba naka move on ka na?" she asked curiously.

"He's here" yan lang ang mga katagang lumabas sa bibig ko pero sapat na para malaman niya kung sino ang tinutukoy ko.

Napaawang ang mga labi niya. "He's here?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Nakausap mo ba siya? Tinanong mo ba siya? Bakit siya nandito? Bakit siya nagbalik?" she paused for a while saka biglang nanlaki ang mga mata niya. "Oh my god! Does he know?" she asked wearing a worried look on her face. Mukhang mas kinabahan pa siya kesa sakin eh.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon