Chapter 3

2 0 0
                                    

Chiave's POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nakita ko na siya. Laging laman ng isip ko ang lalaking iyon. Masyadong maraming katanungan ang nangangailangan ng kasagutan ngunit wala ni isang sagot akong mahagilap sa utak ko. Pero ang tanong na umuukilkil sa utak ko simula noon pa ay kung bakit niya ako iniwan.

"Ah hi?"

Gusto ko siyang habulin at tanungin kung bakit niya ako iniwan. Gusto kong malaman kung anong rason niya.

"Hello. Miss?"

Kung bakit isang araw nagising nalang ako na wala na siya sa tabi ko.

"Earth to Chiave" sabi ng isang tinig kasabay ng mga kamay na yumugyog sa magkabila kong balikat.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Chiara.

"H-hey" nag aalangan akong ngumiti sakanya.

"K-kanina ka pa?" dagdag tanong ko kay Chiara. Ni hindi ko man lang namalayan na andito pala siya.

"Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka naman. Ni hindi mo ata napansin yung customers mo" nakakunot noong turan nito. Napanganga nalang ako ng makita kong may limang tao na nakapila para umorder.

"I-i'm so sorry" nahihiyang hingi ko ng paumanhin sa mga customer. Mukhang kanina pa ata sila naghihintay. Ano bang nangyayari sakin? Nakita ko lang ang lalaking yun nagkakaganito na ako.

"Asikasuhin mo na muna sila. Dun nalang muna ako sa anak mo at kay Hikari. Let's talk later at sabihin mo sakin kung anong nangyayari sayo kundi sasabunutan kita. I mean it Chiave" she said narrowing her eyes at me saka naglakad patungo sa kinauupuan ng aking anak na masayang nakikipagkwentuhan kay Hikari. Nang makita ako ni Hikari ay kinawayan niya ako, ngumiti nalang ako bilang sagot saka ko inasikaso ang mga customer ko na mukhang kanina pa ata naghihintay.

Nang matapos ko silang maasikaso at maibigay ang mga order nila tinawag ko si Carla.

"Ikaw muna dito kakausapin ko lang sila" tumango naman siya bilang sagot saka ako lumabas ng counter saka naglakad sa mesa nila Chiara. Nang makalapit ako, umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ng anak ko saka ko siya hinalikan sa noo.

"You hungry?" tanong ko sakanya. Nag angat naman siya ng tingin saka tumango.

"Where do you wanna eat?" dagdag kong tanong habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Nagtanong ka pa. Parang hindi mo naman kilala yang anak mo eh isa lang naman ang gustong kainan niyan" nangingiting sabi ni Chiara. Natawa nalang din ako sa sinabi niya. Oo nga naman.

"Okay. Go ask Tita Carla kung anong gusto niyang kainin" sabi ko kay Adiel saka tinulungan siyang bumaba. Sinundan ko siyang masayang tumakbo kay Carla na mukhang may kino compute sa may counter.

"Oh bruha, ano namang nangyari sayo?" biglang tanong ni Chiara ng makalayo na ang anak ko. Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.

"Wag kang magsisinungaling sakin kundi kakalbuhin talaga kita. Nagkwento ang makulit mong anak, mukhang nag aalala sayo kasi kaninang umaga ka pa daw wala sa sarili" dagdag niya. Huminga nalang ako ng malalim. Mukhang hindi na ako makakatakas sakanya. Aamin na sana ako ng biglang nagsalita si Hikari tsaka hinablot ang siko ko na may band aid saka sinuri. Hikari is a doctor so yeah.

"What the hell happened to this?" nakakunot noo at nag aalalang tanong niya habang sinusuri ang sugat ko.

"Alam mo isa ka rin eh. Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ng inaanak mo kanina?" naiinis na sabi ni Chiara kay Hikari saka inungusan ito.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon