Chapter 12

1 0 0
                                    

Chiave's POV

Nang makarating ako sa shop ay may mga customers pa at naroon parin sina Chiara, Ciara at Hikari. Nang makita niya ako ay sinalubong niya ako. Buong akala ko ay sisinghalan niya ako ngunit nagulat nalang ako ng pabiro niya akong sinabunutan.

"Aray" reklamo ko sakanya saka pabiro ko rin siyang sinabunutan. "Ang brutal mo talagang babae ka" sabi ko sakanya. Natawa nalang kaming apat sa biruan namin ni Chiara.

"I'm sorry" ani Chiara.

"I'm sorry too" hingi ko rin nang paumanhin sakanya. Ganto kaming apat. Kung may alitan kami hindi ito lumilipas ng kahit na isang araw man lang.

"It's fine. Tama ka naman. I didn't even considered your feelings" aniya.

"Hhhmmm" sabi ko habang umiiling iling.

"Alam kong nag aalala lang kayo para sa amin ni Addy. You're my family after all and you're right Chiara. I need to tell my son soon. Sasabihin ko rin kay Yophiel ang totoo pero ngayon wala na akong pakialam kung maniniwala siya sa akin o hinde because I know in the end he'll never leave his family just for us" sagot ko kay Chiara.

Alam kong hindi ako paniniwalaan ni Yophiel at alam ko ring hinding hindi niya iiwan ang kung anong meron siya ngayon para lang sa anak niya dahil siya na mismo ang nagsabi non.

Ilang oras pa kaming nagkwentuhan hanggang sa dumating ang oras na malapit na kaming magsara.

"Anyway before we part ways what are you planning for the summer vacation?" tanong ni Hikari. Naging tradisyon na naming lahat ito. Na tuwing summer ay sama sama kaming magbabakasyon.

"Beach" masayang sigaw ng anak ko.

"Good idea, little monster" komento naman ni Chiara sa sinabi ng anak ko.

"Jay Ann, Carla, you in?" tanong ko sakanilang dalawa. Nagthumbs up naman silang dalawa bilang sagot.

"It's decided then. This year's summer vacation theme is beach" turan ni Hikari.

"Better clear your schedules and leave the last week of march empty" ani naman ni Chiara.

"So any idea kung saang beach tayo pupunta?" tanong ni Hikari. Umiling ang magkaibigang Jay Ann at Carla pati narin si Chiara.

"I actually have one. It's quite famous and I know someone who works there but it's on an island. What's the name of that island again?" Ciana suggested.

"Right" bigla niyang sigaw na dahilan ng pagkagulat naming lahat.

"Tita Ciana" saway naman ng anak ko sakanya na mukhang pati siya ay nagulat rin.

"Sorry" napakamot nalang siya sa batok saka nahihiyang ngumiti.

"So? What's the name of the island?" tanong ng kambal niya.

"Astraea and the name of the resort is Astraea's Havre" sagot ni Ciana.

"Havre? That's a french word which means haven" sabi ko.

"I think both the island and the resort were named after the owner's wife" ani Ciana. What a lucky wife. His husband must have loved her so much.

"Leave the booking of the flight and the hotel's reservation to me. I'm gonna book and reserve us slots early para hindi magka ubusan. The earlier the better" ani Ciana.

"Okay, that settles it then" turan ko. Nang matapos naming mapag usapan ang tungkol sa bakasyon namin ay napagpasyahan kong isara na ang shop at nagkanya kanya na kami ng uwi.

Nang makarating kami ng anak ko sa bahay ay napansin kong tulog pala siya. Mukhang napagod sa kakalaro. I caress his head before coming out from the car. Nang makalabas ako ay binuksan ko ang kabilang pintuan ng sasakyan saka ko binuhat ang anak ko at pumasok na ng bahay.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon