Chapter 15

1 0 0
                                    

Chiave's POV

"You ready, baby?" tanong ko sakanya ng makababa siya.

"Yes mommy. I am so excited to see the ocean and play" masayang ani ng anak ko.

"Let's go?" tanong ko saka ko hinawakan ang kamay niya while dragging our luggage saka kami naglakad palabas ng bahay. Bago kami sumakay ng sasakyan, I made sure to check if naka lock ang pintuan at bintana ng buong bahay para hindi kami pasukin ng magnanakaw kung sakali.

 Nang masiguro kong nakalock at maayos na ang lahat, pinagbuksan ko muna ang aking anak ng pintuan para makapasok na siya sa kotse bago ko inilagay sa compartment ng sasakyan ang luggage at sunod na pumasok. Pinaandar ko na ang sasakyan and we make our way sa meeting spot namin which is sa cafe.

Nang makarating ako sa cafe ay nakita ko ang sasakyan nila sa harap na naka park at sila ay nasa labas at halata mong may hinihintay. Pinarada ko muna ang aking sasakyan bago tuluyang bumaba.

"At andito na rin ang mag ina" rinig kong ani ni Chiara ng makababa kami ng aking anak sa sasakyan. Dumiretso ako sa compartment para kunin ang luggage namin.

"Where's Hikari?" tanong ko ng mapagtantong wala pa siya dito.

"Di ba nga hindi siya makakasabay satin kasi di ba may dinner meeting daw?" sarkastikong sagot ni Ciana. Napasadahan ko si Chiara ng tingin at nakita kong tahimik siya. HIndi pa rin ba sila nagkakaayos ni Hikari?

Since the location of the cafe has a safe neighborhood hindi na kami nag atubiling ipark sa kung saan ang mga dali naming sasakyan. May guard naman sa loob ng subdivision.

"Anyways, let's go? Kayo nalang din naman ang hinihintay" ani pa ni Ciana. Tumango nalang ako bilang sagot. Sinakay na ni manong driver ang mga gamit namin sa van na hinire namin.

"Okay na po ba kayong lahat? Wala na po bang hihintayin o dadaanan?" tanong ni manong driver.

"Wala na po. Tara na po para makaiwas tayo sa traffic" sagot naman ni Chiara.

"Anong oras daw makakapunta si Hikari?" tanong ko naman kay Ciana.

"Hindi ko nga alam eh. Wala man lang pasabi ang ugok na yun" aniya saka siya bumaling sa kambal niya. "Hindi pa ba kayo nagkakausap?"

Umiling naman ang isa saka iniwas ang tingin. Mukhang hindi pa nga.

"Ano ba kasing pinag awayan niyo?" tanong ulit ni Ciana. She stayed silent for a moment before looking at me. Nang magtagpo ang mga tingin namin, bigla nanaman siyang umiwas ng tingin. Okay? What was that all about?

Bigla kaming nagkatinginan ni Ciana tsaka niya inangat ang kanyang kilay. I just shrugged because, honestly, I don't even know what happened between them. The atmosphere became silent after that. Mabuti nalang at nagsalita si manong.

"Magpahinga po muna kayo mga ma'am. Malayo layo pa po ang byahe natin eh" aniya. Tumango nalang ako bilang sagot kay manong driver. Napasulyap ako sa anak ko na siyang nakahiga sa tabi ko at tulog na pala ito kaya naisipan ko na lang din na matulog nalang muna.

After 5 ½ hours

"Mommy" rinig kong tawag ng anak ko habang may tumatapik sa pisngi ko. Napamulat nalang ako ng tinawag niyang muli ang pangalan ako.

"Mommy, wake up. You're such a sleepy head" sabi niya sa akin. "Gising na. Andito na tayo" ani Chiara habang bumababa ng van.

"Asan sina Jay Ann at Carla?" tanong ko ng makita kong wala na sila sa loob ng van."They're already outside mommy" sagot naman ng anak ko. "They are helping manong. Binababa nila ang mga gamit natin" ani naman ni Ciana ng makababa ako sa van.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon