Chapter 23

2 0 0
                                    

"Hikari" sambit ko sa pangalan ng aking kaibigan.

"That's what you get for trying to be a hero" nakangising aniya habang naglalakad papunta sa amin saka niya kinuha ang anak ko.

"No!" kinakabahan kong sabi habang pilit na kinukuha ang anak ko sakanya.

"Not my son, please" I pleaded. Wala akong pakialam kung mainis siya sa akin at bigla nalang niya akong barilin ng wala sa oras. Ang importante sa akin ay ang mabawi ko ang anak ko.

Nang hindi parin ako tumigil sa pagbawi sa anak ko mula sa kanya ay bigla na niya akong tinutukan ng baril dahilan kung bakit ako napahinto.

"Sige. Kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo ng anak mo" aniya saka niya tinutok ang baril sa ulo ng anak ko. Biglang nanlamig ang buong katawan ko.

"Parang awa mo na" pagmamakaawa ko sakanya saka ako lumuhod sa harap niya.

"Kung gusto mo ako nalang. Wag mo ng idamay ang anak ko. Wala siyang kasalanan. Ako naman ang may gawa ng lahat hindi ba? Ako nalang ang parusahan niyo" umiiyak kong sabi saka ako bumaling kay Gavrill ng may nagmamakaawang tingin.

"Why don't you come here, Gavrill?" bigla niyang tanong kay Gavrill habang naglalakad paatras sa may bangin.

"Besides, this was your plan, right?" tanong nito kay Gavrill. Ano?

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko saka ko binaling muli ang tingin ko kay Gavrill na ngayon ay hindi makatingin sa akin.

"Why don't you ask him?" sagot niya sa akin. Naglakad naman si Gavrill palapit kay Makatza.

"No" saad ko ng mapagtanto ko ang lahat habang umiiling.

"Yes. What you are thinking is correct" nakangisi niyang sabi.

"He's the one who planned everything. He's the one who insisted to avenge my sister. I was actually against it at the beginning but then I realized I have to get the justice that my sister deserves" dagdag pa niya.

"How could you do this? You could've just sent me to jail. How low did you have to sink just for you to do this?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Parang gusto ko nalang maging manhid ng wala na akong maramdaman.

"You don't know how much I love my wife. You don't know how much I suffered when she died and I still am" he said emotionless. Hindi ko maiwasang matawa sa sitwasyon namin. Bakit kailangang mangyari to?

"And look who's talking" nabigla ako ng biglang nagsalita si Hikari. Nanghihina siya ngunit maririnig mo ang panunuya sa tinig nito. Nakahiga siya sa kandungan ni Chiara na ngayon ay umiiyak pa rin. He's not looking good. I forgot about him for a minute because of what's happening in front of me.

"What did you say?" naiinis namang tanong ng isa.

"Hikari" banggit ko sa pangalan niya para mabaling ang tingin niya sa akin. I just shake my head telling him not to because I know what he's about to say. Pumikit nalang siya saka huminga ng malalim.

"Ako lang naman ang kailangan niyo di ba? Let them leave" pangungumbinsi ko kay Makatza na palayain na ang mga kaibigan ko.

"Pano pag nagsumbong sila sa mga pulis?" tanong naman niya.

"Sa tingin mo magagawa pa nilang magsumbong kung hawak mo kami?" sagot ko naman sakanya.

Nag isip muna siya saglit bago nagsalita.

"Fine. But don't you dare report us or else I'll kill them both"

"No" nahihirapang ani Hikari habang binubuhat siya ng kambal. Alam kong ayaw nila akong iwan, ngunit hindi maganda ang lagay ni Hikari. I just smiled at them to assure them before they left with a heavy heart.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon