[Dashielle PoV]
*Two days later
"Magready na po kayo at ilang minuto nalang magsisimula na ang shooting para sa interview"pagpasok ng isang babae sa make up room.
Naimbitahan kaming dalawa ni Yohann sa isang variety show para interbyuhin tungkol sa mga pinagdaanan namin bilang survivor ng plane crash
Hindi na nahanap ung iba pang biktima kaya itinigil na rin nila.
Sinulyapan ko ang lalaking nakahiga sa sofa sa gilid ko.
"Love,gising na magsisimula na ang interview"pag-uga ko sa kanya.
Agad naman syang nagising at mabilis na bumangon.
"Nasira na ata hairstyle ko"pagsilip nya sa salamin.
Sabi nya kasi kanina iidlip muna sya at gisingin nalang kapag magsisimula na.
"Huh? Di naman ata,kahit nga messy hair eh gwapo ka pa rin"pag-iling ko.
"Sus ikaw talaga napaka bolero mo"
"Haha oo na tara na, kailangan na tayo dun"
Lumabas na kaming dalawa ng room at naupo sa mga upuang nakahanda dun kaharap ang mga camera.
🧔:"3,2,1 rolling!"
👤:"Good day everyone,fresh news ang ihahatid namin sa inyo ngaun"
👤:"Ngaun makakasama natin si Mr.Yohann Montevilla at Mr.Dashielle Silvestre ang mga survivor ng nangyaring plane crash ng 181717,"
👤:"maraming salamat po at pinaunlakan nyo ang aming imbitasyon"
Nag vow kami pareho at ngumiti.
👤:"Pwede nyo po bang i-share kung papano at ano ang mga nangyari simula sa simula?"
Una munang sumagot si Yohann
"Ah..patungo po ako ng France para sa business trip ko pero biglang nagkaproblema ang sinasakyan naming eroplano,sabi ng mga crew ay may nagliliyab na parte daw sa pakpak nito kaya dun na nag panic ang lahat ng tao sa loob"
"Bumagsak kami sa tubig at nawalan ako ng malay,pag gising ko nasa dalampasigan na ako ng hindi pamilyar na isla..akala ko ako lang mag-isa dun kaya naghanap ako ng maaaring tulong"
"But then i found him,"pagdako nya sa akin.
"At first,i thought he was dead kasi nakalutang na sya sa tubig"bahagya syang natawa
"Pero nagbakasakali akong mailigtas sya,so i forced myself to deliver the best CPR i can..at ayun nailigtas ko sya"
Nagpalakpakan ang mga staff.
"And im lucky cause of all people,sya ung nakasama ko.."
Iniabot nya naman sa akin ang mic.
"Ah haha.."i awkwardly laugh.
"T-that day,babyahe rin ako papuntang France para magbakasyon pero nangyari ung plane crash kaya ayun napadpad din ako sa isla"
Nag-aalalangan pa ako na magkwento pero hinawakan nya ang kamay ko.
"U-una kasi...galit na galit ako sa kanya dahil sa p-past relationship namin kaya sobrang nainis ako nung nalaman kong sya pala ang kasama ko..pero katagalan mas pinatunayan naman nya na deserve nya ng second chance"
👤:"Ex-lovers po kayo?"
"O-opo hehe"sagot ko.
👤:"Wow ang cute naman! Akalain mo nga naman naging magkasundo pa ang ex-lovers,pwede pala un?"
"Opo,If you really love the person, you're willing to do anything and everything para lang mapasaya sya..i thought he hurt me because he doesn't love me pero mali pala ako,pinatawad ko sya because of his valid reason"
"Cut off na po tayo sa usapang love"pagsingit ni Yohann kaya nagtawanan naman kami.
👤:"Can you share kung papaano kayo nagtyaga sa isla,san kayo kumukuha ng pagkain?damit? Inumin? Papaano ang naging buhay nyo ron?"
Yohann answered.
"May nahanap kaming bagahe na siguro galing sa nasirang eroplano,may lamang damit un kaya pinatuyo namin at isinuot..samantalang isang box naman ang napulot namin na siguro nama'y stored food ng mga piloto na ang laman ay mga pagkain, tubig at utensils"
👤:"Buti po at nakasurvive kayo dun,pero how abt the others? Wala na ba kayong nahanap na iba pang biktima?"
Nagkatinginan kami pareho.
"Wala po eh,sorry"sagot ko
👤:"No,im not blaming you..ang mahalaga naman po ay atleast may nakasurvive,hindi man lahat atleast meron"
👤:"Papaano pala po kayo nakabalik dito?"
"Ayun! Shout out pala kay Sean Alcantara! Hoy, salamat ah! Ikaw ang nagtulong sa amin kaya kami nakauwe dito"pagturo ko sa camera.
Nagtawanan naman sila.
👤:"Sean Alcantara,ung nagiisang anak ng wealthy family? Good timing naman nyan,parang gusto ko ring mapadpad dun ah hahaha pero paano nya kayo natulungan?"
"Private Island po kasi nila ung isla na napadpadan namin kaya ayun na meet namin sya,buti nalang po at mabait si Sean hahaha"sambit ko
"Opo haha maraming maraming salamat sayo Pareng Sean! The best ka bro!"yohann.
The show went well,may mga pinagawa silang sari saring challenge sa amin at mga palaro.
Hanggang sa matapos na ung isang oras na show at uuwi na rin kami.
Ung parents ni Yohann, bumyahe ng Taiwan simula nung malaman na nakauwe na si yohann dito galing sa plane crash,i sometimes think that's rude?pero okay lang, atleast malaya na si Yohann at Aeros ngaun.
Di naman nagawa pang tanggalin ng parents nya ung yaman nya kasi pinaghirapan nya un at tinakot sila ni yohann na kapag hindi pa tumigil sa pagkontrol sa buhay nya ay ipapakulong nya yon kahit pa mga magulang nya sila.
Hindi naman sumama si aeros sa mga magulang nya kasi mas gusto daw nya sa kuya nya.
Pati si Yerin na ilang araw rin akong ginulo at binantaan na papatayin daw nya ako kapag lumapit pa ulit ako kay yohann,like dzuh! Hindi na ako natatakot sa kanya ngayun,pero dahil may mga threatening message syang pinagsesend sakin un ung nagamit ko para ireport sya sa pulis at sinampahan namin sya ni Yohann ng reklamo,at ayun pinagbawalan na syang lumapit sa amin kasi kapag lumapit pa sya at nanggulo ay diretso na sya sa kulungan.
________________
YOU ARE READING
Crashed-Crushed [Enhypen SunWon Au]
Teen FictionWhat if yung pinakahate mong EX ay makasama mo sa isang Isla? Yohann Montevilla[yjw] and Dashielle Silvestre[ksn] hate each other because of their past relationship[ex-lovers] Dash planned to have a trip to Paris,France to breath peace after his bro...