Tricy

249 4 0
                                    

Andito kami ngayon sa labas ng gate namin. Kasama ko si ate. Naghihintay kami ng masasakyan. Sobrang init talaga! Kailangan ko pang dalhin yung malaking bote na lalagyan ng tubig. Kadalasan naman kasi, hindi ako nagdadala ng tubig kapag may pinupuntahan kami.

"Ate, ayun! May tricycle!" Sigaw ko kay ate.

"Para po! Para!" Sabi ni ate sabay hand gestures na nagtatawag ng masasakyan.

"Ay paasa!" Sabi niya kasi may nakasakay na. Kaya ngumiti ako ng nakakaloko.

"Parang si kuya Denver lang." Sabi ko ng may malaking ngiti sa labi.

"Manahimik ka!" Sabi naman sakin ni ate.

"Ayun may tricy/Ayan may lalapit" Sabay naming sinabi pero magkaibang direksyon yung tinitignan namin. Kanina ko pa kasi hinihintay tong tricy eh. Wala man lang gawin eh halata namang kailangan namin ng masasakyan.

"San tayo sasakay?" Tanong ko sakanya.

"Dito na sa darating." Sabi ni ate.

"Dun nalang tayo sa kanina pa natin hinihintay. Tsaka malapit na rin naman siyang dumating dito eh. Mas mauuna siya." Sabi ko at ngumiti si ate ng nakakaloko.

"Tss. Pano pala kung mas binilisan ng isang tricycle? Edi naunahan na niya yung hinihintay mo." Sabi niya, "Tingin ka kasi ng tingin sa hinihintay mo, di mo napansin, may handa palang mag-offer sayo na iba." Dagdag pa niya. Napalunok nalang ako at uminom ng malamig na tubig.

Pagkasakay namin sa tricycle, nagkwentuhan kami ni ate.

"Jade, musta na nga pala si Blake? Yung matagal nang nanliligaw sa'yo?" Tanong sa'kin ni ate. Ngumiti naman ako sa thought na yun. Haha.. si Blake.

"Eh!! Di na kaya ako makapaghintay, Jade! Ang tagal tagal ko nang nanliligaw sa'yo pero di mo pa ako sinasagot." Nakabusangot na sabi niya.

"Di ka na pala makapaghintay eh, edi tumigil ka na." Sabi ko sakanya ng pabalang.

"Ay gan'on? Alam mo, ini-expect ko, pag sinabi ko to, sasabihin mo sasagutin mo na ako." Sabi niya at nagpout.

"Well, expectation lang yun. It's not even reality!" Sabi ko sakanya.

"Kakainin mo din yang sinabi mo! Hahahaha! Sa pogi kong ito?!" Pagyayabang niya sakin.

"Conceited much," sinabi ko nalang and I rolled my eyes.

"Huy Jade!" Sabi sakin ni ate habang wine-wave yung kamay niya sa mata ko. Ay, oo nga pala may tinatanong siya.

"Ayun, nanliligaw parin." Sabi ko at napangiti ulit.

Nag-glare naman siya sakin,"Hala, di mo man lang pagbigyan!" Sabi sakin ni ate.

"Tss, kinikilala ko pa po eh. Malay mo ate, pera lang habol sakin! Or worst.. baka" Sabi ko kay ate habang tinakpan yung katawan ko.

"Loka! Hindi ka mayaman at hindi ka din sexy, okay?" Sabi ni ate kaya inirapan ko siya.

"Si ate naman." Sabi ko at kinamot yung ulo ko.

"Eh kamusta naman kayo nung, ano nanaman pangalan nun?" Sabi niya habang nagtataka. "

"Pierce." sabi ko.

"Oo, nun!" Sabi ni ate.

"Ayun..." Sabi ko habang nalungkot.

"Ang lakas kasi ng tama ko sakanya eh. Alam mo yun, Jade? Yung lalakad lang siya, parang tumitigil yung mundo ko tapos sakanya lang naka-focus lahat!" Pagkwekwento ni Pierce na may kasamang action.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon