Unang araw kong maging malaya, malaya as in free sa girlfriend. Kagabi lang kami nagbreak. Bakit? Ewan ko. Nagsawa ako bigla. Masyado siyang demanding. Dapat ganito, dapat ganiyan. Nakakasawa. Ayaw kong makulong sa presence niya.
Nagsuot ako ng simple t-shirt, pants and sneakers. Plano ko kasing gumala ngayon. Pero bago yun, sinubukan kong magluto ng pancakes. Ang hirap pala! Madaming gagawin. Well, di ko naman alam kasi, ever since naging kami, siya na yung tagapagluto ng pagkain ko.
After using many flour, wala pa rin akong nagagawa, ni isa. Kaya sumuko nalang ako at nagplanong sa mall nalang ako kakain. Bago ako umalis, kelangan ko munang linisin yung kalat ko sa kitchen. Pagkatapos nun, dumiretso na akong mall.
Dumaan ako sa jollibee at nag-order ng isang breakfast meal. Masarap ang kain ko dun at alam niyo yun. Smell of freedom. Malaya akong gawin ang kahit anong gusto ko. Kahit ano pang bisyo diyan. Pwede na rin akong lumabas tuwing gabi. I can skip meals at marami pang iba.
Siguro, it's one of the good part pagdating sa break up. Although sad siya, may makukuha pa naman tayong good eh.
Pagkatapos kong kumain, dumiretso akong vans at bumili ng sapatos na may design na star wars. Nung nakabili ako ng vans, naglaro ako sa timezone. Almost 400 ata nagastos ko dun. Mga 5 pm na rin nung napagdesisyunan ko nang umuwi kasi wala na din akong magawa.
Pagdating ko sa bahay, chineck ko yung phone ko. At ang daming nag-message!
Danvan, Break na ba talaga kayo?
Text sakin ng barkada ni Katrene, yung ex ko.
Oo pare eh
Pagrereply ko.
Pero si Katrene, di talaga ako tinext. Ni-isang message wala. Samantalang yung barkada niya, ang dami talaga. Mas okay naman yun. Atleast, tanggap na niyang wala na kami. Nung gabi, lumabas ako para mag skate board sa park.
I can feel the breeze. Sobrang lamig ng simoy ng hangin sa kalagitnaan ng summer. Sa pagfe-feel ko ng breeze, di ko namalayang asa ramp na pala ako. At pagmulat ko ng mata, it was too late, nahulog ako. Minor damage lang naman ang natamo ko. Thanks God.
Umuwi ako sa bahay para linisin yung sugat ko. Inaantok na din naman ako. Habang naghahanap ako ng band-aid, may nakita akong tiny note. Tapos nakalagay dun 'Hugasan mo ng alcohol yang sugat mo tas lagyan mo ng band-aid. Katrene xx~' Kinuha ko yung note tapos nilagay ko sa wallet ko.
April 01, 2015.
One week na kaming wala. Somehow, nae-enjoy ko but most of the time, parang I can do whatever I want pero I'm not enjoying it. As in, there's something wrong, or missing.
Pumuntaako sa mall kasi trip lang. Wala akong magawa. Bakasyon na bakasyon wala yung barkada ko. Sayang.
Pumunta ako sa Comic Alley para tignan ulit yung presyo ng headphones na naruto. Nung hahawakan ko na yung headphones, may nakasabay ako. Nakasabay ko siya.
Wala kaming imikan. Puro katahimikan lang yung naririnig. At nang matauhan siya, ngumiti lang siya at umalis na.
Ang daming nagbago sakanya. Yung buhok niya, lalong humaba. Tas yung pananamit niya, nag-iba rin. Ibang-iba promise.
Pero kahit gano'n, she's the same ol' Katrene that I fell in love with.
April 11, 2015.
Two Weeks and three days na kaming wala. At two weeks and three days ko na din siyang namimiss. Simula nung gabing nag-break kami, isa lang naman dahilan ko nun eh. Ang maging malaya. Nagtagumpay nga ako kaso nawala naman yung kasama ko sa pagiging malaya.
Gusto ko siyang makasama ulit. Gusto ko siyang mayakap, gusto ko siyang kulitin at gusto ko siyang mahalin. Kaso, naglalaban yung puso at isipan ko. Sabi ng puso ko, mahal ko parin siya. Sabi naman ng isa, ganito lang daw ako kasi namimiss ko yung memories namin. Siguro nga, yung memories lang namin yung namimiss ko.
April 19, 2015.
Tatlong linggo at apat na araw. Bawat araw na binigay sakin ng Panginoon, siya agad yung unang pumapasok sa isip ko. Bumabalik lahat ng memories namin. Yung sweet, yung makukulit, yung mapapait. Lahat yun nagple-playback sa utak ko, naka-repeat pa nga eh.
Sa sobrang sakit na naranasan ko, Nag-inom ako. Kasama yung barkada ko. I'm too broken. Sinabi ko sakanila yung sitwasyon ko. At akalain mo nga naman, sabi nila, may iba na daw siya.
Hetonanaman ako, titignan yung fb profile niya, inaadmire siya sa isipan ko, habang umiiyak.
Nagsisisi ako sa ginagawa ko. Bakit ko nagawa sakanya yun? Ang sama ko. Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Inabuso ko siya masyado.
April 22, 2015.
Exactly one month mula nung iniwan niya ako. Sising-sisi na ako, Katrene. Nakakapagod nang umiyak. Ginawa ko na nga atang hobby yung pagiyak eh. Ang itim-itim na ng eyebags ko sa pagpupuyat ko habang tinitignan yung larawan niya.
Pumunta ako ng bahay niya. Nakita ko yung lalaking, iba
daw niya kuno.Nanlumo ako.
Tinatrato niya siyang prinsesa. Napaka swerte ni Katrene sakaniya at napaka swerte din niya kay Katrene. Ang sweet-sweet nila. Nagseselos ako. Gusto kong sapakin yung lalaki. Gusto ko siyang awayin. Gusto ko siyang agawin pabalik. Kasi dati, akin naman siya eh. Yeah right, dati.
Gusto ko na siyang kausapin. Gusto ko nang pag-usapan yung nangyari samin. Kasi ako lang naman talaga yung problema. Hiningi ko yung kalayaan ko. Kaya ngayon, lahat ng ginagawa niya sa'kin, ginagawa niya na sakanya.
Yung titig niyang nakakatunaw, ginagamit niya na din sakanya.
Gusto ko pa sana siyang lapitan kaso naisip ko, mas deserve ni Katrene yung lalaking katulad niya. Siguro mas maaalagaan niya siya. Siguro mas mamahalin niya siya. Siguro tutuparin niya yang mga 'sana' ni Katrene. Siguro din, ayaw niya na sa'kin.
Nasa huli nga talaga yung pagsisisi. Kasi sising-sisi na ako sa nangyari sa amin. Katrene, mahal kita. Mahal na mahal parin kita.
(Author's Note : Hi ulit. Haha, so eto na. Bagong story nanaman. Wala e, malapit na magbakasyon. Balik gawa nanaman ako ng story. Balak ko nga rin gumawa ng on-going, well sana sipagin haha. Back sa story, napakinggan ko kasi "Miserable at Best" ng Mayday parade, so yun naging theme ko. Isang lalaking naging miserable after a month ng break-up nila ni girl. Lesson din ito sa mga iba diyan. Oy, pag nasa iyo na kasi, wag nang pakawalan. Siguradihin mo munang di ka magsisisi at makakaya mong mabuhay ng wala siya. Mabuhay ng wala siya.Haha. Sana suportahan niyo padin iba kong story. Thank you! :) <3
Vomment and Be A Fan. All rights reserved 2015.)
![](https://img.wattpad.com/cover/8598855-288-k916041.jpg)