Arms

389 7 2
                                    

Naghihintay ako ngayon sa altar.

Habang naglalakad ang pinakamamahal kong babae.

♫♪ I never thought that you would be the one to hold my heart ♫♪

Nakita ko siya na nasa bintana at naka-earphones, nagse-senti ata. Baka transferee siya kaya wala siyang makausap.

Nilapitan ko siya out of curiousity. " Transferee ka?" Tinanong ko sakanya at tumingin sa tinitignan niya. Nilingunan niya ako. "Oo eh." Sagot niya. 

"Ako nga pala si Gavin, ano naman name mo?" Tinanong ko sakanya and this time, nagkatinginan kami. "Andrea." Maikling sagot niya sakin. Hindi naman siya gano'n kagandahan pero malakas ang appeal. 

Dun ko siya unang nakilala.

♫♪ But you came around and you knocked me off the ground from the start. ♫♪

Lumipas ang mga araw at naging ka-close ko si Andrea. Palagi kaming magkasama, sa mga breaks, tuwing free time at kapag walang teacher.

♫♪ You put your arms around me, and I believe that it's easier for you to let me go. You put your arms around me and I'm home ♫♪ 

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, dahan-dahan akong nahuhulog sakanya. Sino bang hindi? Isa siyang masayahing tao, napalaki ng mabuti ng magulang, may takot sa Diyos at mahinhing babae. Ika nga, isa siyang dalagang pilipina.

♫♪ How many times will you let me change my mind and turn around?♫♪ 

"Gavin! kumain ka na ba?" Tanong sakin ni Andrea. "ako ba yung tinatanong mo? Aba siyempre! Kaso, gutom pa ako eh! May pagkain ka diyan?" Reply ko naman sakanya. "Kumain ka naman na eh." Sabi niya sabay tawang mahinhin. 

Ang cute cute talaga nitong babaeng ito. Bulong ko sa isip ko. 

♫♪I can't decide if I'll let you save my life or if I'll drown♫♪

Niligawan ko si Andrea nung 4th year, tumagal ng isang taon ang panliligaw ko sakanya. Hindi siya yung tipo ng babae na pinagtutulakan yung manliligaw. Naging mag-bestfriends pa nga kami eh. Hindi din uso sakanya yung ilangan. Kapag naman sweet ako, sweet din siya. 

♫♪ I hope that you see right through my walls, I hope that you catch me 'cause I'm already falling ♫♪

Sinagot niya ako noong May 30. Sobrang saya ko no'n, Kasi alam kong siya na. Siya na yung babaeng makakasama ko pang habang buhay. 

♫♪ I'll never let our love get so close, you put your arms around me and I'm home♫♪ 

Araw-araw kaming nagkikita ni Andrea, although different universities kami. Kung di sa Slush, sa Mcdo kami. Di kami cheap! Haha, mas gusto lang kasi niyang di kami gumagastos para mas makaipon kami sa kinabukasan. Agree naman ako sakanya. 

Isang gabi, nakita ko siyang naglalakad sa kalsada. Maikli nalang yung damit niya. Alam kong di niya kayang gawin yun. Pero, siya talaga yun eh. Sa pitong taong pagkakaibigan namin at tatlong taon naming pagsasama, alam kong siya yun. 

♫♪The world is coming down on me and I can't find a reason to be loved♫♪

Nag-alala ako bigla, Pano pala kung may nangyari sakanyang masama?! Kung nakidnap ba siya, o naholdap?! Hindi ako nagdalawang isip bumaba ng sasakayan at dumiretso sakanya.

♫♪ I never wanna leave you but I can't make you bleed if I'm alone ♫♪

"Andrea" Bigkas ko sa pangalan niya, at lumingon siya. Tumulo nalang bigla yung luha ko. Naghahalo yung galit ko. Kung bakit siya nakasuot ng gano'n sa ganitong oras ng gabi. At may tattoo pa pala siya sa likod.

Nilapitan niya ako at niyakap. "Sorry" bulong niya sabay hikbi. Dahan-dahang nag sync-in sa akin yung nangyayari. "t-tama ka.. n-nagpapabayad ako." Sabi niya. "Pero bakit.. Bakit gano'n Andrea!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw sa nalaman ko.

♫♪ You put your arms around me.. ♫♪ 

"K-kailangan ko ng pera.. Gavin, naghihirap na kami! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Si Andi, m-magtatapos na ng high school! Sino magpapa-aral sakanya?!" Sagot niya. "Andrea, nangako tayo na magtutulungan tayo! N-nangako tayo.. " Dahan-dahan kong sinabi at napaluhod ako. 

 ♫♪  And I believe that it's easier for you to let me go... ♫♪ 

Iyak lang ako ng iyak, dahil wala na akong magagawa. "Alam mo namang mahal na mahal kita diba. Andrea, mahal na mahal kita. Tanggap kita kung sino ka man. Kung ano man estado mo sa buhay, kung nakapagtapos ka o hindi. Malaki ang naging parte mo sa buhay ko. Lalo na dito." At tinuro ko yung chest ko. "Hinding-hindi kita kayang mawala, alam mo yun. " Dugtong ko pa.

♫♪ I hope that you see right through my walls, I hope that you catch me 'cause I'm already falling ♫♪

Papalapit na palapit ka sa akin. Malapit na kitang mahawakan. Malapit na kitang makasama habang buhay. Hindi na ako makapaghintay.  

♫♪  I'll never let our love get so close, you put your arms around me and I'm home♫♪ 

Tatlong hakbang nalang at ibibigay ka na nila. Excited na ako. 

♫♪ I tried my best to never let you in to see the truth, And I've never opened up ♫♪ 

"Ikaw, Gavin Francisco, Tinatanggap mo ba si Angel Guevara bilang asawa?" Tanong ng pari.

"Angel, unang-una, maraming salamat kasi ikaw yung nandyan nung iniwan niya ako. Ikaw yung nandiyan para damayan ako, patigilin ako sa pag-iinom, patigilin ako sa mga bisyo ko. Ikaw yung nandyan para baguhin ako and bring out what I really am. You gave me another reason to live. Kahit na sirang-sira ako non, lumapit ka para ayusin ako." 

♫♪ I've never truly loved 'til you put your arms around me And I believe that it's easier for you to let me go ♫♪ 

"Sobrang magkaiba kayo, pero dahil dun sa pagkakaiba niyo, nahulog ako sa'yo. Aaminin ko, napakabaliw mong tao. At minsan nahahawaan mo ako." I paused, giggled and wipe the tears that's coming. "Pero dahil sa pagkabaliw mo, nawala lahat ng problema ko. Binigyan mo ulit ako ng buhay. Akala ko dati, ikamamatay ko kapag nawala siya, pero hindi pala, Kasi dumating ka. Alam kong paulit-ulit na akong nagpapasalamat."

 ♫♪ I hope that you see right through my walls, I hope that you catch me 'cause I'm already falling ♫♪ 

"Pero gusto ko lang malaman mo kung gano ako ka-thankful at binigay ka Niya. Angel, mas importante ka na sakin ngayon. Handa na akong makasama ka panghabang buhay, sa hirap at ginhawa, sa lahat ng mabuti at masama." 

"Kahit ano pa yan, tatanggapin kita. Hindi bilang pagpapasalamat sayo, kundi mahal kita at asawa mo na ako."  Pagtatapos ko ng aking wedding vow habang iyak nang iyak. 

Hindi man kami naging okay ni Andrea, andyan naman si Angel para damayan ako at tulungan akong makabangon muli. Hindi siya yung perpektong babaeng pinapangarap ng lahat, pero dahil sa kaibahan niyang yun, natutunan ko siyang mahalin. At masasabi kong sa lahat ng paghihirap na napagdaanan ko, natutunan kong magmahal ulit. 

♫♪ I'll never let our love get so close, you put your arms around me and I'm home♫♪ 

+ + + 

Author's Note : Hiiii uliiit! Yiiiie. Haha, matagal na talaga to na draft. Di ko lang na-edit. Anyway, huhuh medyo rated spg to hahahaha pero di ko naman pinakita yun dibaa dibaa dibaa. Haha, sana nagustuhan niyo yung twist. MAY MGA GANYAN DIN KASI IN REAL LIFE. Akala nila "sila na, forever." tapos kapag naghiwalay, gusto nang sumuko sa buhay. OY KUYA O ATE, WAG GANON! 

Hindi natin pwedeng diktahan yung buhay na pinahiram NIYA. May plano din Siya sa atin. Good things come to those who wait. :) 

Vote, Comment and be a fan. 

ADVANCE MERRY CHRISTMAS! :)) 

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon