Friendship Over

264 4 0
                                    

Yung naging close ka na sakaniya. Yung nasasabi mo na yung mga secret mo. Yung feeling na ganun.

Tapos biglang nagkaroon ng new seating arrangement. Suddenly, everything is a mess.

We were so close, What happened?

About five months ago ata nung naging katabi ko siya. Seating arrangement namin yun for the third quarter. My first impression about him is that he is a bad and boastful person. Dahil narin sa karanasan ng dati kong seatmate. Sa walang sawa niyang pang bubully.

Recently, we haven't talk. Syempre dahil narin sa new seating arrangement. Hindi lang naman siya yung gusto kong makatabi e. Pati narin yung dalawa pa naming barkada.

Alam niyo yung sayang? Yun yung kung kelan klaro na sa inyong apat na nasa exclusive barkadahan na kayo, bigla namang nagbago ng seating arrangement.

Well, ito na kasi pino-problema ko, una palang. Naging close lang kasi kami dahil magkakalapit yung upuan namin. And yung bond saming apat, ang dikit.

So ayun na. For two months, we haven't talked. Hindi siya lumalapit at ako din, as a girl of course. Pinabayaan ko nalang kasi alam ko namang ganun siyang tao. I can't change him.

Madaming beses na din kaming nag-usap. Pilit na din sakin ng barkada namin. Okay na din naman ako nung nag-usap kami. Pero, after ng pag-uusap na yun, nagkanda-gulo gulo na din ako eh. Nawalan na ako ng paki. Tapos lalapitan ko din naman siya minsan. Tapos mababadtrip ako at bigla ko nalang siyang tatarayan.

Alam ko, it's mean. Pati ako nasasamaan na din sa sarili ko. Aaminin kong pinipilit ko na lang na itrato siyang cold, tarayan siya and such. Kasi hindi ko na alam kung pano ko siya pakikitunguan. Nagpatong-patong na yung galit ko sakanya. And no, hindi ako nagtatampo. Kasi ang tampo, panandalian lang yan eh. If this is tampo, why won't it go away? Why would it affect me like this?

By the way, I'm Caitlyn Fernandez. Second year, kayo na bahala kung sinong character man naiisip niyo. I was talking about Garen. I don't know kung ano na siya sa buhay ko. Siguro, isa siyang close friend. Or friend, o kaya distant friend. It's not like siya lang yung bestfriend ko. Before him, I have 3 bestfriends.

So, I told you na 2 months na kaming di gaanong nag-uusap. Nasabi ko na din naman yung dahilan kanina. Mabait siyang bestfriend. A typical guy bestfriend na pala-asar, pero si Garen may pagka-matino naman.

Yung friendship namin, isang malaking drama. Iiyak-iyak kami tapos tatawa ng walang dahilan. Minsan naman, di kami magpapansinan. Tapos mag-uusap ulit. Basta, magulo. Pero masaya.

There are times na, malulungkot bigla ako dahil kay Garen. Kasi, friendship breakups are more painful. One time, sa sobrang lungkot ko, bigla nalang akong umiyak. Bakit? Pakinggan niyo yung with ears to see and eyes to hear ng Sleeping with Sirens. Idagdag niyo pa yung Roger Rabbit ng sleeping with sirens. Tapos, siya pa nagsuggest ng kantang yun.

Siguro, iniisip niyo na may pagtingin ako kay Garen 'no? Well, WALA. First time ko lang magkaroon ng gan'ong kaibigan. And of course, I enjoy his company. Siya at yung dalawa pa naming barkada. Alam niyo ba nung last day naming magkakatabi, nag-usap kami. Dapat daw, pag lunch break magkatime kami para sa aming apat. Pero nabigo yun. Siguro, dahil na rin sa hiya.

Sa 2 months na di namin pag-uusap, naranasan ko ulit maging masaya. As in masayang-masaya. Siguro, dahil narin sa kaingayan ng taong asa harap ko at katabi ng asa harap ko, at sa walang-sawa nilang pag-aaway. Haha, kidding aside, Naging masaya talaga yung fourth quarter ko.

I told myself, kapag nawalan ulit ako ng kaibigan, Di na ulit ako makikipag close sa iba. But my 2 new bestfriend came. Binago nila yung pananaw na yun. They showed me how to live in this melodramatic world. They taught me to hold on, kahit gaano kasakit. They taught me how to survive the 'drama'. Naging sobrang close ko sila, we are so happy. Sila pa nga nag-pursue para magkausap kami ni Garen ulit eh. And so it happened, a week before last day.

Nilapitan niya ako. He confronted me kung bakit ako umiiyak. He asked why. Sinagot ko, and lumalim yung usapan na yun hanggang nakarating nanaman sa friendship namin. Sinabi ko sakanyang lubayan niya ako. Wag niya na akong kausapin. After that, I told my other friend to call Garen kasi I wanted that 'last' talk. I know what will happen. Alam ko na kung ano yung resulta nun. Kasi I don't want it anymore.

So, Tinapos ko na. I told him everything through a note at pinabasa ko sakanya. I told him, ayaw ko na talaga. I told him how I hated the fact that he made me weak even though I'm designed to be strong. I told him how he changed one of my perspective. But, I didn't told him na pinagsisihan ko yung friendship namin.

At the first place, wala akong balak sakanya na ibigay yung note na yun kasi it's painful. Napaka-painful ng nilalaman nun. Sinabi lang sakin ng isa kong bestfriend na ipabasa nalang daw. Since alam niya na magbre-breakdown lang din ako.

I told myself not to cry but he cried, at umiyak ako. Because ramdam ko din yung sakit. Hindi ko din alam kung natapos basahin ni Garen yun. Pagkatapos nun, nabawasan ako ng tinik. Nakahinga ako ng maluwag. Naging masaya ulit ako kasi finally, nailabas ko na yung hinanakit ko sakanya.

Yung sumunod na araw, we acted like nothing happened. Parang binura lahat ng memories namin. Pero okay lang. Tanggap na naming mangyayari yun. Besides, mas masakit kung lagi nalang kaming masasaktan.

As of now, We both know na nakabuo na kami ng new friendship because we let go of each other. Nag-sorry siya nung last day. Kahit hindi niya nakita yun, I smiled. Because, first and foremost, he's always forgiven. Why not? Si God nga nagpapatawad, tao pa kaya. :)

Yung ibang tao sabi, ibalik daw yung friendship kasi nasasayangan sila. I disagree with that. Would you rather be friends again with that specific someone because 'sayang friendship niyo'? Para niyo lang binuhay yung patay.

To Garen, Gaya ng sabi nila, may nga taong umaalis at may mga taong bumabalik, para palitan yung mga umaalis. Thank you because you gave me an opportunity para magkaroon ng new friends. Kung di dahil sayo, di ko sila makikilala. Naalala mo nung may pinakita ako sayong aso na may kasamang owner tapos yung owner may girlfriend? May caption ding "don't forget old friends". Sinabi mo sa'kin nun na kapag ikaw yung lalaki, papalayain mo na yung aso. And you did, pinalaya mo ako. Sa pagpapalaya mo, nagkaroon ako ng bagong best friend. And I'm forever thankful for that.

Before, pinagsisihan ko yung seating arrangement naming bago. Pero ngayon, Alam ko na kung bakit nangyari yun. Because without it, I will never meet them.

++
Author's Note;
Waaaah! Maglalagay pa ba ako nito kung puro author's note naman yung asa taas? Haha joke lang. Non-fiction yan. Kung sino man si Garen at Caitlyn, bahala na yung mga nakakakilala sakanila haha. Please lang mga friends, wag niyo siyang itag dito. Bubugbugin ko kayo hahaha joke lang :p

Inisip ko na maganda tong update because, puro nalang love story yung andito eh. I wanted to value friendship. Siguro, nakwento na din ni Caitlyn yung mga lessons. Pero yung pinaka highlight ay yung forgiveness. Magpatawad tayo not because deserving sila but because we need peace. Let's forgive kasi ibig sabihin nun, we're strong enough para tanggapin yung pangyayari without any harm to others.

Sa mga nakakaranas nito, gusto kong sabihin sa inyo na kapag may umaalis, may dadating para palitan yung umalis and maybe more than that. Maybe, Yung bago mong kaibigan is the better version of your distant friend. Diba? We can never tell.

Just put your trust to Him, and He will do the rest. That's all. To God be the Glory.

Vomment and be a fan. ® All Rights Reserved 2015.

Ps, new buds. Wag masyadong ma-touch baka umiyak kayo hahaha jk :p)

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon