Chapter 7

26 8 3
                                    

Chapter 7

Gerick's POV

10pm na pala. After akong iwan ng bwisit na daldal na yun, pumunta nalang ako sa bahay nila EJ at naglaro ng PS3. Dun nalang din ako kumain ng hapunan kaya nga ako na late ng uwi eh.

Papasok na sana ako ng condo ko ng may narinig akong kalabog galing sa kabubukas na elevator ( nasa 7th floor kasi yung condo ko.) Nakita kong naglalakad pagewang- gewang ang isang babae.. Teka si Ace to ah? Bakit parang basang basa siya? Ay oo nga pala umuulan.

Para siyang lasing na di mo maintindihan. Ng makarating na siya sa harap ng pintuan niya, tumingin muna sya sa direksyon ko. Wew, evil glare. Nakakatakot siya. Pilit niyang pinapasok yung susi niya pero parang nanginginig yung kamay niya. Pinag- masdan ko lang siya dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, kung tutulungan ko ba siya or hahayaan.

** booogssh**

Bigla nalang siyang natumba at nanginginig! Agad akong tumakbo palapit sa kanya atsaka siya binuhat.

Urgh! Anong gagawin ko?!

** Ace's POV

Naalimpungatan na lang ako ng maaninag ng mukha ko yung liwanag mula sa bintana. Naalala ko yung mga nangyari kagabi.

Papasok na ko ng condo ng bigla akong natumba. Di ba dapat basa ako? Napatingin ako sa damit na suot ko. SHET?! Iba na!! Sino nagpalit sa akin?

Biglang may pumasok sa pintuan ng kwarto ko. Si Marie!

" Putcha, Marie! Sinong hinayupak na tao ang naghubad at nagpalit sakin?!", agad kong tanong sa kanya.

" Gaga! Ako ang nagpalit sa'yo! Bwisit ka! Pinag alala mo ako ng sobra! Nasa kalagitnaan ako ng dinner with my parents ng may biglang tumawag sa akin gamit yang number mo, humihingi ng tulong!", sigaw nya.

" Ha?! Sino? Phone ko gamit?".

" See for yourself, Dear." nagsmrik sya at bigla syang nagturo somewhere sa living room ko.

Tumayo naman ako bigla at nakita ang taong tulog sa sofa ko.

" Si Gerick?!!", gulat kong sabi.

" Yup. Kung hindi dahil sa kanya, baka patay ka na.", pang- aasar ni Marie.

" Sa dami dami ba naman ng tao dito sa condo bakit yang lalaking yan pa ang tumulong sa akin?", inis kong sabi.

" Alam mo bang sobrang kinabahan yang mokong na yan kagabi? Kita mo, dito pa natulog. Sya din ang nagbantay sayo kagabi nung inaapoy ka ng lagnat. Pumunta lang ako dito para palitan ka kagabi.Hindi nga kita maiwanan dahil nga walang magbabantay sayo. Buti na nga lang at nag volunteer yang si Gerick eh. Hoy! Wag pairalin ang pride ha?! Magpasalamat ka dyan, at may buting taglay din pala!", pangongonsensya ni Marie.

Napaisip tuloy ako. Oo nga naman. Pero hindi ko ma- imagine na mabait din pala tong taong to. Ang yabang kaya nya! Sobrang yabang! Tsk. Pero tama si Marie, kailangan ko ngang mag thank you man lang kahit labag sa kalooban ko. tss

" Oo na! Oo na!", bored kong sabi.

8am pa lang pala. Nag- usap kami ni Marie sa kwarto ko, kwentuhan ganun. Pinag rest nya muna ako dahil nga may fever pa rin ako. mga 10am, umalis na si Marie at tulog pa rin yung ulol. Bumangon ako at sinilip si ulol.

Pinagmasdan ko sya habang natutulog siya. Mukhang pagod nga talaga siya. Tinitigan ko lang siya, yung mata nya, may mahabang pilik mata, matangos na ilong, makinis at maputing mukha, at mapulang labi. Gosh, ang gwapo nya talaga.

Bigla siyang gumalaw, nagulat naman ako at napaupo sa sahig. Bigla niyang minulat yung mata nya, nagulat din siguro siya.

" Ah eh? Kumain na tayo.", bored kong sabi. Pero syempre kinakabahan ako, di ko lang pinahalata.

" Eh? Eh bakit ka nakaupo sa sahig? Magaling ka na ba?", bigla niyang nilapat ang kamay nya sa noo ko. Pero nakahiga pa rin siya.

Tumayo naman ako agad at inalis ang pagkakalapat ng kamay nya sa noo ko.

" O- oo. Medyo. Tara kumain na tayo. Magluto ka na!", sabi ko.

Bigla syang napaupo sa sofa, " Ano?! Ako pa magluluto? Jeeez? Bahay ko ba to ha?", inis nyang sabi.

Umandar na naman ang kayabangan at pagmamatigas nya.

" Hindi. Eh hindi din naman ako marunong magluto, kaya kung di ka magluluto di tayo makakakain.", bored kong sabi.

" Ang tanga mo naman! Bakit ka kumuha ng condo?", inis nyang tanong.

" Trip ko, pake mo?"

" Tanga ka talaga. Eh hindi ka man lang marunong magluto? Jeez! Ang sakit mo sa ulo! Magbihis ka! Kakain tayo sa labas!", inis nyang sagot. " Pagbalik ko dito dapat naka- ayos ka na.", pahabol nya.

Bigla siyang tumayo at naglakad palabas.

Magte- thank you nasa sana ako kaso biglang naging masungit! Ish

-

May kumatok sa pinto ko, and alam kong siya na yun.

"Oh? bakit ka naka-apron? Akala ko ba kakain tayo sa labas -_-?", tanong ko sa kanya.

"Nagluto na ko! -_- tinamad akong lumabas. Sumama ka nalang sakin", kalmado nyang sabi.

Sinundan ko nalang sya patungo sa condo nya. whew! Buti nalang hindi pa ako nakakapagbihis ng panlabas. Pagpasok ko sa condo nya, naamoy ko agad ang napakabangong pagkain. Grabeh! Ginutom ako dun.

"Hintayin mo ko, magbibihis lang ako."

Bigla naman nyanng hinubad sa sala yung t-shirt nya. Oh my abs! este napalingon agad ako sa ibang direksyon. tsk

-IJK

Guys! Haha follow me on twitter and IG :) : @imjustkreyzey :)

He's the SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon