Chapter 12

16 6 0
                                    

Chapter 12

** Gerick's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Ace pero nakita ko sa mata nya at kung paano sya kumilos. Bigla nyang sinabi na we need to go sa kalagitnaan ng pag- uusap namin nila Gina at Jasper. Sumunod naman ako sa kanya. After nun sinabi nya na kunin na sa baggage counter yung mga pinamili at umuwi na daw kami. Sa buong oras na nasa loob kami ng taxi hindi sya nagsasalita. Hanggang sa makapasok kami sa condo.

--

Nauna na ako sa school at hindi ko muna dinaanan si Ace sa condo nya.

" Marie, bakit wala pa si Ace?", tanong ko ng makita ko si Marie.

" Aabsent daw. Masakit daw ulo eh. Kaya nga kokopyahan ko sya ng notes today.", sagot ni Marie.

" Ah ganun ba? hmm. Pwede ba magtanong?", ako.

" Sige go."

" May galit ba si Ace sa ibang tao or kung kanino?".

Halata naman kay Marie ang pagkagulat.

" Oo? sa madami.", sagot nya.

" Bakit? Hindi ko kasi sya maintindihan kahapon eh. Nakita lang namin kahapon si Gina at Jasper tapos nag iba ang aura nya", inis kong sabi.

" Teka? Anong sabi mo? Gina at Jasper? Ay jusko. Kaya naman pala eh.", natatarantang sagot ni Marie.

" Bakit ba? Hoy Marie magkwento ka sa akin!", medyo naging interesado ako.

" Gerick, mangako ka sa akin ha? Na hinding hindi mo sasabihin tong sikretong to kahit kanino! Lalong lalo na kay Ace! Mapapatay nya ako pag nalaman nyang sinabi ko 'to sayo!", Marie.

" Oo na. Ano ba kasi yang sikretong yan?", ako.

" Si Jasper Mariano lang naman ang first boyfriend ni Ace. Ibang iba si Ace noon, kung dati masungit lang sya, ngayon terror na. Nang dahil kay Jasper nag iba sya. Si Ace, mabait yan, sweet at caring, Hindi lang halata. Pero nung sinaktan sya ni Jasper, nagbago lahat. Kilala mo si Gina di ba? Parte din sya ng circle of friends namin nila Ace. Pero nung malaman namin na sya pala ang new girlfriend ni Jasper, nag away silang dalawa. At yun, friendship over na kami. Mas pinili ko si Ace kesa kay Gina dahil alam kong ako nalang ang natitira kay Ace.", malungkot na kwento ni Marie.

" What? So you mean lumipat si Jasper at Gina sa ibang school dahil sa issue nila ni Ace?", tanong ko.

" Yup! Tsaka hello? Sila Ace kaya ang may ari ng school na 'to-- ay!", napatakip si Marie sa bibig nya.

" Ha?! What the??", nagulat ako sa sinabi nya.

" Mysterious ba? Naku ang dami ko ng nasabi! Mabuti pa pumasok na tayo sa loob ng klase.", Marie.

" Teka teka, ibigsabihin alam din ni Jason lahat ng bagay kay Ace?", ako.

" Oo. Tara na dami mong salita. Late na tayo!", Marie.

--
All throughout the day si Ace ang iniisip ko. Hindi ko maisip na ganun pala ka- misteryoso ang babaeng yun. Yung taong kinaiinisan ko pa ang ex nya. Nakakabwisit.

Ganun ba talaga nasaktan si Ace ni Jasper? Gago talaga yung lalaking yun. Kung sa tutuusin ang swerte swerte na nya kay Ace. Maganda si Ace. Sobra. Hindi na ako magdadalawang isip pa sa ideyang yan. At yung sinabi ni Marie na mabait, sweet at caring si Ace, hindi ako makapaniwala dun. Sa bagay, people change.

Lalo na ang pain. Pain changes everyone.

" Ver, okay ka lang?", tanong ni EJ.

" Okay lang ako.", sagot ko.

" Okay daw. Wala kasi si "My Ace" mo kaya ka malungkot. haha", si Jason.

" Baliw. Tara na nga!", ako.

" Teka ihahatid ko si Marie ngayon eh. Sige mauna na kayo. Ingat", sabi ni Jason.

Nauna na kami ni EJ. Nakita ko naman ng bakas ng pagkainis sa mukha ni EJ.

" Hoy anong meron sayo?", tanong ko kay EJ.

" Wala.", inis nyang sagot.

" Wala daw. Hoy siguro selos ka kay Jason noh?", biro ko sa kanya.

" Oo. tskk", EJ.

Nagulat naman ako sa sagot nya.

" Huh?".

" May gusto nga kasi ako kay Marie. Shhh tahimik ka lang", EJ.

" Hahahaha! Gago, sino pala torpe? haha!", ako.

" Tsk. Oo na. Totoo naman, natotorpe ka din kay Ace.", EJ

" Hoy wala noh. Mag papari nga kasi ako! -.- ", ako

" Tanga. Sa tingin mo may gusto din si Jason kay Marie?", EJ

" Siguro? Unahan lang yan. Hindi naman ako manghuhula para malaman kung ano nararamdaman ni Jason.", ako

" Tulungan mo ko kay Marie.", EJ

" Torpe. -.-", ako.

" Sige na! Tulungan mo kong manligaw!", EJ.

" Paano kita matutulungan eh hindi nga din ako marunong sa ligaw ligaw. Wala akong alam dyan!", ako.

" Basta! Bahala na si Batman! Basta liligawan ko sya!", EJ

" Okay. Ay teka! Alam ko na! Search mo sa google kung paano manligaw!", ako.

" Ha? Sige."

--

Tignan mo nga naman o. May gusto na pala tong si Mr. Shy haha. Goodluck EJ. Sana matulungan kita. Pero next time ka na, si Ace muna iintindihin ko.

- IJK ❤

He's the SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon