Chapter 17

11 3 0
                                    

Chapter 17

**EJ's POV

" Uy EJ! nagtext ang Babe ko!", sabi ni Gerick.

" So? Pake ko? Ang sabi ko sayo tulungan ako para ligawan si Marie, hindi makipagtext sa 'babe' mo", -.-

Naiinis na talaga ako! Gagong 'to sabi ko tulungan akong magplano para sa panliligaw ko eh.

Biglang pumasok si Jason sa kwarto ko. Oo, kasama din namin sya. Pero hindi nya alam na balak kong ligawan si Marie.

" Maganda ba 'tong blue roses?", pinakita sa amin ni Jason ang picture ng blue roses sa phone nya.

" Bakit pare? bading ka?", takang tanong ko.

" Hindi noh! Para yan sa liligawan ko.", ngiti ni Jason.

" Ha? Sino?", tanong ni Gerick.

" Si Marie.."

" Oh owwww!", tawa ni Gerick.

" Bakit may problema ba?", tanong ni Jason.

" Oo, meron.", seryoso kong sagot.

" Ano?", Jason.

" Liligawan ko din si Marie.", diretso kong sagot.

" Edi, may the best man wins.", iniabot ni Jason ang kamay nya para makipagshake hands. At nakipagshake hands nga ako.

" I think I gotta go. Tara na nga Jason, basta may the best man wins! haha! Bye EJ!", hinila ni Gerick si Jason palabas.

Putcha! First time na nga lang na manliligaw ako, may karibal pa ko! T.T Tsaka di hamak na mas gwapo tong si Jason.

** Gerick's POV

Gagong Jason at EJ yun! Sa dami ng babaeng pwede nilang gustuhin si Marie pa ang napili. Hindi ko na tuloy nasabi kay EJ ang tinext ni Ace. Ang sabi kasi dun sa text ang gusto daw ni Marie ay si EJ. Kaya malaki ang lamang ni EJ kesa kay Jason.

Pero sabi nga nila may the best man wins di ba? Edi goodluck sa kanilang dalawa.

**Jason's POV

I know this is weird pero damn. Si Marie iba sya sa iba. Sana lang talaga.

**Marie's POV

Hindi ko alam kung bakit nagtanong ng ganung bagay si Ace sa akin. Yan tuloy na sabi kong gusto ko si EJ. Pero parang malabo naman ata na magustuhan nya ako. Sa pogi nyang yun?

Nasa canteen kaming dalawa ni EJ. Nakakapagtaka nga eh kasi dapat kasama namin si Jason pero may gagawin daw sya.

" Uh Marie, anong type mo?", sabi ni EJ.

" Type na?", tanong ko.

" Sa lalaki?"

" Wala.", diretso kong sagot.

" Ha?? Bakit naman?", gulat nyang sabi.

" Ewan?! wala pa ako sa ganyang bagay eh.", ngiti kong sagot.

"ahh Oo nga naman. What if sinabi kong gusto kita?", nahihiya nyang tanong.

Napatingin ako sa kanya. Ano daw?

" Ano?"

Para kasi akong nabingi eh.

" Sabi ko di na ko magpapakatorpe. Liligawan kita sa ayaw- ay mali, sa gusto o sa gusto mo.", sabi nya.

" Ha? Eh?"

" Tara na sa class natin.", ngumiti sya sa akin. Yung ngiting sweet.

Ang puso ko. Ang bilis ng tibok. Grabe! Maha- heart attack ata ako.

- IJK :p

He's the SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon