Chapter 8

21 7 0
                                    

Chapter 8

Natapos kaming kumain ng walang bangayan at asaran. Na a-awkwardan ako sa kinikilos nya. I mean di ba? Rival kami! Rival! Alam niya ba ang ibigsabihin nun? Sya pa nga nagsabi na rival kami tapos kung umasta siya sa akin parang napakaimportante ko sa kanya. Ang weird talaga.

" Hoy! Kanina ka pa nakatitig pwede ba? Baka matunaw ako! Tulungan mo nalang akong ilagay to sa lababo kesa titigan ako!", bigla niyang sabi.

Tignan mo 'to, sungit ulit! Parang kanina lang.. teka? Flashback!

-Flashback

Kumain kami ng normal pero kasi.

"Oh ano gusto mo? Itong soup kain mo yan ha? Ito pa.. Masarap yan ako nagluto nyan!", sabi nya.

" eh-"

" Kainin na dali, masamang pinaghihintay ang pagkain!"

" Pero an-"

" Kumain ka na Ace, masamang magpalipas..."

- End of Flashback

Tapos kung ano ano pa. Para tuloy akong naging prinsesa kanina :3

" Tsssk ang sungit sungit! Bahala ka dyan di kita tutulungan!", nagdiretso ako sa sala. Umupo ako at binuksan yung T.V nya. Nanood nalang ako ng Sofia the First sa Disney jr. -

" Ikaw na nga tumulong, sinungitan ka pa! Ang masaklap parang di marunong mag appreciate! Di pa nga nagthank you eh!", bulong nya.

Oo na, nakakaguilty na bwiset! I hate thank you's! Hindi naman kasi ako hmihingi ng thank you o pabor eh! Yan tuloy! Bwiset!

( Sa tingin mo ba pag di ka nya tinulungan kahapon mabubuhay ka pa kaya?- sabi ng konsensya ko)

" Bwiset oo na!", sigaw ko.

" Ha?", takang tanong ni Gerick.

" Hoy ulol! Lumapit ka nga dito! May sasabihin ako!"

" Hoy ka rin! Hindi ulol ang pangalan ko! Di ako lalapit hanggang hindi mo sinasabi ang pangalan ko!", inis nyang sabi.

" Tsk! Gerick lumapit ka dito!"

" Kiss muna!", sabay turo sa labi nya.

" Putcha naman oh! Bahala ka dyan!", inis kong sabi.

" Di mabiro. Oh ayan na lalapit na!", tumabi sya sa akin sa couch. " May gusto ka bang sabihin?", sabi nya sa akin pero nakatingin sa TV.

" Ah ano.. Kasii..", di ko masabi.

" Hmm?"

(Tanga sabihin mo na kasi! Wala naman mawawala eh!- sabi ng konsensya ko)

" Ish.. Gerick, thank you nga pala sa ginawang pagtulong at pag aalaga mo sa akin. Thank you rin sa pagkain.. Okay bye.", tumayo ako bigla pero hinila nya ako kaya napaupo nalang ako ulit.

" Wow for the first time ha? Buti naman nakonsensya ka. Alam mo bang sobra akong nag- alala kagabi! Akala ko mamamatay ka na! Akala ko pa hindi ka magte- thank you eh! Inisip ko tuloy na sana nilagyan ko nalang ng lason yang pagkain mo dahil sa bwiset ko sa'yo kanina! Tsssk!", inis nyang sabi.

" Ay grabe! Tssk. Sorry naman daw!", bigla kong sabi.

Napatingin sya sa akin.

" Wow? You sure wala ka ng sakit? Ikaw ba yan?!", para syang tangang naglagay ng kamay sa noo ko.

" Ulol ka talaga! Wala na! Ano ba- oy!"

" Nagsorry ka kasi eh!", bigla syang bumalik sa dating pwesto.

Hinayaan ko nalang sya. Medyo pagod pa rin ako. Feeling ko ang down down ng buong katawan ko kahit kumain na ako. Hindi ko maimagine na kasama kong isang 'to ngayon.

" Sorry pala dun sa sinabi ko na si Marie lang ang lumalapit sa'yo.. Tama ka nga, hindi kita kilala.. Siguro may reason kung bakit ka ganyan.", bigla yang sabi out of nowhere.

Pero nagulat ako.

" Hayaan mo na yun..", yan nalang ang sinabi ko.

" Yeah. Laro nalang tayo! Tara mag PS3!"

Bigla nyang sinet up yung tv nya and nagsalpak ng kung anong cd. I think Soul Caliber? Ah basta yun.

--

Naglaro lang kami ng naglaro. Walang nagpapatalo. Grabe bwisit sya! Ang galing nya! -_- 3pm na pala! Ang tagal naming naglaro.. Pero kailangan ko na rin umuwi, kasi madami pang assignments na dapat gawin. I need to cope up.

" Gerick, thank you ulit. Pero kailangan ko na kasi bumalik sa condo ko. Alam mo naman madaming assignments eh.", pagpapaalam ko sakanya.

" Sige. Mag ingat ka ha? And thank you din for making this wonderful. Hindi ko inexpect to. Anyways, kumatok ka lang kung may kailangan ka. Ingat", hinatid nya ako sa condo ko.

Grabe, what a tiring day. Pero I admit, masaya syang kasama. Hindi naman pala sya mayabang eh. Ang bait nya din. Pero lalaki sya, lahat ng lalaki pakitang tao. Walang magbabago sa belief kong yan.

-IJK ❤

Hi :) Comment po sa gustong magpadedicate :) Thank you so
much :)

He's the SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon