Chapter 19

13 2 0
                                    

Chapter 19

**Ace's POV

" Babe si Marie at EJ na", pangungulit ni Gerick sa akin.

" Oh tapos?", bored kong sagot.

" Tayo kaya, kailan?"

Nagulat ako sa sinabi nya.

" Akala ko ba magpapari ka? hahaha!", singit ni Jason.

" Dakila ka talagang epal Jason!", sagot naman ni Gerick.

" haha! Bakit totoo naman, magpapari ka di ba?", tawa ni Gerick.

" Joke lang yun! Tssk. Sya nga pala, kamusta na kayo nila EJ at Marie?", tanong ni Gerick.

Oo nga, syempre si Marie at EJ na. Imposible naman na hindi maapektuhan tong si Jason, eh may gusto din sya kay Marie.

" Sa ngayon umiiwas muna ako, mahirap na eh hahaha! Tsk alis na nga ako. Ingat love birds! haha", at tuluyan ng umalis si Jason.

" Sa bagay, mas mabuti ngang umiwas sya. Hoy Ace gawi--"

Naputol sa pagsasalita si Gerick dahil nag riring ang phone ko. Unregistered number pa.

" Hello? Sino to?", sabi ko.

" Ang Tita Jane mo. Pumunta ka dito sa hospital. May importanteng bagay ka na dapat malaman.", sabi ng tita ko. Doctor kasi sya.

" Nasa school po ako. Sabihin nyo na lang ang gusto nyong sabihin, tutal nag uusap naman na po tayo", bored kong sagot.

" Pangatlong araw na ng Daddy mo dito sa hospital. Na heart attack sya. Kailangan mong puntahan ang Daddy mo dahil kailangan ka nya ngayon at may kailangan kang malaman sa kanya.", tsaka ako binabaan ng telepono.

" Anong sabi?", tanong ni Gerick na medyo nag aalala.

" Ang daddy ko daw nasa hospital. Kailangan ko syang puntahan ngayon.", nag ayos ako ng gamit at pumunta sa main gate.

" Gerick bumalik ka na sa klase", sabi ko.

" Pero--"

" Kaya ko ang sarili ko."

--

" Ma'am, kabilin bilinan po kasi na bawal pong magpalabas ng estudyante kapag may klase.", sabi ng Guard.

Si Manong Jo kasi eh! Wala na naman, busy daw. Wrong timing -.-

" Lalabas ako kahit binilin pa yan sa'yo ng kung sinong kumag! Buksan nyo tong gate", inis kong sabi.

" Ma'am sorry po talaga pero--"

" Let her go, it's an emergency.", napatingin kami ng guard sa nagsalita. Yung dean.

" Sige po ma'am.", sabi ng guard at tuluyan na binuksan ang pintuan.

" Ibigsabihin ba nun magtethank you ako sayo?", bored kong sabi sa dean.

" Haha no. Hurry up, kailangan ka na ng Dad mo.", nag wink sya sa akin.

" Okay? Thank you."

--

Pagdating ko sa hospital ay nakita kong naka- abang na si Tita Jane sa labas.

" San yung room nya tita?", tanong ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit wala man lang akong naramdaman nung sinabi nya sa akin na nasa hospital si Dad Kahit konting awa o pag aalala galing sakin, wala. Manhid ba ko?

" Same. Tara ihahatid na kita", sagot ni Tita.

Si Tita Jane ang may ari ng hospital na ito. Kaya may built na private rooms para sa kanya o kamag anak nya. Isa na dun ang room na gamit ni Dad.

Pag pasok ko ay nakita ko agad si Dad, umiiyak sya.

" Hey", sabi ko.

Nakuha ko naman agad ang atensyon nya kaya sya nagpunas agad ng luha sa mga mata nya.

" Ace, anak.. I've seen your card, and I'm impressed. May dalawang grading ka pa para i-mentain ang pagiging top 1 mo. Ka-"

" I know that's not the reason kung bakit ako pinapunta ni Tita Jane. So tell me, what's the reason? Naatake ka na pala di ka man lang nagsabi.", bored kong sabi.

" I'm sorry. Ace, I found your mom. At last nahanapan ko na rin sya", nagsimula ulit umiyak si Dad.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o magalit sa taong dahilan kung bakit ganito ang naging buhay ko. Sa taong nang iwan sa akin, sa amin.

" So?", bored kong sabi.

" We need to visit her. Nasa isang mental hospital sya. She needs us, she needs you.", umiiyak si pa rin si Dad.

" Baliw sya? Okay. Tell me kung kailan natin sya bibisitahin. Is that all?"

" Wala ka man lang bang sasabihin?!", sabi ni Dad.

" Kailangan bang may sabihin ako?", tanong ko.

" Hay. Nevermind, you can go.", nag punas sya ng luha.

--

Gabi na pala. Hindi ko namalayan ng oras.

All these years nahanapan na sya? Akala ko nga namatay na sya eh. Galit? wala kong maramdaman. Kahit tuwa  dahil nahanapan na sya o pag- aalala o awa, wala. Wala din akong interes sa dahilan nya kung bakit nya kami iniwan. Dati naisip ko nga kung ano ang nagawa ko para gawin nya sa akin yun. Kahit si Dad, wala syang nagawang masamang bagay para maiwan kami ng babaeng yun.

Hindi ko na kailangan ng explanation. Basta iniwan nya kami. Hindi ko na kailangan pang makinig sa dahilan.

- IJK :3

Guys! Hi :) ! Salamat po sa mga nagbabasa nito! I have a new story pala, 'Can't Forget About You'! Sana magustuhan nyo! Read nyo na rin guys! Thank you so Much!

He's the SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon