Chapter 21

10 3 0
                                    

Chapter 21

Late akong nakapasok. Mga 30 minutes.

Pagdating ko sa classroom natulog lang ako. Masakit ang ulo ko, parang sasabog. Hindi ko na napansin sila Marie habang kinakausap ako. Kailangan ko ng pahinga.

**Marie's POV

Since inatake ang Daddy ni Ace, bumalik sya sa dati. Bilang na lang yung nga salitang lumalabas sa bibig nya pag kinakausap namin sya. Pag tinatanong namin sya kung okay lang sya, mag o- oo naman. Bumalik sya sa dati. Mas worst nga lang. Nalaman din kasi nya na nahanapan na yung Mommy nya. Sabi niya hindi daw sya apektado at wala syang pakealam. Ewan ko ba.

" Ace, kain na. Ilang araw ka ng hindi nag la- lunch.", sabi ko.

" Hindi ako nagugutom. Pwede ba? Hayaan niyo na lang akong magpahinga.", bored nyang sabi.

" Pero Ac--", singit ni Gerick.

" Gerick, hayaan muna natin sya.", kalmado kong sabi.

Sana naman bumalik ka na sa dati Ace. Sana.

**Gerick's POV

Hindi na kami nagsasabay umuwi. Ewan ko kung ano ang nangyari sa kanya. Basta masakit lang daw ang ulo nya sabi ni Marie. Ilang beses ko nga syang sinusuway na kumain pero hindi din kikilos.

Nasa labas ako ng condo nya.

Kumatok ako ng ilang beses pero hindi nya ako pinagbuksan. Kaya napilitan akong pumasok ng walang pahintulot nya.

" What? There's gonna be an earthquake here? hahaha! That's fcking not true haha!"

May narinig akong boses mula sa kitchen. At boses yun ni Ace. Pagpasok ko sa kitchen nakita kong may hawak hawak syang bote ng alak. Yung ibang bote ubos na, at yung iba natapon sa sahig.

Agad akong tumakbo patungo kay Ace at hinablot ang boteng hawak hawak nya.

" Hey! That's mine! Give it back to me!", inaabot ni Ace yung bote sa kamay ko.

" Matulog ka na Ace. Lasing ka na oh!", sigaw ko.

" Who you calling drunk eh?! Give me that!", pilit pa rin nyang inaagaw yung bote sa kamay ko.

" Ano ba Ace?!! Magising ka nga! Putcha! Bakit ka ba nagkakaganyan?!", nabitawan ko yung bote na inaagaw ni Ace dahil hinawakan ko si Ace sa mga balikat nya.

Nagulat ko ata sya.

" W- wala! Umalis ka na. Okay na ko.", tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa nga balikat nya at tsaka pumunta sa patungo sa kwarto.

" Okay?! Kailan ka pa naging okay sa lagay mo ngayon ha?! Sabihin mo kung anong nangyari!"

" Bakit pag sinabi ko ba sayo may maitutulong ka? Ha?! Ha?! Wala!"

" Alam mo kung bakit nasabi mong wala?! Kasi di ka nagsasabi! Paano ka matutulungan kung palaging pride mo ang pinapairal mo?! Kung ganun, aalis na lang ako kasi wala din akong maitutulong sayo!", lumabas na ako sa pintuan tsaka ko ito dinabog.

" Ganyan naman kayo eh! Mang iiwan kayong lahat! Mang iiwan!", narinig kong sigaw nya.

Hindi ko sya pinansin at nagdiretso sa condo ko. Tang ina ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko nasabi yung mga ganung bagay kay Ace? Putcha Gerick! Ang tanga mo! Ang tanga tanga mo.

- IJK :3

It's complicated :3 haha Salamat po ng madami :)

He's the SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon