Chapter 11

15 6 0
                                    

Chapter 11

**Ace's POV

Buong araw, ang weird nila. Pero mas inaalala ko pa rin yung exam. Mas pinili ko tuloy na pumunta na lang sa library. Iniwan ko sila, bwisit kasi eh. Hindi na nga ako nakareview kahapon, guguluhin pa ako.

Kinuha ko na yung mga reviewer ko at nag start na mag memorize at aralin ang mga past lessons. Hindi ko dapat kalimutan ang deal namin ni Dad. Ilang months na lang. Kaya ko to.

" Uy Ace ma--", biglang sumigaw si Marie pero natigil dahil tinakpan ni Jason yung bunganga. Yan tuloy pinagtinginan sya ng mga tao dito sa library.

" Ang sinasabi nya maaga ka daw nawala.", ngumiti naman si Jason.

" Wala ko sa mood makipag deal sa kaweirdohan nyo."

" Sungit. Tara na nga Marie.", tsaka sila umalis.

Teka, may napapansin ako. Medyo napapalapit si Marie kay EJ at Jason. Paano pag may nagkakagusto na pala sa kanya? EJ kaya? o Jason? Hayy. Review na nga.

--

Dismissal na. Di pa rin tumigil yung kaweirdohan nila. Si Gerick nga di ako kinausap buong araw eh. Ano ba kasing meron? -.-

" A- Ace! Samahan mo ko sa mall. Bili tayo ng gamit para sa exam.", sabi ni Gerick.

Okay(?) Weird talaga. Nagsalita anh ulol -.-

" Matapos mo kong hindi kausapin buong araw? Magpapasama ka lang? Walangya! Ayoko nga!", inis kong sabi habang inaayos yung gamit ko.

" Wala ako sa mood kanina. Dali na samahan mo na ko. Libre kita.", pilit nyang sabi habang niyuyugyog ako.

" Ano ba! Itigil mo nga yang kakayugyog sakin!"

" Basta samahan mo ako okay?"

" Whatever."

" Ehem. Ay may nag e-LQ. hahahaha", sabay kaming tumingin ni Gerick sa nagsalita at si Marie yun.

" Oo nga eh hahaha", sabi naman ni EJ.

" Anong sabi nyo?", inis kong sabi

" Tara na. Exam na next week. Sayang oras para magreview, di ba EJ?", sabi naman ni Marie.

" Mauna na kayo. May pupuntahan pa kami.", bored na sabi naman ni Gerick.

" May pupuntahan o magdedate- este tara na nga kasi mauna na tayo Marie", sabi ni EJ.

Tinignan lang namin silang maglakad paalis. Hinigit naman ako bigla ni Gerick. Pumunta kami sa labas ng campus.

" Saan ba kasi tayo pupunta?", bored kong sabi.

" Sa mall nga, bibili tayo ng gamit para sa exam."

" Bakit kailangan kasama ako?".

" Kasi ililibre kita."

Hindi nalang ako nagsalita. Nakakabagot kasi eh. -.-

--

Nasa mall na kami.

" O san ako tatambay?", sabi ko.

" Sa puso ko.", ngumiti sya, yung ngiting ngayon ko lang nakita.

Nabigla naman ako sa sinabi nya.

" Ano?", ako.

" Joke lang. Sinong nagsabing tatambay ka? Sasama ka sa akin. Hindi ka maghihintay o magpapaiwan. Eh bakit pa ako nagpasama sayo kung hihintayin mo lang ako? Shunga ka ba?", yung ngiti kanina naging sarcastic.

Bwisit. Hindi nalang sana talaga ako sumama dito. Badtrip talaga.

Nagpunta kami sa National Bookstore. Ang boring.

" Ano sa tingin mo mas magandang notebook? Etong batman o itong plain black?", tanong nya sa akin.

" Yung barbie. haha", pang aasar ko sa kanya.

Alam ko na, aasarin ko nalang sya para hindi ako mabored haha ^^

" Pilosopo. tsk. Itong plain black na nga lang", naiinis nyang sagot.

Naglakad ulit kami tsaka hinanap yung mga "gamit" daw nya para sa exam. Kumuha na rin ako ng Faber Castle na ballpen set since wala akong pen.

" Ang cheap mo naman. Tignan mo yung ballpen ko, G-tech!", biglang satsat ni Gerick.

" Bakit? Kung magkakaroon ba ako ng ganyan na ballpen madadagdagan ba katalinuhan ko? Tsaka aanhin mo naman yang ganyan na ballpen eh ang pangit pangit kaya ng penmanship mo!", sarcastic kong abi sa kanya.

" Tsk. Oo na talo na ko.", inis nyang sabi.

" hahahahaha!", natawa ako dun.

" Tsk", sya.

After namin sa National Bookstore, pinaiwan lang namin yung pinamili namin sa isang baggage counter. Tsaka kami pumunta sa isang restaurant. Kumain na kami dun ng dinner since gabi na din lang. After namin kumain, ay nag ikot ikot kami sa mall.

" Wow, Ace tignan mo yung fountain oh!", tinuro nya yung fountain na may kasamang lights sa loob ng mall.

" Ignorante.", ako.

" Tsk. KJ! Tara lapitan natin.", hinigit nya ako bigla papunta sa fountain.

Napatingin ako sa kamay nya na nakahawak ng mahigpit sa kamay ko. Ang weird. Na awkwardan tuloy ako.

Nang makarating kami sa tapat ng fountain, parang batang amaze na amaze si Gerick.

" Love ang ganda!", may babaeng nagsalita.

Napatingin kami ni Gerick sa babaeng yun. At nakita ko si Jasper kasama si Gina, yung girlfriend nya.

Napatingin din sa direksyon namin sila Gina at Jasper.

Sa panahong ito, nakaramdam ako ng inis at galit. Lalo na ng makita kong magkahawak ang kamay nilang dalawa.

" Hey Gerick! What's up?", binati ni Jasper si Gerick.

" Okay lang.", bored na sagot ni Gerick. Feeling ko hindi din sya comfortable.

" Nuce, Hi Ace.", bati din ni Jasper sa akin.

Nag iinit ako sa inis at galit.

" We need to go. Bye"

Hinila ko agad si Gerick paalis sa loob. Nang makalayo na kami, sinabi kong kunin na namin ang mga pinamili at umuwi na. Sumunod naman sya. Bwisit. Okay na sana tong araw na to eh. Bwisit.

-IJK ❤

Thank you po sa patuloy nyong pagbabasa! Salamat ng madami! :)

He's the SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon