Chapter 6

447 54 28
                                    

KYLE'S POV

"Uhmm, Captain, uwi na muna ako ha. Sumasakit ulo ko eh." Ako. Di ko alam kung anung iisipin ko. Pakiramdam ko lumuwag lahat ng turnilyo ko sa utak eh. Di na yata nagfufunction ng tama dahil sa nalaman kong balita.

Buntis nga ba si Alys? Sigurado akong ako lang ang ama nun. She's a virgin when I got her.


"Kelan pa sumasakit yung ulo mo? Baka epekto yan nung nangyari sa iyo nung game last week ah? Magpatingin ka kaya ulit." Captain. Ano pa bang aasahan niyo sa captain namin? Talagang malalahanin na tao yan. Para na nga namin siyang tatay este kuya pala.


"Hindi, captain. Okay lang ako. Pahinga lang katapat nito." Ako. Kinuha ko na yung bola ko at kinuha ko na yung bag nito. Napatingin ako kay Thunder na nakakunot yung noo na nakaupo habang nakatingin sakin.


Kilala ako nito eh. Alam agad niyan kapag may problema ako. Paano ba naman kasi bestfriend ko nga? Pero hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin kay Thunder eh.


Kilala ko rin naman siya. Susundan niya ako, pustahan. Aalis rin yan, pag-alis ko. Hindi yan titigil hanggang hindi niya nalalaman problema ko. Hay, sumasakit na ulo ko. Dumadagdag pa ito si Thunder sa iniisip ko eh.


Nagpunta muna ako ng convenience store. Kailangan ko ng pampaGV kahit konti lang. Pumunta na ako sa kuhaan ng drinks. Serve yourself kasi dito. Kumuha na ako nung favorite ko. Pepsi Blue. Kahit sobrang hilig ko na sa beer, eto pa rin ang favorite ko. Kumbaga, Comfort Drink ba?

Nung magbabayad na ako sa cashier, may napansin ako sa gilid.


... Frenzy... ....Trust...


Nanadya ang pagkakataon eh noh. Oo na, kung gumamit lang ako niyan, edi sana di ako namomroblema ngayon.


Pagkagaling ko sa convenience store. Dumiretso na ako sa bahay namin. Magkukulong na lang siguro ako sa kwarto ko. Hay, di ko talaga alam yung gagawin ko eh. Ano ba yan? Kausapin ko kaya mga kapatid ko tungkol dito. Ay wag na. Kakayanin ko naman ito mag-isa. Tutal kasalanan ko naman.


Pagkarating ko sa bahay namin. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Thunder dun. Yan pa ba? Sabi ko sa inyo, susundan ako niyan eh.


"Andyan ka pala. Hindi kita napansin." Thunder. Maang maangan pa, geh!

"Anong ginagawa mo dito?" Ako


"Magpapaturo kasi ako kay Yuki sa paragraph sa Differential Calculus." Thunder


"Kelan pa kinailangan ng paragraph sa DifCal? Eh math yun?" Ako

"Kailangan ko nga yun." Thunder


"Eh bakit di ko kailangan, eh classmate mo ako?" Ako. Natigilan siya. Kung wala akong problema, malamang sa malamang, tumawa na ako eh. Ngayon pa na 99% ay magiging tatay na ako. At ang pinanghahawakan ko na lang ay 1%. Ta**ina. Nakakatawa diba? Tawa kayo. Sige. Saya ko eh.


"Oy, Kyle, wag mong isiping kaya ako pumunta dito ay dahil nagtatampo ako sayo at hindi mo sinasabi sakin yung problema mo ha. Okay lang naman. Kasi bestfriend mo lang naman ako eh. Diba nga sabi ko lang naman parang kapatid lang naman kita? No hard feelings. Kahit na palagi, kapag may problema ako, shinishare ko agad sayo. Kasi malaki yung tiwala ko sayo. Hindi ako nagtatampo, promise." Thunder. Ayan na si Thunder Torres, nagdadrama na naman pero maniwala kayo sakin. Hindi kaya bagay sa kanya.

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon