Chapter 20

396 40 54
                                    

EARL'S POV

*KRING KRING**KRING KRING*

Ano yun?

Naalimpungatan ako at nakita ko ang cellphone ko na tumutunog. Sino bang tatawag sakin ng ganito kaaga?

Pagtingin ko sa orasan sa side table. 4 am pa lang.

*KRING KRING**KRING KRING*

Tinignan ko naman cellphone ko.

JICO LEE Calling...

Bakit naman tumatawag ito?

"Hello."

[Earl? Bedroom voice ah. Kakagising mo pa lang?]

"Problema mo? Aga aga pa."

[Maaga? 4 na ah. May laban tayo mamayang 7 ah.]

"Pre, 4 pa lang. Akala mo ba yung laban natin nasa Laguna? Pare naman. Nasa Quezon City lang ang laban mamaya."

[Ah. Basta, gumising ka na. Pakigising na din si Kyle dahil hindi nagigising ng kusa yan lalo na kapag ganito kaaga.]

"Fine, Bye."

Tumayo na ako kahit di pa ako nakakapagbihis ng tshirt. Mas trip ko matulog ng walang tshirt eh.

Pumunta ako sa kwarto ni Kyle. Nakita ko topless din siya. Kaya tropa kami nito eh.

Alam niyo yung higa niya. Kalahati lang nung kama. Sanay siguro ito na natutulog na may katabing babae kaya sa kalahati lang natutulog.

Naupo naman ako sa gilid ng kama niya.

Bumibigat yung ulo ko. Mali kasi yung gising ko eh. Alam niyo yung pakiramdam na napilitan ka lang gumising tas mali pa yung bangon mo.

"Kyle, huy, pare, gising ka na daw. Pinapagising ka sakin ng Kuya mo. Gising na, uyy." Alam ko mukha akong tanga na ginigising si Kyle dahil nakapikit ako habang niyuyugyog ko siya.

Pagdilat ko at pagtingin ko sa kanya. Nakabaliktad na siya sa kabila nakatingin. Aba. Loko ito ah.

Napahalf na higa tuloy ako sa kama niya para maabot siya at magising.

Alam niyo ginawa. Hinampas ako ng braso niya patalikod kaya tuluyan na akong nahiga sa kama niya.

Mas lalo akong nahirapan bumangon. Ang sakit pa ng ulo ko. Ipipikit ko muna mata ko. 5 minutes.

___________________

After 2 hours...

"Oh my GOOOOSSSSSSSHHHHHH!"

Nagising naman ako sa sigaw ng babae.

Pagdilat ko si Yannie pala. Papasok naman si Alys na nagmamadali at gulat na gulat din.

"Kuya Earl??! Anong ginagawa mo diyan?" Alys

Ano ba meron? Paglingon ko sa katabi ko. May nakita akong mukha.

AMPANGIT.

Joke.

Si Kyle? Bakit nandito ito?

"Kuya Earl, anung ginagawa mo sa kwarto ni Kyle ng nakahubad?***" Alys

Napabangon naman ako bigla.

"***At pati si Kyle, nakahubad din?" Alys

Tumingin naman ako kay Kyle. Tulog pa din. Aba, tulog mantika.

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon