Chapter 19

387 47 50
                                    

KYLE'S POV


Umalis na yung mga kapatid ko. Pumunta sila ng grocery diba?


Kami na lang pala nandito ni Alys sa bahay. Wala yung mga kapatid ko tapos wala din si Dad kasi nga nasa meeting.


"Tara, Alys, punta tayo sa gazebo." Ako


Tumingin naman sakin si Alys. Tuwang tuwa kasi siyang nanunuod sa food network. Kapag nagtagal pa siya sa kakanuod diyan. Baka maglaway na yan at di na umabot sila Jico. Haha. Joke lang.


"Tara na. Dun na tayo." Ako. Hinatak ko na siya sa gazebo.


Naglakad na kami papuntang gazebo. Medyo malamig dito. Idagdag mo pa yung fact na malapit ito sa pool. Mas lalong lumalamig.


Kung saan saan naman napupunta yung mga mata ni Alys. Syempre bago sa kanya yung lugar.


Kapag napapatingin ako kay Alys ngayon parang nawawala yung pagsisi ko sa nagawa ko. Nagsisisi ako sa nagawa kong kasalanan at napahamak siya. Pero siya magiging nanay ng magiging anak ko, di na masama. Ang swerte ko na.


Kesa naman isa sa mga flings ko na ang habol lang naman sakin katawan.


Konsensiya: Kapal neto. Bakit habol mo lang din naman sa kanila katawan.


Yun na nga yung point ko. Kakaiba kasi si Alys sa kanila. Maganda siyang klase ng babae. Maganda, mabait, masipag, lahat na.


Konsensiya: Mukhang tama nga si Jico ah.


Ano?


Konsensiya: Huwag kang magsalita ng tapos dahil baka dumating yung araw na magising ka na lang na hulog na hulog ka na sa ina ng magiging anak mo. Hindi malabong dumating yun. Lalo na at alam mo na siya yung tipo ng babae na swerte ang lalaki kung mapapasakanya.


Alam mo kasi, ako si James Chyle Lee. Pinanganak ako bilang lalaki na naghahangad ng maraming babae at hindi para magmahal ng isang babae lang.


Konsensiya: Okay, fine. Ganto na lang kapag nagmahal ka na ng isang babae lang. Isa lang ah. Ipapashave mo yung buhok mo sa kili kili.


Ano?


Konsensiya: Takot ka noh. Deal or No Deal?


Di ako takot. Sige, payag ako.


Konsensiya: That's my boy...


Bigla naman akong nakaramdam ng malakas na hangin na humampas samin.


Napansin kong napahawak si Alys sa braso niya. Nilalamig siguro siya.


"Alys, dito ka lang ah. Akyat lang ako sa taas." Ako

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon