Chapter 13

381 47 12
                                    

KYLE'S POV

Nandito na kami ni Dad sa bahay. Andaming bumabagabag sa isip ko.

Pagpasok ko sa main door ng mansion namin. Sinalubong agad ako ni Yuki.

"Kuya, how was it?" Yuki

"Okay naman." Ako

"Hindi ka ba binugbog ni Earl?" Yuki

"Hindi naman." Ako

Tumingin naman ako kay Jico na nakatingin lang samin ni Yuki na nakakapit sa braso ko.

Si Dad, umakyat na. Pinat niya pa yung ulo ni Jico tsaka umakyat.

Hinila naman ako ni Yuki sa sofa.

"Kuya, pang-apat na movie na namin ito ni Kuya Jico. Sama ka samin manuod?" Yuki

"Yuki, next time na lang. Masakit na ulo ko eh. Promise, babawi ako next time. Magpapahinga muna ako." Ako

Si Jico naman, hindi inaalis yung tingin sakin.

Alam kong nararamadaman nila na may problema ako kaya ganyan sila eh.

Si Yuki, nangungulit, I guess she's trying to cheer me up. Si Jico naman, pinapakiramdaman niya ako.

Paano ba namang hindi nila malalaman? They are my siblings. And I lived 18 years of my existence with them. Gets na nila yung kilos ko.

Umakyat na ako. Pagdating ko ng kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama ko.

Iniisip ko lang kung anong mangyayari sakin sa future. Magiging dalagang ina ako. Ano kayang sasabihin sakin ng mga blockmates ko? Yung mga taong nandodown sakin, matutuwa sila dahil sa nangyayari sakin ngayon. I was just thinking about my tomorrow.

Naalala ko yung sinabi ni Alys. I've never felt this guilty sa buong buhay ko. Dati kasi kapag nakakagawa ako ng kasalanan. I just laugh at it. I'll say sorry but not sincerely. Then okay na. Wala na akong problema. Pero ngayon. Hirap na hirap ako.

Kasi may isang tao na inosente, mabuti, at may pangarap para sa sarili niya ang sinira ko yung buhay. Ano nga bang dapat kong gawin?

Kahit sabihin ko sa kanyang magiging okay lang lahat. Parang wala eh. Parang hindi ko na maayos yung ginawa kong mali.

Dahil sakin, magiging dalagang ina siya. Ako din naman. Ang kaibahan nga lang, ako, deserve kong maparusahan sa lahat ng ginawa ko. Siya hindi. Kasi wala naman siyang kasalanan. Wah! Naiinis ako sa sarili ko.

Napatagilid ako ng higa at nagulat na lang ako ng may biglang tumulo galing sa mata ko. I'm crying, yes. Proud to be gago ako pero may puso pa din naman ako.

I'm crying because I'm frustrated. Malapit nang bumigay yung utak ko.

May bumagsak naman sa kama ko.

Pagtingin ko si Jico pala. Nakatingin siya ng straight sa kisame ng kwarto ko.

"Hindi ko inexpect na mauuna ka pang magkaanak sakin. Ang bilis mo, Kyle. Iba ka." Jico. Tumingin naman siya sakin.

"Pero wag ka mag-alala. Hindi kita itatakwil. Magkapatid pa din tayo." Jico

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko tamang tama yung timing ni Jico. Nararamdaman ko yung comfort.

Bading na kung bading. Yumakap ako sa kanya and I silently cried.

"Kuya." Ako

Tumawa naman siya.

"Halika nga dito." Jico

Niyakap niya pa ako lalo.

"Para ka din palang si Yuki eh. Maamong tupa kapag may problema. Haha." Jico

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon