Chapter 50

280 21 11
                                    

KYLE'S POV

[5:45PM]

Nasa loob ako ngayon ng kotse ko kasama si Alys.On the way na kami sa Torre Blanca Philippines kung saan gaganapin yung engagement party ni Sir Prince.

Nakasunod kami sa sasakyan ni Earl na papunta na din sa venue kasama si Yannie. Yup, Invited po si Alyanna. Inimbitahan siya mismo ni Sir Prince para magperform mamaya.

Tinanong ko nga si Yannie kung papaano nangyari yun eh.

Heto ang sabi niya oh.

"Syempre si Sir gusto niya ang best para sa soon-to-be bride niya kaya he chose the best ballerina sa LSU." Yannie

Hindi na lang ako kumontra. xD Pero sabagay may point naman siya.

If you are wondering kung ano ang suot namin ngayong gabi, Alys is wearing a red dress with matching red na doll shoes. Ako naman black suit, white shirt and red bow tie.

Red and White kasi ang motif ng engagement party. Wear anything na kulay pula for girls at black or gray suit naman for boys, yan ang habilin ni Sir.

Daming arte noh. Pero intindihin na lang natin, ikakasal na eh.

"Alys, sure ka bang ok na yang regalo natin?" Ako. Nakatingin ako sa daan. Narinig ko naman na parang natawa si Alys.

"Kung icocompare natin sa itinuturo mo kahapon. This is much more decent." Alys.

"Grabe naman. Ang harsh mo sakin." Ako.

"Haha. Hindi naman sa ganun, Kyle.Syempre special yung occassion kaya dapat special din yung gift natin." Alys.

"Bakit? Hindi ba special kung reregaluhan natin si Sir ng boxers galing sa new collection ng Dolce & Gabbana?" Ako. Hahah. Favorite brand ko yan. Tsaka ano bang masama sa boxers? Yan nga ang palagi kong nireregalo sa knights tuwing pasko or birthday nila eh.

"Kunyare, hindi ko narinig yung sinabi mo." Alys. I can see her smiling while looking outside the window. Aba, pinagtitripan ako neto ah.

"Anak, Binubully ako ng Mommy mo oh." Ako. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napalingon siya sakin.

"Luh, di kaya." Alys. She pouted.

"Oo nga, hindi." Ako. Natawa naman ako. Ayoko na kasing makipagasaran sakanya ngayon, mamaya biglang sumpungin ng mood swing yan.

Its better to be safe than sorry, ika nga.

Anyway, pabango ang regalo namin kay Sir Prince. Alam niyo yun, yung parang pang couple naperfume. Si Alys yung pumili ng pabango para kay Sir Prince, Ako naman yung pumili para dun sa mapapangasawa niya.

Actually, marami pa kaming pinagpilian na choices para iregalo bago kami nag settle sa pabango.

Yung una sinuggest ko baso o kitchenware , sabi naman ni Alys ieengage pa lang naman sila Sir. Hindi pa daw kasal kaya rejected yung suggestion ko.

Pangalawa naman na sinuggest ko ay sapatos at stilletos, ibinasura din ni Alys yung suggestion na ito. Kasi daw kung ibabase sa pamahiin, baka daw isa kila Sir or yung mapapangasawa niya ang umatras sa kasal.

Baka daw kaming dalawa pa yung may kasalanan kung bakit hindi matuloy ang kasal. Haha.

Infairness, naniniwala pala si Alys sa mga pamahiin.

Lastly, ang ikatlong suggestion ko naman ay nakatanggap ng matindi-tinding kunot ng noo mula kay Alys. Ang sinuggest ko kasi ay relo, couple watch kung baga. Sabi ni Alys, ayon sa pamahiin ang taong pagbibigyan mo ng relo ay tinataningan mo na ng buhay in short... mamamatay.

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon