Chapter 37

209 30 5
                                    

KYLE'S POV

"Mama!" Earl

"Elizabeth." Lolo Rafael

Tama nga ang hinala ko. Mama ni Earl yung sumampal sakin.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinampal but somehow I felt na I deserve that slap.

Parang nagising yung buong katawang lupa ko sa sampal na iginawad sakin ng Mama ni Earl.

"Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng magulang mo pero hindi ka yata marunong mahiya at napaka kapal ng mukha mo ... Earl, bitawan mo ako." Mama ni Earl

"Eliz, tama na yan." Tito Carlos

Kung kanina si Earl ang pumipigil sa Mama niya ngayon si Tito Carlos na.

"Bitawan niyo nga ako, Carlos ... Pagkatapos ng ginawa mo sa pamangkin ko, may gana ka pang magpakita dito? At nakitira ka pa?" Mama ni Earl

Di ako makatingin sa kanya at nakayuko lang ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong dapat sabihin o kung dapat ba akong magsalita. Sa tingin ko, mas tama na manahimik na lang ako dahil di ko rin naman talaga alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Alam mo ikaw bata ka. Hindi ko alam kung san ka nanggaling na pamilya pero nakakasiguro ako na hindi ka pinalaki ng maayos ng magulang mo. Sino bang matinong tao ang magsasamantala sa isang babae na walang kaalam alam at inosente?" Mama ni Earl

Nasasaktan ako dahil nadadamay yung mga magulang ko dito or should I rather say yung tatay ko dito. Hindi man siya naging perpektong magulang, naging mabuti naman siyang ama para sakin. At ngayon nang dahil sa kagagawan ko, napupulaan pa siya.

Pero I can't say anything. I can't even utter a thing. Kasi alam ko sa sarili ko na partly kasalanan ko naman talaga.

"Alys, iha, lumayo ka sa kanya. Hindi tama na nagsasama ka sa mga ganyang uri ng tao." Mama ni Earl

Hinatak niya si Alys palayo sakin. Pero di ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Napako na yata yung mga paa ko dito.

"Elizabeth, magtigil ka. Ingatan mo yang mga pananalita mo. Alyssandra, umakyat ka muna at isama mo si Kyle. Magmadali ka." Lolo Rafael

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon