Chapter 25

328 35 18
                                    

KYLE'S POV

Sa Cortez Family Mansion...

[5:45AM]

*knock knock knock knock*

Nabulabog ako sa mga katok at ingay mula sa kabilang kwarto. Napamulat ako nang mata bigla...

Nasa kwarto ko na ako? Ang alam ko.. nandun kami sa Quadra at... Ewan.

*knock knock knock knock*

Ano ba yung ingay na yun? Ito ang mahirap kapag hindi sound proof ang mga kwarto eh.

Napabangon ako bigla.

Tangina, ansakit nang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko. Anlakas nga nang tama nung Papacito Bourbon na yun. tsk.

Tumayo na ako at inayos yung pinaghigaan ko. That's one of my habit. Influence ni Jico.

Patuloy pa din yung ingay na galing sa kabilang kwarto. Ano ba yun? Bahala na nga.

Pagkatapos kong ayusin yung higaan ko, pumasok na ako sa banyo para maligo. Putcha, amoy alak ako. Nakakabawas gwapo points.

Medyo natagalan ako maligo ngayon. Ansarap kasi nang tubig, nakakatangal amats.

Kasalukuyan ako ngayon na nagbibihis sa walk-in closet ko. Kumuha ako nang simpleng v-neck na shirt at pants, Hindi ko naman kasi kelangan na pumorma nang todo-todo kasi alam kong kahit magsuot ako nang trash bag.. titilian pa din ako nang mga babae.

Tsk, Lahing Lee eh~

Kinuha ko yung tuwalyang ginamit ko kanina at pinatuyo ang buhok ko sa harap nang salamin. Nung medyo patuyo na yung buhok ko ini-hanger ko na yung tuwalya. Hindi ako mahilig magsuklay nang buhok.. kung ano yung buhok ko paglabas nang banyo.. yun na yun hanggang pagpasok sa school at paguwi.

I ran my fingers through my slightly wet hair. Shet, Ampogi mo talaga, Kyle.

Konsensiya: -_-

Ang aga-aga mangaaway ka nanaman.

Konsensiya: Wala akong pake, Kyle. Walang pinipiling araw o oras ang pangaapi ko sayo.

Tsk. Ewan.

*knock knock knock knock*

Ano ba yun? Kanina pa yan ah.

Lumabas ako nang kwarto ko. Nakita kong nagkukumpulan yung mga katulong sa labas nang pinto nang kwarto ni Alys. Anong meron?

Lumapit ako sa kanila. Mukhang nagulat naman sila dahil bigla akong sumulpot.

"Anong nangyayari dito?" Ako.

"A-Ah kasi po Sir Kyle, Ayaw pong inumin ni Miss Alys yung mga niresetang gamot sa kanya.**" Katulong #1. Ano?

"**Kaya po pinagsaraduhan niya kami nang pinto. Kanina pa nga po kami nandito eh." dugtong niya. Ay pasaway ka talaga, Alyssandra.

Napa-facepalm ako.

"Para saan nga pala yang gamot na yan?" Ako.

"Para daw po ito sa morning sickness, Sir Kyle." Katulong #2. oh okay.

Napabuntong hininga ako. Kinuha ko mula dun sa katulong yung gamot ni Alys tsaka yung dala niyang baso ng tubig.

"Ako na lang ang magpapainom sa kanya. Doon na kayo sa baba, baka may kelangan pa kayong asikasuhin na mas importante." Ako.

Nagpaalam na yung mga katulong nila at naiwan ako dito magisa sa labas nang pinto nang kwarto ni Alys.

Nilagay ko sa bulsa ko yung gamot ni Alys tapos itinago ko naman yung tubig sa likuran ko. Then I knocked at the door.

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon