Chapter 35

238 31 5
                                    

KYLE'S POV

Isa-isa nang nagsilabasan yung knights sa shower room. Kasabay kong lumabas sina Captain, Earl at Kurt sa shower room. Mamaya-maya pa ay sumunod na ding lumabas yung iba, pero wala akong naaninag na Thunder Torres. Like duh, ano pa bang ieexpect ko dun sa kupal na yun.. panigurado na hindi pa siya tapos makipagkwentuhan sa tubig.

Anyway, Si Karl ay narito din sa shower room ngayon kahit hindi naman siya naligo. Feeling ko nga nandito lang yan para mangboso eh. De joke lang. Inaantay niya kasi si Kurt, magpapahatid siya sa bahay nila. Hindi naman kasi makakapagmaneho heto dahil nga nasprain yung paa niya diba.

Kaya heto siya ngayon at nakaupo sa isang bench at nagbabasa ng libro tungkol sa... human anatomy? Sabagay, medical student siya kaya nagbabasa siya ng mga nakakadiring bagay tulad niyan. Hindi ko nga alam kung bakit niya gustong maging doctor eh, surgeon to be specific.

Nagbabasa siya dun sa gilid nang magulat ako nang bigla niya akong tawagin.

"Kyle, may sasabihin nga pala ako sayo." Karl. Napalingon naman ako sa kanya.

"Ano yun?" Ako. Inaayos ko yung sinturon ng pants ko.

"Si Alys nasa clinic." Karl.

"Ah okay." Ako.

Wait- WHAT?!!

" Teka! Ano ulit sabi mo?!" Ako. Napatingin naman samin yung ibang knights.

"Nagbibiro ka ba?" Earl. Oo nga, sana nagbibiro lang hetong gagong toh. Pero laking gulat namin ng umiling siya at seryosong nakatingin samin.

"Mukha ba akong nagbibiro. Nandun talaga siya. Amputla nga ng mukha niya eh." Karl.

"Bakit ngayon mo lang sinabi eh kanina ka pa dito?" Earl. Medyo nagpapanic na yung tunog ng boses niya.

"Ngayon ko lang naalala eh. Sorry naman. Alam niyo namang ulyanin na ako eh. " Karl. Sapakin ko kaya toh. tss.

"Ano raw nangyari?" Ako. Nagaalala ako. Ano kaya nangyare dun sa babaeng yun. May pagka clumsy pa naman yun. Baka kung ano na nangyare sa kanya.

"Hindi ko na naitanong kasi ihing-ihi na ako. Ayoko namang mapaihi sa pants ko kaya pumunta muna ako sa banyo kaya lang dahil ulyanin nga ako nakalimutan ko kaya napapunta ako dito." Karl.

Aish, bakit ba kasi ulyanin tong hinayupak na ito?! Aish, baka napano na yun.

"Captain!" Ako.

"Bakit?! Wagas makasigaw ah? Halos magkatabi nga lang tayo." Captain. Halos magkatabi nga lang kami.

"Una na ako ah. Pasabi na lang kay Thunder na umalis na ako ambagal niya kasi eh. Ha? Thank you, Captain. Bye." Yung feeling na habang nagsasalita ako ay nagmamadali akong magbihis. Kinuha ko na yung coat ko (part kasi yun ng uniform namin eh) pati yung bag kong hangin lang naman talaga yung laman mula sa locker ko.

Hindi ko na inantay na makasagot pa si Captain Kevin kasi dali-dali na akong lumabas sa pinto. Naumpog pa nga ako eh. Paano ba naman biglang bumukas ito at pumasok si Coach Joseph tinanong pa nga niya ako kung ayos lang ako eh. Kaya lang dinedma ko siya pati yung maliit na bukol sa ulo ko at sabay labas sa shower room.

Well, first priority ko si Alys eh.

Ngayon ko lang napansin pero marami na palang nagbago sakin simula nang malaman kong nabuntis ko siya at magiging tatay na ako. Actually, nawei-weirdohan na din ako sa mga pagbabago sakin eh. Alam niyo yun para bang umulit yung puberty stage ko.. haha. Kalimutan niyo na yung sinabi ko. Erase. Erase.

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon