Third Person POV
"Kyle?.. Tawagin niyo si Kyle!" Sabi ng isang matandang may sakit na nakahiga ngayon sa kama sa loob ng kanyang kwarto.
"Lolo, Kyle is currently on his school he's studying" sagot naman ng isang dalagang babae na apo ng matandang may sakit. Kumunot ang nou ng matandang may sakit at agad bumangon.
"Lolo wag kayong tatayo baka lumala ang sakit niyo" gulat na pag kakasabi ng dalagang babae. "Wag kayo mag alala mga apo iihi lang ako" agad bumangon ang matanda, aalalayan pa sana siya ng isa niyang lalaking apo ngunit hindi siya nag pa alalay. Kinuha niya ang maliit na box na may laman ng ibat ibang accessories at binuksan ito. Kinuha niya ang isang singsing at sinuot at agad nag tungo sa cr. Tila kahit matanda na at may sakit ay nagagawa niya pading mag lakad ng maayos. Dala dala padin ang maliit na box ay binuksan niya ang pinto ng cr at ang singsing niya ay nag liwanag na parang may ilaw. Kulay pilak ang kanyang singsing na napapalibutan ng mga diamante at ang diamante ay nag liliwanag ng kulay asul. Pag bukas niya ng cr ay agad siyang pumasok ngunit sa pag pasok niya ay hindi cr ang tumambag sa kanya.
Napunta siya sa isang university at napangiti siya. Nakasuot siya ng mahabang suit at may suot siya ng bucket hat. Nakapambahay lang siya kanina sa kanyang higaan ngunit ng pumasok siya sa pintuan ng cr ay nag iba agad ang kanyang bihis. Ngayon ay nasa university na siya at hinahanap niya ang kanyang apo dahil nalalapit na ang katapusan niya.
Tila at parang lumabas lang siya sa isang silid aralan sa computer lab ng university. Napagtanto niya din na walang nakakita sa kanya kaya't siya ay nag lakad na palayo. Dala padin niya ang maliit na box at kinuha niya doon ang anklet at earrings at sinuot niya. Pag katapus niyang suotin ay agad siyang lumingon kanan at kaliwa at nakita niyang walang tao. Nag lakad siya palayo at agad siyang nag laho.
Napunta siya agad sa isang cr ng university at mabuti nalang ay walang nakakita sa kanya. Nanatili lang siya ng ilang minuto sa men's cr dahil alam niyang papunta sa cr ang kanyang apo. Agad niyang hinubad ang necklace at anklet pati na din ang singsing at nilagay niya sa box.
Maya-maya ay bumukas ang cr at tama nga siya dahil pumasok sa men's cr ang apo niya. Napatalon sa gulat ang apo niya nang makita siya sa cr. "Lolo ano po ginagawa niyo dito? pinuntahan niyo po ba ako dito? tara po ihahatkid kita sa bahay baka lumala ang sakit mo" mag kasunod agad na tanong ang nasabi ng binata.
Lalapit na sana ang binata sa matanda ngunit nag taka ang binata dahil nagawang makapunta dito ang lolo niya ng mag isa. "Lolo may kasama kaba dito? Nandito pa sila insan?" Pahabul na tanong ng binata.
"Sandali Apo wag kang madaming tanong" sabi ng matanda
"Nalalapit na ang oras ko kung kaya't nandito ako upang ipamana sayo ang lahat ng to" inabut ng matanda ang maliit na box na nag lalaman ng mga kakaibang accessories. "Po?" pag tataka ng binata.
"Makinig ka Apo, ikaw ang magiging sunod na tagapagbantay ng Multiverse. Puntahan mo sa bahay mamaya ang libro na palagi kong binabasa dati, nakalagay yon sa mga lagayan ng damit ko"
Napapanganga nalang sa gulat ang binata at puno din ng pag tataka ang utak niya. "Ano po ba ang ibig niyong sabihin?, hindi po kita maintindihan" pag tatakang sagut ng binata.
"Basta kunin mo to" napatitig ang binata sa box at agad niyang kinuha.
"Ano po ba ang laman ng box na to Lolo?"
"Suotin mo yan at ingatan dahil ikaw ang napili kong mag bantay kapalit ko. Basahin mo nalang ang librong sinasabi ko sayo at wag mo to sabihin kahit kanino, kahit pa sa mga pisan mo.
Kinuha ng binata ang box at nag lakad palapit ang lolo niya sa kanya at bumulong sa tenga ang matanda sa binata "Apo paki tapus din ang misyon ko sa isang special na universe."
Natumba ang matanda at nanghina at agad nasalo ng binata ang lolo niya. "Lolo
ano ba ang nangyayare sayo?" nag aalalang tanong ng binata. "Tulong tumawag kayo ng -" .. "shss" hinawakan ng matanda ang mukha ng apo niya at pinatahan. "Wag kang mag alala Apo hanggang dito nalang ang buhay ko". Nagulat ang binata dahil parang may lumalabas na liwanag sa katawan ng lolo niya at parang nag lalaho ito. Nakangiti lang ang matanda sa apo niya at tuluyan ng nag laho. Tumutulo ang luha ng apo niya habang tinitingnan siyang nawawala na parang bula.#CambiarPorFe
YOU ARE READING
Cambiar Por Fe
Science FictionA mysterious author who wrote a novel similar to a real life story of Vhayn Velasquez. Vhayn Velasquez discovered his future because of that book and finds out that his bestfriend will die in a tragic way. Then Vhayn Velasquez meet the author of th...