Nagising si Ares mula sa ilang beses na dinig nito sa Door bell mula sa labas nang kanyang bahay.
Kalimitan ang mga staffs kapag mag lilinis ay hindi na nag dodoorbell ngunit sa pag kakataong ito hindi mapigilan ni Ares na magalit dahil sa sunod sunod na pag doorbell.
Natutulog si Seraphim sa kama habang walang tao sa buong sala ng bahay."Who the fuck did smash the door bells? Hindi ba nila alam na natutulog pa ang mag ina ko?! Shit I'll definitely fire this stupid ass!" Galit na saad ni Ares habang binubuksan ang pinto ng kanilang bahay.
"What the fu---Mom?"
Hindi na tuloy ni Ares ang pag mumura nang makita nito ang ina niya na si Ara at ina ni Seraphim na si Serah sa labas ng bahay. Galit na galit ang tanging naipinta sa mga mukha nito.
Sa likod ay ang ama nila na sina Ralph at Rico na tila dismaya ang tanging naipinta sa mga mukha nito.Itinulak ng dalawang ginang ang pinto nang mabuksan niya ito.
"Where is that woman you are keeping Ares?!"galit na akusa sa kanya ng kanyang ina.
Napakunot naman ang nuo ni Ares dahil sa inaasal nang kanyang ina at itinulak pa siya nito na tila ba handang sumugod at makipag away.
"What's going on here ma? What are you taking about?"tanong ni Ares habang sinusundan ang ina na pumapanhik papunta sa kanilang masters bedroom.
Nagulat na lamang ito nang makita ang ina ni Seraphim na pinakita sa kanya ang isang larawan na may kayakap na babae sa isang madilim na lugar. Kitang kita naman ang mukha ni Ares sa sumunod na larawan habang naka subsub ang mukha ng babae sa kanyang dibdib.
Marahil ay hindi nila nakikilala ang likuran ng babae na iyon ngunit kilalang kilala no Ares kung sino ang kasama niya sa larawan.
Napangiti si Ares na inipit ang kanyang katawan sa pagitan ng pinto ng masters bedroom at sa nag aalburotong ina nito.
" Come on ma, wala akong ibang babae. Just look carefully at that pictures kilala naman ninyo kung sino nasa larawan sa kama ko eh." Pag kukumbinsi nito sa mga tao na naroroon galit ang ina ni Ares na nakipag agawan sa seradora ng silid habang ang dalawang ginoo naman ay prenteng naupo sa salas at binuksan ang telebisyon.
"Dad, Pa, please come on..."tawag niyo sa dalawang lalaki ngunit kumaway lamang ang dalawa na tila ba ayaw nilang makisali sa dalawang asawa nilang galit.
Binalingan ni Ares ang dalawang ginang at nginitian ngunit hindi nag patinag ang dalawa.
Nag tinginan ang mga ginang na tila ba nag kakaunawaan sila at nag tulungan na biglang nilihis ang pag haharang ni Ares sa pinto. Nag tagumpay ang mga ito at nabuksan ang pinto."Balae bilisan mo!"saad nito sa ina ni Seraphim na siyang nag bukas ng ilaw sa silid na iyon.
Halos hindi sila maka paniwala nag may isang babae na natutulog sa kama ni Ares.
Ang mukha nito ay hindi agad makikaita dahil naka tagilid ito at na tatabunan ng kanyang buhok.Nagkalat sa ibaba ng kama ang damit at salawal ng dalawa at may dalawang gamit na condom pa.
"What the! Mga Animal!" Sigaw at akusa ng dalawang ginang na agad nilapitan ang na tutulog na babae.
Ang ina ni Seraphim ay hinila ang comforter na naka tabon sa kanya habang ang ina ni Ares namay ay nilapitan siya at handang sabunutan ang babae.
Nataranta naman si Ares na nilapitan ang ina ngunit huli na ang lahat dahil hinawi ng ina nito ang kakagising lamang na babae. Kitang kita ang marka na iniwan sa kanyang katawan gawa ng mainit na sandali nilang pinag saluhan ni Ares kagabi.
BINABASA MO ANG
VEXATIOUS BARGAIN
Romance"You want me to hang out with your child?! Huh what a fine joke, but fine I'll hang out with that kid on one condition." Bakas ang puot at galit sa mga mata ng dating asawa habang buong sarkasmo at panunutya naman ang boses nito. "Payag ako para...