“MAMA!”
Isang matinis na boses ang narinig ni Seraphim o mas kilala'ng si Venus o Vee ng mga taong kasama niya sa paupahang bahay ni Nay Cely.
Papalapit sakanyang harapan kasabay noon ang anak na si Eros na mukha'ng katatapos lang umiyak.
Agad siyang niyakap ni Venus.
Napatingin na lamang si Seraphim sa papalapit na sina Nay Cely na may lungkot sa mga mata at si Tien na akay naman nito ang tulog niyang anak na si Jao.
“Pasensya na kayo at hindi na ako naka abot ng PTA meeting. Maraming salamat po nay Cely sa pag proxy.”
Pag hingi nito ng paumanhin sa dalawa.
Si Nay Cely ang mayari ng inuupahang kwarto nina Venus at anak nito rito sa Maynila.
Napilitang mag board si Seraphim matapos umalis ito ng kanilang bahay at nakipag hiwalay kay Ares Montaverde.
Ang isang taong akala nito ay mag bibigay ang langit at lupa sa kanya ngunit sa halip ay binigyan siya nito ng isang kastilyo'ng buhangin na natitibag sa isang ihip ng hangin!
“Nakausap mo naba ang asawa mo, Vee?” tanong ni Tien. Seraphim ang tawag sa kanya minsan bilang palayaw.
Napailing na lamang si Seraphim bilang sagot nang makita nitong sabik ding malaman ng kanyang anak ang sagot nito.
“Ibinigay na ang Report Card nila heto Vee.”saad ni nay Cely.
“Ang galing talaga ng anak mo Vee best in Math! Congratulations!” Pag puri ni Tien.
Napangiti si Seraphim bakas ang pagiging proud nito sa anak.
“Wow! Ang galing galing naman ng anak ko! Good Job baby!” Napangiti ang anak ni Seraphim na kanina lamang ay malungkot.
“Nak, amoy araw ka na. Half bath na ha.” Mabilis itong tumango.
“Opo mama! Ma, hanapin mo ulit si papa bukas ha. Sabi kasi ni maam sa susunod na lingo Father’s day sa school.”
Unti unting tumulo ang luha ng anak niya.
“Kasi ma….kasi yung ka klasi ko may papa at tatay tapos tagal na naming klasmate wala naman daw ako'ng papa. Putok daw ako sa buho. Buti nalang mama dumating sina tita Tien. Pinagsabihan nila yung bad na kaklase ko.”
Agad namang pinahiran ang luhang manuo sa pisngi ng anak niya at niyakap ito.
Napatingi si Venus kay Nay Cely at bakas ang kakungkutan sa mga mata nang matanda at kay Tien na akay parin ang tulog na anak nitong si Jao.
“Sige na nak hayaan mo hahanapin at pupuntahan natin si papa. Taha na. Ha. Pag pasensyahan mo na din si Mama at hindi ako naka attend ng PTA, maraming trabaho kasi nak. ”
Sunod sunod naman ang pag tango ng anak nito.
“Hali kana half bath na tayo ha para di kana asim naman!” saad ko sabay tawa.
Napahalakhak na lamang ako at kiniliti ang anak ko upang malimutan niya ang nangyari.
Mahirap maging isang ina lalu na gayong nililihim ni Seraphim ang mga nang yari sa kanyang buong pamilya.
Nag papasalamat na lamang siya dahil kahit papaano eh sumunod parin si Ares sa kasunduan nila noo'ng nahanap siya nito. Tunay na magulo ang sitwasyon nila ng dating asawa at pinagulo pa lalu dahil sa pagkawala ng tiwala at paninibugho ni Ares.
TANDA'NG TANDA PA NOON NI SERAPHIM ANG PANGYAYARI MAKALIPAS ANG PITONG TAON.
“Marry me, Phim.” Hindi tanong kundi isang salaysay na ka agad namang kina kiligan ng lahat na naroroon.
BINABASA MO ANG
VEXATIOUS BARGAIN
Romance"You want me to hang out with your child?! Huh what a fine joke, but fine I'll hang out with that kid on one condition." Bakas ang puot at galit sa mga mata ng dating asawa habang buong sarkasmo at panunutya naman ang boses nito. "Payag ako para...
