16

49 2 0
                                    

Bumungad sa pinto si Ares nang makalabas si Seraphim sa banyo.

Nakangiti ito'ng sumalubong sa kanya habang may dalang stokolate sa kamay at sa kanang kamay naman ay isang maligamgam na tubig na nakalagay sa tasa.

"Chocolate, warm water or me?" Natatawang panunudyo nito sa asawa.

Hindi mapigilan ni Seraphim ang inis na maipinta sa kanyang muka hindi dahil sa galit parin ito dahil sa nangyari kahapon ngunit sa hindi nito kayang pigilin ang sariling emosyon.

Laking gulat na lamang ni Ares nang biglang yakapin siya nito ng mahigpit at ilang beses na pingkian ang kanyang dibdib. Hindi ma iiwasan ang pagkabog ng kanyang dibdib.
Napangiti si Ares sa inaasal ni Seraphim dahilan upang agad niyang inilatag ang dalang tasa sa pina ka malapit na mesa at niyakap pabalik ang asawa.

"I'm sorry." Sabay na wika nila dahilan upang napangisi si Ares.

Tinaas ni Seraphim ang mukha at nag salubong ang mga kilay nito handang awayin nanaman ang asawa ngunit bago pa man maka salita si Seraphim agad naman inangkin pan samantala ni Ares ang mga labi niya.

"I'm sorry but I have to let go from this hug or else may mang yayari nanaman mismo dito sa sala. Eros just woke up. Nasabanyo lang siya bago ka lumabas." Bakas ang panunukso nito sa kanyang boses.
Marahang kinurot ni Seraphim ang tagiliran ni Ares dahilan upang mapangiwi ito at bumitaw sa pag kakayakap nila.

"Here take this."alok nito ng chocolate.
Kinuha iyon ni Seraphim at kinain.

"Hmmmn."saad nito habang nginunguya ang stokolate.
Ilang sandali pa lumabas na rin si Eros sa silid nito patungo sa sala kung saan na roroon ang dalawa.

"Mama!"saad nang anak at agad itong yumakap sa ina at nag pa karga ngunit bago pa man kalungin siya ni Seraphim ay agad namang binuhat at kinalong ni Ares ang anak dahilan upang mainis siya sa lalaki.

"Big boy kana diba Eros?"
Tanong nito sa bata na agad namang tumango.

"Daddy, oopo na po ako rito sa upuan ko po." Saad nito at agad namang hinalikan ni Ares ang bata.

"Kain na big boy. Masarap ang luto ni mama?"
Tanong si Seraphim.
Ngumiti naman at tinapos muna ni Eros ang pagkain bago sumagot.
"Opo mama! Ma, moving up na po namin next week Friday. Tinuruan na rin ako ni Daddy po sumayaw. Sabi ni Teacher kami daw ang ikatlong mag present ng talent. "

"Sige po. Ano ba ang susuotin ng gwapo kong anak?"

Humalakhak muna ang anak bago sumagot.
"Little man in black. Naka bili na po kami ni Daddy."
Napatango tango naman si Seraphim.

"Hindi ba mahihirapan kayong sumayaw pag ganoon ang suot nak? Formal suit yun. Parang hindi bagay sa talent na sayaw."kumento nito ngunit si Ares na ang sumagot para sa anak.

"That's just a costume. Anyways the moving up will be held in a hall."
Saad nito sabay subo ng pagkain kay Eros.

"Ano? Diba dapat sa school yun?"

Naging tahimik ang dalawa ngunit nag salita ulit si Seraphim.

"Iba na talaga ang Graduation at moving up ngayon ano? Ang daming pakulo."saad nito na pinag kibit balikat lamang ni Ares at Eros.

Sabay na tumango ang mag ama at tahimik na sinusubuan ni Ares si Eros ng agahan.

"Alaka ko ba big boy kana? Bakit nag papasubo ka nak?"tanong ni Seraphim sa anak ngunit akala nito na panunudyo biglang umiyak ang anak at napilitang patahanin ni Ares ito.

VEXATIOUS BARGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon