[Ika Labing-Apat na Kabanata]
Lainna's P.O.V
Kasalukuyang umaandar ang kotse ni Ryo, hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kanya, he tried to talk to me pero hindi ko sya kinakausap, Pang-ilang kidnap na ba nya ito sa akin? Lagi akong kinikidnap eh hindi naman nanghihingi ng ransom.
Ihininto nya ang kotse sa may gilid ng kalsada pero wala namang mga tao dun. Puro mga kahoy lamang.
"Baka ikamatay ko pag hindi mo ako kinausap". Saad pa nito pero inirapan kona lang Sya. Don't tell me may balak kang mag hiking? Hindi pa nga magaling yung mga sugat ko sa paa eh tapos magha-hiking ka? At isasama mo talaga ako noh?
"Lainna naman" nagulat ako nang hawakan nya ang dalawang kamay ko at itinapat iyon sa magkabila nyang pisngi. Tumigil ka, kundi baka mahampas kita.
"I'm begging you, please talk to me..." Nangingilid ang mga luha nya sa kanyang mga mata, napakagat labi pa ako dahil mukha syang tuta! Wahhhhhh kawawa naman sya! Lainna kasi kausapin mona!
"Lainna..." Humihikbi na sya ngayon. Kalalaking tao may pahikbi hikbi pang nalalaman, ang tanda tanda mona nga eh!
Hindi na ako nakatiis pa, ayoko talagang may mga taong umiiyak nang dahil sa akin eh, ayoko rin na sumama ang loob nila sa akin kasi hindi ako makatulog.
"Oo na, oo na, tama na yang pagpapa cute mo dahil hindi ako nadadaan sa mga ganyan" nakabusangot kong sabi. Ang akala ko ay magiging okay na sya sa sinabi kong iyon pero naglaglagan ang mga luha nya sa kanyang mga pisngi at nasa mga palad kona iyon.
"Hala! Ryo bakit ka umiiyak? Sinasabi kona nga ba eh! Anong masakit sayo ha? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital? Ipa check up natin yan!" Taranta kong sabi, hindi kona iniinda yung hapdi ng kamay ko dahil nalagyan ng mga luha nya ang kamay ko.
Itinuro naman nya ang bandang dibdib nya sa may kaliwa, sa tapat iyon nang kanyang puso kaya mas lalo akong nataranta. Papaano kung may sakit pala sya sa puso? Tapos ma confine sya sa Hospital edi Cargo ko pa iyon pag nagkataong may mangyaring masama sa kanya! Naku po, Lord please lang po wag nyo pong pababayaan ako at ang Lalaking ito.
"M-may sakit ka ba sa puso?" Paninigurado ko, mahirap na baka atakihin ito at ako pa ang ituro nyang dahilan kung bakit sya inatake, edi na suspect in crime pa ako. Umiling naman sya na ipinagtaka ko. Kung wala naman syang sakit sa puso eh bakit masakit ang dibdib nya? Baka sakit sa atay talaga!
"I don't have any disease before, pero nung dumating ka sa buhay ko, nagsimula na akong makaramdam ng sakit. So kasalanan ko nga kung bakit may sakit Sya ngayon?
"Hala! Sorry Ryo, hindi ko namang alam na magkakasakit ka dahil lang sa nakilala mo ako, sana pala eh hindi na tayo nagkakilala" gusto kong maiyak kasi nakokonsensya ako.
"Kung hindi sana tayo nagkakilala eh di sana wala kang sakit Ngayon... Cancer ba?" Muli syang umiling. Ano ba yung sakit nya? Diabetes? Leukemia? Ano ba kase?
"Nung hindi pa kita nakikilala, wala akong nararamdamang sakit" panimula nito at tumango tango na naman ako.
"Lagi lang akong nasa office at hindi kona iniisip ang mga iba't ibang bagay, in short wala akong pino problema" muli ay tumango ako.
"Pero nung makilala kita lagi na lang akong may iniisip, pakiramdam ko ay lagi akong kinakabahan" nag pause muna sya at tinignan nya ako sa mata. so, kasalanan ko pa eh noh? Mukha ba akong problema ha?
"Lagi kong iniisip kung okay ka lang ba, lagi kong iniisip kung kamusta kana..." Nakangiti sya habang sinasabi nya ang mga linyang iyon. Patuloy parin ang pag-agos ng mga luha nya sa kanyang mga mata at pinupunas ko naman iyon.
YOU ARE READING
Destined To Be Mine (Ongoing)
RomanceTahimik at mapayapa ang pag-aaral at pamumuhay nang High School Student na si Lainna Hanabi, mabait, palangiti at higit sa lahat ay maalalahanin. Ngunit nagbago ang takbo nang kanyang pamumuhay nang makilala nya ang kapatid nang kaybigan nito. Si Ry...