[Ika Dalawampu't pitong Kabanata]
Rogue's P.O.V
Nasa Restaurant ako ngayon, chini-check ko ang mga staff sa kanilang gawain, maaga din akong uuwi ngayon dahil susunduin ko pa ang pamangkin kong si Zeden sa school nito dahil ipapasyal ko sya ngayon.
"Pagbutihin nyo ang pagtatrabaho ha? Nandito si Sir Rogue kaya dapat naman tayong mahiya na wag ipakita sa kanya ang katamarang ating tinataglay" sambit ni Kia ang Manager ng Restaurant ko.
"Naku! Sir Rogue, wag nyong intindihin yang sinabi ni Miss Kia, wala pong tamad sa mga kasamahan namin, pabida lang talaga yang si Kia dahil may gusto sya sa inyo" Sabi ni Mang Edong, ang Head ng Chef, paminsan ay tumutulong din ako sa pagluluto.
Lagi lang akong nasa Restaurant kapag wala namang mahalagang pupuntahan, ito ang pangarap ng mga magulang ko, ang makapagpatayo ng sarili naming restaurant kung saan mapagsisilbihan namin ang mga nagugutom naming customer.
Magaling magluto ang Mama kaya gusto nyang makapagpatayo ng Restaurant kaya nang mamatay silang dalawa ay pagpapatayo na nang Restaurant ang pinangarap ko, nais kong tuparin ang mga pangarap ng mga magulang ko dahil ang mga pangarap nila ay pangarap kona din.
"Mang Edong naman po eh, huwag nyo naman po akong binibisto" natatawang sabi ni Kia. Matagal ko nang alam na may pagtingin sa akin si Kia, ang totoo pa nyan ay naging magkaklase kami nuong High School at palagi nya akong sinusulatan nuon.
Nang maka Graduate kami nang High School ay nawalan na ako nang balita sa kanya, maging sa lahat ng mga naging kaklase ko, nagulat nga din kaming pareho nuong nag apply sya sa restaurant ko.
Hindi nya kasi inaasahan na ako ang nagmamay-ari ng restaurant na inaapply-an nya.
"Naku Kia, Huwag kana nga dyang pakipot, alam naman nating pareho na dati ka pang may gusto dyan kay Sir Rogue eh!" Sabi naman nang isang waitress, sya si Lyka, kaklase din namin sya nung High School.
"Tigilan nyo na nga si Kia, baka mamaya umiyak pa yan" natatawang sabi kona lang at tumawa silang lahat.
"Ahm Sir Rogue, may naghahanap po sa inyo" bungad nang isang Waiter, si Jake, bago pa lang sya sa restaurant, nuong nakaraang linggo pa lang syang nagsimulang magtrabaho.
"Sino daw ba sya?" Tanong ko. Nasa loob kasi kami nang kusina dahil tinitignan ko ang mga inihahanda nilang pagkain.
"Hindi ko po naitanong kung sino sya pero, maganda po sya, sexy at mukhang mayaman, ihinatid po sya ng isang lalaki kanina, nakita ko po kasi ang pagbaba nya nung kotse eh" nangunot ang nuo ko sa paglalarawan nya sa taong naghahanap sa akin.
"Babae? Naku Kia mukhang may Jowa na si Sir Rogue ah!" Sabi ni Lyka.
"Sa tingin ko po ay nasa 20's lang po sya, mahaba ang brown na buhok nito" dagdag pa ni Jake. Nasa 20's? At mahaba ang buhok nito na color brown? Napaisip ako, kung si Rio nga iyon, hindi naman brown ang kulay ng buhok nito kundi itim. Ang tanging kilala ko lang na natural brown ang buhok ay si Lainna.
Agad agad akong lumabas nang maisip ko kung sino yung posibleng taong naghahanap sa akin at hindi nga ako nagkakamali, nakita ko si Lainna na nakatayo malapit sa may pintuan. Nang makita nya ako ay agad naman syang lumapit sa akin.
Lumabas na rin yung mga kasama ko sa loob ng kitchen dahil siguro ay makiki tsismis kung sino yung babaeng naghahanap daw sa akin.
"Ay naku Kia, wala kang laban, ang ganda nung babae at mukhang batang bata pa" rinig kong bulong ni Lyka kay Kia.
"Ano ka ba Lyka? Maghunos dili ka nga, mahiya naman tayo kay Sir" sabi naman ni Mang Edong.
"Sino kaya sya noh?" Tanong naman ni Jake.
YOU ARE READING
Destined To Be Mine (Ongoing)
RomanceTahimik at mapayapa ang pag-aaral at pamumuhay nang High School Student na si Lainna Hanabi, mabait, palangiti at higit sa lahat ay maalalahanin. Ngunit nagbago ang takbo nang kanyang pamumuhay nang makilala nya ang kapatid nang kaybigan nito. Si Ry...